CHAPTER 6

2.9K 98 0
                                    

Janine

Papasok ako sa aming locker room nang makita ko ang taong hindi ko aasahan na makita.

Nanlaki ang aking mata at napatiling lumapit sa kanya at yumakap. Bahala ng mabingi ang mga kasama ko sa lakas ng aking tili.

"Juv! Bruha ka! Pinag-alala mo ako! Kung hindi lang sinabi ni tuk-Khairo hindi ko pa malalaman ang lahat!" Pag-e-emote ko habang mahigpit pa din siyang kayakap.

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nung encounter ek-ek sa Café. Mabuti nalang at nagpakita ngayon si Juv dahil miss na miss ko na ang bruhang ito.

Mukhang pinagpahinga lang siya ng ilang araw ng kanyang special someone bago niya ito payagan na lumabas.

"Mahabang kwento Janine. Sasabihin ko sa iyo ang lahat mamaya. Ayokong magtampo ka ulit." Aniya bago kumalas sa pagkakayakap.

"Maiintindihan ko naman kung hindi mo muna sasabihin sa akin."

And as usual, nginitian lang ako ng mabait kong kaibigan.

"No. Gusto ko talagang sabihin sa iyo ang lahat. Ayokong magtago sa iyo ng sekreto."

Napalingon lingon ako sa mga kasamahan kong lumabas na ng locker room.

"Dito mo sasabihin?"

Umiling siya saka ako hinawakan sa kamay. "Sa opisina tayo ni Acxle mag-uusap."

Napangisi ako at nagpahila nalang sa kanya. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi na siya bumabalik sa trabaho at walang nagdududa sa kanya dahil hindi siya nagtatrabaho, mukhang maliban sa akin ay may iba ng nakakaalam sa relasyon nila ni boss Acxle.

Hindi ko man kilala ng masyado si boss Acxle ay alam kong mahal na mahal niya itong kaibigan ko. To the point na ayaw niyang pagtrabahuin dahil siyempre, buntis ang pinakamamahal kong kaibigan.

Nang makarating kami sa 58th floor ay nanibago ako. Hindi naman naging OA ang reaksyon ko, hindi kagaya ng iba.

Nakasunod lang ako kay Juv nang pumasok siya sa isang pinto. Sumunod ako sa kanya at bahagyang tumaas ang aking kilay sa nakita.

Maliban kay boss Acxle ay nandito din sa loob si tukmol. Oo nga pala, magkaibigan sila. Kaya hindi imposibleng nandito din siya.

"Hey honey.."

Napabaling ang tingin ko kay Juv nang lumapit siya sa kanyang lovey dovey at kumandong.

Nanlaki ang mata ko at napaiwas ng tingin ngunit wrong move pala iyon. Napadako ang tingin ko kay tukmol na matiim na nakatitig sa akin.

Malakas akong tumikhim upang mawala ang kung ano mang agiw sa utak ko.

"Respeto din naman siguro sa mga single noh?" Singit ko sa paglalambingan nila Juv.

"Don't worry Janine, someday, your not a single anymore."

Umarte akong nasusuka sa sinabi ni boss. Si Juv naman ay napahagikhik nalang.

"Kung joke yan sir, hindi po nakakatuwa. Mas mabuti ng singl-"

"Are you sure that your single?" Biglang singit ni tukmol na binigyan ko ng masamang tingin.

Pilit ang ngiting iginawad ko sa kanya. Alam ko kung ako ang kanyang ipinapahiwatig sa kanyang sinabi.

"One hundred percent akong sure." Pinanlakihan ko pa siya ng nata na parang winawarningan na wag niyang sabihin ang tungkol sa kondisyon namin.

Ngumisi lang siya sa akin bilang sagot. Nakuuu. Pasalamat siya nandito ang kaibigan ko at boss, kundi kanina ko pa siya sinabunutan.

"Khai let's go. They need a privacy to talk. Don't interrupt them."

Black Mafia 4: Khairo FelicianoWhere stories live. Discover now