Chapter 5

52 6 0
                                    

Acielle Zien Madrigal Point of View

Habang naglalakad kami ni Zaustin ay hindi mo maiwasang mapalingon lingon sa kanya. God! Kahit naka side view lang siya eh ang gwapo gwapo pa rin. Kyahhhhh!!!! Umiigting ang nakakalokang panga niya, mahabang pilik mata at mapupulang mga labi. Mala adonis ang itsura niya ayyyy!!!! Ewan ko nga bakit siya binubully ng mga students dito eh ang gwapo gwapo nitong si Zaustin eh! Bulag ba sila o sadyang nagbubulag bulagan lang. Argh!!!

"May problema ba Acielle?" rinig kong tanong ni Zaustin

Sumulyap muna ako sa kanya at ibinalik ang tingin sa hallway, papuntang building "Ha? Ah! Wala naman" ani ko

Aakyat na sana kami ng building ng mga narinig kaming nagtatawanan. Napatingin kami pareho ni Zaustin. Isang grupo ng mga kalalakihan iyon. Mukhang mga 3rd or 4th year collage na ata sila....

Nawala ang tawanan nila dahil siguro nakita kami. Anyare?!

"Oh! Ikaw pala Zaustin haha! Ang bobong nerd na feeling habulin ng mga chixs haha" tawa ng isang lalaki na mga katabaan.

Tinaasan ko sila ng kilay. Anong mga problema ng mga bruhong toh! Hindi naman namin sila inaano ah!

"Hi Miss Ganda! Baket mo kasama ang bobong nerd na yan?" nakangiting sabi nung medyo mahaba ang buhok.

The fuck?!!! Anong problema nila???

"Ano bang problema niyo kay Zaustin?!" ani ko

"Hahaha!!! Wala naman miss ganda eh. Naiinis lang kami sa kanya, dahil ang mga syota namin eh baliw na baliw sa bobong nerd na yan!!" abat ang kakapal ng mukha. Makainsulto sila kala mo kong sino!!!!

Pigilan niyo ako nanggigigil na ako!!!

Sinamaan ko sila ng tingin "Wala namang kasalanan si Zaustin sa inyo. Dapat ang mga syota niyo yong pagsabihan niyo, hindi siya" mahinahong sabi ko

"Yun na nga miss ganda, nakipagbreak na kase mas gwapo daw yung Zaustin Jarold, nakaka tangina lang kase miss ganda eh! Yang gagong yan sarap suntukin, pwede ba miss ganda?" ngumiti yung medyo mataba.

"Acielle, tara na" bulong ni Zaustin

Napalingon ako sa kanya, at tumango. Hinawakan ko ang kamay niya at akmang aalis ng may humila ng bag ni Zaustin kaya sabay kaming napaupo sa sahig....

"Arayyy!!!" sigaw ko..

"Sorry miss ganda ha! Gusto ko lang suntukin yang gagong yan eh" ani nung mataba sabay suntok kay Zaustin.

"Oh my god! Tigilan niyo yan!!!" sigaw ko...

At sinusubukang awatin sila pero hinawakan ako ng nung ilan sa mga kasama nung lalaki.

Patuloy parin sila sa panununtok kay Zaustin

"Ano ba!!! Tumigil na kayo!! Tama na!!!!" nanginginig kong sabi..

Sumusuntok din si Zaustin kaso maka isa lang kase hinawakan na din siya nung mga lalaki...

Gusto kong umiyak, naaawa ako kay Zaustin kakagaling niya palang sa suntok kanina, tapos ngayon na naman. Wala namang kasalanan si Zaustin eh!!!

I Love You (Completed)Where stories live. Discover now