CHAPTER 18

2.8K 95 0
                                    

Janine

Nakasimangot akong nakasakay sa kotse ni tukmol habang papunta kami sa reception ng kasal ni Juv.

Buti nalang at hindi mausisa si Juv na magtanong tungkol sa nangyari sa akin. May plano naman akong sabihin sa kanya. Hindi nga lang ngayon.

At last nakita ko na din ang inaanak kong si Logan. Kay gwapong bata. Manang mana sa kanyang mga magulang.

"Why are you pouting?"

Mas lalo lamang nanulis ang aking nguso nang marinig ko ang kanyang boses.

NAIINIS AKO!

Hindi ba niya alam kung anong araw ngayon? Nagka coma lang ako pero hindi ako nagka amnesia.

Oo nga at hindi totoo ang pagiging relasyon namin noon pero mahalaga pa din yun sa akin.

Kung kailan niyaya niya akong makipag deal tungkol sa pagiging girlfriend niya.

Dahil nga na coma ako ng isang taon, hindi namin na celebrate. Pero ngayon, hindi naman niya naalala.

"Wala kaba talagang maalala kung anong araw ngayon?" Naiinis ko na talagang tanong ko sa kanya.

Kanina ko pa siya tinatanong sa simbahan ng parehong tanong pero hindi parin niya talaga maalala!

"Ahm.. It's July 26. Tuesday and the wedding of Juv and Acxle. And I know it's not your birthday dahil sa October 18th pa ang sayo."

Sinamaan ko lang siya ng tingin at humalukipkip. Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa labas ng bintana para hindi na mas lalong mainis pa.

"Seriously, what's wrong? Kanina mo pa sinasabi yan sa akin sa simbahan. Just what is it?" Giit niya sa akin.

Hindi ako sumagot sa kanya at nanatili lang ako sa aking posisyon. Narinig ko siyang bumuntong hininga pero wala na akong pakealam pa.

Nakarating kami sa reception ngunit hindi parin kami nagkikibuan. Nagsasalita lang kung may nagtatanong sa amin o kaya tango nalang ang naging tugon.

Sobrang ingay sa reception hall. Kaya nung oras na para sumalo ang mga bride's maid ni Juv ng bulaklak niya ay tumayo na ako. Wala sana akong balak pero nakakahiya naman lalo na't maid of honor ako.

"Are you ready?" Nakangiting anunsyo ng emcee.

Marami sa kasamahan ko ang nagsabi ng 'yes' pero ako ay nanatili lamang tahimik. Nasa bandang likod ako para makasigurong hindi sa akin mapupunta ang bulaklak.

Pero dahil mapanaket si tadhana, napunta sa akin ang bulaklak na ikinahiyaw ng mga bisita.

Pasimple kong sinamaan ng tingin si Juv na tatawa-tawa lang. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad papunta sa harap nang tawagin ako ng emcee.

"Now let's proceed to the boys!"

Halos lahat ng lalaki ay mga kaibigan lang ni boss Acxle at tukmol. Pangisi-ngisi lang ang huli na inirapan ko.

Naiinis pa rin ako sa kanya.

It's weird though dahil may pinagbubulungan sila. Dahil sa ingay dito sa reception hall ay hindi ko marinig ang kanilang pinagsasasabi.

Nang sinabi ng emcee na pwede ng ihagis ni boss Acxle ang garter ay nagsilakaran paalis ang mga lalaki maliban kay tukmol.

The.. heck?!

Kinindatan pa niya ako habang iwinawagayway ang hawak niyang garter.

Masigarbong hiyawan ang natanggap namin bago ko siya samaan ng tingin.

Black Mafia 4: Khairo FelicianoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon