Kabanata 34

421 39 3
                                    

NOVEMBER 14, 1899

Medyo mahirapan kami sa paglalakbay dahil patuloy ang pag-habol sa amin ng mga Amerikano. Habang nakaupo sa may damuhan sa ilalim ng puno ng mangga ay napadaan si Julian kaya naman napatayo ako saka tumalikod.

"Remedios? Ikaw ba 'yan?" Dinig kong tanong niya saka lumapit sa akin at hinawakan ang aking balikat. Dahan dahan akong lumingon at laking gulat niya nang makita ako. "Ikaw nga! Ano ang iyong ginagwa rito?! Mapanganib ang ang ginagawa mo," dagdag niya pa.

"Huwag kang maingay baka may makarinig sa'yo," suway ko sa kanya.

"Alam ba ito nila Dolores at Don Mariano?" Tanong niya sa akin saka ako umiling. "Ano?! Tumakas ka?" Dagdag na tanong niya at tumango naman ako.

"Julian sino ang kausap mo r'yan," dinig kong boses ni Goyo at huli na para mag-tago dahil nakita na niya ako. "R-Remedios! Bakit ka narito?" Gulat na gulat niyang tanong sa akin. Gosh?! Paano ba ito?

"Ah ehhh kasi gusto kong matiyak ang iyong kaligtasan," saad ko at nanatili siyang nakatingin sa akin. Bakas ang pag-aala sa kanyang mukha.

"Baka mapahamak ka sa ginawa mo. Kaya ko naman ang aking sarili kaya naman wala ka nang dapat pang ipangamba," malumanay na saad niya. "Medyo malayo na tayo at mahihirapan na tayong makabalik kaya naman huwag ka nalang mawawala sa aking paningin," dagdag niya pa saka ako tumango.

"Maiwan ko na muna kayong dalawa r'yan," saad ni Julian saka kami iniwang dalawa. Muli akong naupo sa damuhan at ganoon din siya.

"Maligayang kaarawan," nakangiting saad ko at napangiti naman siya.

"Paano mo nalaman gayong hindi ko naman sinasabi sa'yo?" Biglang tanong niya at hindi naman ako nakasagot. Alangan namang sabihin kong galing ako sa hinaharap. "Huwag mo nang isipin ang aking itinanong, ang mahalaga ay naalala mong kaarawan ko ngayong araw" saad niya, nanatili siyang nakatingin sa akin saka ngumiti.

"Ano ang hiling mo para sa kaarawan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Simple lang, ang makalaya mula sa mga malulupit na dayuhan at ang makapakasalan ang babaeng pinapangarap ko," saad niya. "Ang makasama ka habang buhay," dagdag niya pa saka lumapit sa akin.

"Ganoon din ang aking nais kaya naman ay mag-iingat ka," saad ko.

"Nabasa ko ang liham mo para sa akin. Huwag kang mag-alala dahil babalik ako sa'yo bilang marapat na lalaking mamahalin mo," nakangiting saad niya. Gosh! Siya ba talaga ito? Para akong nananaginip sa tuwa.

"Sana ay tuparin mo ang iyong sinabi na hindi ka mamamatay" saad ko, tumayo ako at ganoon din siya.

"Pangako mahal ko," saad niya.

THREE WEEKS AGO

Nang makarating kami sa Pozzorubio ay agad din kaming tumakas dahil napasok na iyon ng mga Amerikano. Habang tumatagal kami sa paglalakbay ay pabawas nang pabawas ang mga sundalong umuurong para makipaglaban.

Hanggang ang grupo namin ay napahiwalay sa kabilang grupo. Kasama namin ang Presidente, ang kanyang asawa at si Felicidad.

Mula noon ay palipat lipat na kami sa iba't ibang bayan para makaiwas sa mga Amerikano.

"Kailangan nating mag-ingat lalo na ngayon ay walang tigil sa pag-habol sa atin ng mga Amerikano," saas ni Goyo.

"Marami na rin ang umaatras na sundalo, Heneral." Sabi ng isa sa mga sundalo niya.

"Hayaan mo sila, ngayon ay nakikita ko kung sino talaga ang tapat sa tungkulin at mayroong pagmamahal sa ating bayan."

Madalas ay wala kaming makain dahil paubos na nang paubos ang mga pagkain at tubig na dala namin. Pataas nang pataas ang bundok na inaakyat namin.

Stone In the Sand (1898)Where stories live. Discover now