PROLOGUE

9.7K 173 3
                                    

Janine

Maganda. Arogante ang dating. Kasing ganda ng kanyang pangalan ang kanyang mukha. In short ako yun.

Pero siyempre joke lang. Well yung una totoo. Maganda naman talaga ako.

I'm Janine Campo Evanghelista. Isang simpleng janitress na nagtatrabaho sa isang sikat na kompanya kasama na din ang pinakamabait kong bestfriend.

Alam niyo kung bakit ako nagtatrabaho? Siyempre hindi niyo pa alam dahil sasabihin ko pa.

Ganito kasi yun. Nagsisikap akong magtrabaho para ipagamot ang nanay kong may sakit sa puso. Palagi kasi siyang inaatake kaya bilang mabait na anak niya, gusto ko siyang bigyan ng bagong puso.

Alam kong napakahirap iyong abutin, pero wala namang masama kung magsisikap talaga. Diba?

Diba?

Right.

Pero kagaya ng ibang mga babae diyan sa tabi tabi. Takot akong sumugal. Hindi yung sa tong its hah? Yung sumugal na tungkol sa pagmamahal. Iyon ang ibig kong sabihin. Kung anong konek nun hindi ko din alam.

Ang pagiging simpleng pagtatrabaho ko ng janitress sa kompanya ay bigla na lamang nahaluan ng kadiliman.

As in. Sobrang dilim. 

Nang makilala ko ang napakahangin—well medyo may katotohanan naman ang kanyang pinagsasasabi pero basta! Para sa aking walang kwenta—na si Khairo Feliciano.

Ewan ko ba kung anong brillante ang nalunok ko at bigla na lamang siyang dumating sa buhay ko upang ayain lang ng date?

Diyos ko naman!

Alam kong maganda ako pero slight lang!

Pa humble j.peg.

Kaya duon nagsimula ang madilim naming kwarto–este kwento.

He's always pestering me and seduce me! Para lang daw mapapayag niya ako sa walang kwenta niyang date date na yan.

Alam ko na ang likaw nila. Mga paasa lang ang mga lalaking kagaya niya na gwapo, macho, yummy, and yummy—

Ugh! Erase!

Huli na ng malaman ko na ang taong kagaya pala niya ay hindi dapat hinihindian.

Huli na ng malaman ko ang tunay na dahilan kung bakit niya iyon ginagawa.

At iyon ang lubos kong pinagsisihan.


RHNA24 | rhiena manunulat

A/N: Nagkita na naman tayo readers😍 Hope you vote, comment and also follow me😊

Vote for more updates❤️

06-18-20

Black Mafia 4: Khairo FelicianoWhere stories live. Discover now