Chapter 29

30 2 1
                                    

Acielle Zien Madrigal Point of View

"That's all for today. See you tomorrow" iyon nalang ang sinabi ni Sir at naunang lumabas ng room namin. Inayos ko na muna ang mga gamit ko at sinukbit na sa balikat ko ang bag ko.

"Lunch?" tanong sakin ni Charity

Bago ako magsalita ay napatingin muna ako kay Zaustin na nagliligpit pa ng mga gamit niya. Tatawagin ko sana siya ng biglang humarang sa paningin ko si Vanessa, agad namang kumulo ang dugo ko. Bwesit na babae yun!

Maglalakad na sana ako papunta sa gawi ni Zaustin nang makita ko siyang naglalakad papunta sa gawi ko at basta nalang hinawakan ang bewang ko. Napatingin naman ako sa kanya at nginisian.

"Tara na, Cha" sabi ko

"Okie dokie" aniya

Magsisimula na sana kaming maglakad ng biglang may tumawag ng pangalan ko.

"Acielle!"

Lalong naginit ang ulo ko at kumulo pa lalo ang dugo ko dahil sa punyeterang boses na iyon.

Pumikit ako ng marihin at humarap sa kanya ng may ngiti sa mga labi. "Yes Vanessa?" nakangiting saad ko

Ngumiti naman siya sakin at pumunta sa harapan ko. Napatingin siya kay Zaustin at binalik din ang tingin sakin. "Pwedeng sabay tayo mag lunch? Kayo palang kasi ang kakilala ko dito eh. Can I join you?! tanong niya

Gusto kong ngumiwi. Kapal mo huh! Anong kami palang ang kakilala mo, ang sabihin mo gusto mo lang makasabay si Zaustin. Hihindian ko sana siya kaso baka sabihin niya na masyado na akong harsh aa kanya.

Ngumiti ako. "Sure" sabi ko

Napangiti naman siya at bahagyang tumili. "Yey!" aniya sabay hawak ng isang braso ni Zaustin

Nanlaki naman ang mga mata ko. Oh god! Please pigilan niyo ako, nanginginig ang kamay ko ngayon baka lumikot at biglang masampal ko ang punyetang malanding ito. Gosh!

"Vanessa, let go of me" seryosong sabi ni Zaustin

"Oh! Sorry Zaustin, wala namang magagalit pag hahawakan ko diba? Nobody own you right?" sabi ni Vanessa

That's it!!!!

Inis akong lumayo kay Zaustin at hinawakan ang braso ni Charity at naglakad palayo. Bwesit mamatay ako sa kakainis dun. Argh!!

"Sino ba ang punyetang higad na yun!" mataray na sabi ni Charity sakin. Naglalakad kami ngayon papunta sa canteen

Wala pa akong naririnig na sigaw ni Zaustin kaya lalong naginit ang ulo ko. "Argh! Kanina pa ako naiinis dun sa babaeng yun nagpipigil lang ako." nanggigil kong sabi

"Sana sinampal mo na agad. Kahit ako eh naiinis din" aniya

"ACIELLE!!!"

Hindi ako lumingon sa likod namin sa halip ay binilisan ko pa ang paglalakad ko. Nang makapasok kami sa entrance nang cafeteria ay agad akong naglakad doon sa pinadulong table at pabagsak na umupo dun. Nakita ko naman sina Charity at Zaustin na palinga linga kong saan. Nang makita nila ako dito ay agad silang naglakad papunta sa gawi ko. Umirap ako sa kawalan at sumandal sa kinauupuan ko.

"Acielle" hinihingal na sabi ni Zaustin

Hindi ko siya nilingon sa halip ay binuksan ko na muna ang bag ko at kinuha ang wallet ko.

Tumayo na ako at tumingin kay Charity na nakatingin din pala sakin. "Pila na muna tayo-"

"Diyan nga kayo. Juskoo! Ako ang nahihirapan sa inyong dalawa. Doon ako sa table nina Ace. Bye" sabi niya at naglakad papunta sa table nina Kuya Ace kasama ang iba pa niyang mga barkada

I Love You (Completed)Where stories live. Discover now