CHAPTER 7

2.7K 95 0
                                    

Waring: Slightly Matured!!

🍒


Janine

Apat na oras ang naging biyahe namin ni tukmol bago kami nakarating sa aming probinsya. Dumeretso kami sa hospital kung saan dito din isinugod si nanay nuon.

"Excuse me. May naka confine ba ditong nagngangalang Josephine Evanghelista?" Tanong ko sa babaeng nakatoka sa information desk dito sa hospital.

May kinalikot na kung ano ang babae sa computer bago nag-angat sa akin ng tingin.

"Room 18 maam."

"Salamat."

Hindi ko na hinintay ang tugon niya at lakad takbo ang ginawa ko upang hanapin ang room 18. Hindi ko na kailangang pagsabihan pa si tukmol na sumunod sa akin dahil alam kong nakasunod lang siya.

Nang mahanap ko na ang room na kinalulunan ni nanay ay pumasok agad ako. Hindi ko maiwasang maluha nang makita ko ang kalagayan ni nanay.

"N-Nay.."

"Anak."

Napatayo si tatay nang makita ako pero nagpatuloy pa din ako sa paglalakad palapit kay nanay na nakahiga sa hospital bed.

"N-Nay."

Nakapikit ang kanyang mga mata. Nang tuluyan akong makalapit sa kanya ay hinaplos ko ang kanyang mukha. Nagkakamali pala ako sa inaakala kong natutulog siya, dahil hindi, pipikit-pikit lamang ang kanyang mga mata.

"A-Anak?"

Tumango tango at pinigilan ang luhang gustong kumawala sa aking nga mata. Ayokong makita ako ni nanay na umiiyak. Dahil alam ko ang iisipin niya.

"N-Nandito na po ako nay. Wag kang mag-alala, malapit ka ng gumaling."

Hindi na nagsalita pa si nanay at ipinikit nalang ng tuluyan ang mga mata. May bahid na ngiti ang kanyang labi.

Suminghot singhot ako at napabaling kay tatay na matiim na nakatingin kay tukmol na nakasandal sa pader.

Nag-iwas ako ng tingin ng nagtama ang aming paningin. Nandito pa din yung kahihiyan sa loob loob ko dahil sa naging kilos ko duon sa elevator.

Stop it Janine! You need to get yourself off from the stress! Kailangan ka ng nanay mo!

Malalim akong napabuntong hininga at lumapit kay tatay saka umupo sa kanyang tabi.

"Ano pong sabi ng doktor tay?" Tanong ko sa kanya upang hindi na niya titigan si tukmol. Alam ko ang iniisip ni tatay.

Napatingin sa akin si tatay saka bumuntong hininga.

"Mahina na ang puso ng iyong nanay. Sabi ng doktor kailangan na siyang operahan. Pero anak, alam nating imposible iyon."

Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni tatay. It's not impossible, tay. Dahil may taong kusang tutulong sa atin, kapalit ng kanyang kondisyon.

Napapalunok akong tumingin kay tukmol na alam kong narinig ang sinabi ni tatay.

Kahit kahihiyan ko na ang kapalit, basta mailigtas lang si nanay.

"I already talk to my men. Nakahanap na sila ng bagong puso para sa nanay mo."

"T-Teka, ano ang ibig mong sabihin hijo?"

Napasulyap ako kay tatay na may bahid na gulat ang mukha.

"I want to help my.." saglit na napasulyap sa akin si tukmol bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "girlfriend's mother. I want to help, sir."

Black Mafia 4: Khairo Felicianoजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें