Kabanata 24

371 41 3
                                    

Nagising ako sa isang madilim at malamig na kakahuyan. Hindi ko alam kung nasaan ako at kung sino ba ang mga taong dumukot sa akin. Maraming mga tent ang narito, may mga bonfire pa at may mga ilang sundalo na ang suot ay kulay asul. Nakaupo ako ngayon lupa sa ilalim ng puno ng mangga habang ang mga kamay ko at ang mga paa ko ay nakagapos.

Mukha silang mga Amerikano. Teka nga! Ibig sabihin ay mga kano ang dumukot sa akin?!  Maya maya pa ay isang pamilyar na lalaki ang lumapit sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko na si Sebastian ang kaharap ko ngayon. "S-Sebastian," gulat na gulat kong sambit sa kanyang pangalan.

Bahagya siyang ngumisi at nagsalita, "Yes, it's me."

"Walanghiya ka! Anong kailangan mo sa akin?!" Pasigaw kong tanong sa kanya kaya naman napatingin sa amin ang iba pang mga sundalo.

"Shhh. Hindi naman talaga ikaw ang pakay namin. The Boy General," nakangising saad niya. Si Goyo ba ang tinutukoy niya. "If you're thinking about that Goyo, yes you're right. He's our real target."

"Anong kailangan niyo sa kanya?! Akala ko kaibigan ka!" Sigaw ko sa kanya at napatawa siya ng mahina.

"Sa mundong ito, hindi lahat ng kaibigan ay tunay," nakangising saad niya at bahagyang umupo para pumantay sa akin. "Nakita ko lang kung paano ka titigan ni Goyo. At ngayong Heneral na siya ay napakalaking hadlang na niya sa amin," dagdag niya pa.

"Pakawalan niyo ako rito!" Pasigaw kong utos sa kanya at napailing siya.

"No. Not now" nakangising saad niya, tumayo siya at nalakad palayo sa akin.

Ang lamok lamok dito. Ang dumi dumi na ng suot kong saya. Gutom na rin ako, grabe gugutumin ba nila ako rito? Sana lang ay huwag pumunta rito si Goyo dahil baka mapahamak siya. Baka mamatay siya ng maaga. Teka nga, naisulat ba ito sa kasaysayan?

Muling lumapit sa akin si Sebastian na may dalang mangkok ng mainit na sabaw. Inabot niya sa akin ang mangkok at tiningnan ko lang ito.

"Nang-aasar ka ba?" Sarkastikong tanong ko sa kanya. Paano ba naman eh nakagapos ang mga kamay ko tapos aabutan niya ko ng mangkok?!

Napasinghap siya at pumantay sa akin. Hinipan niya ang sabaw na nasa kutsara saka itinapat sa aking bibig. Tiningnan ko siya ng matagal kaya napatingin din siya sa akin. "Huwag kang mag-alala. Walang lason ang sabaw na ito," saad niya. Tsk gutom na gutom na ako kaya naman hinayaan ko nalang siya na subuan ako.

Masarap ang sabaw kaya naman naubos ko ito. "Hindi ako kasing-sama ng iniisip mo. Sinusunod ko lamang ang kagustuhan ng aking ama," saad niya at tumayo na siya saka naglakad palayo.

Sumandal ako sa may puno ng mangga saka tumingala sa kalangitan. Niyakap ko ang aking sarili dahil ang lamig. Malalim na ang gabi at dinalaw na rin ako ng aking antok. Sigurado akong hinahanap na ako nila Dolores.

Ipinikit ko na ang aking mga mata habang nakasandal sa puno ng mangga. Maya maya lang ay naramdaman kong hindi na masyadong malamig. Kaya naman iminulat ko ang aking mga mata at nakita ko si Sebastian na pinapatungan ako ng isang blanket.

Tiningnan ko siya at ngumiti siya sa akin. "Nakita ko kasing nilalamig ka. Sa pamamagitan nito ay magiging maayos ang tulog mo," saad niya. "Pinadalhan na nila ama si Goyo ng liham upang papuntahin siya rito," dagdag niya pa.

Hindi na niya ako hinintay pang magsalita dahil lumakad na siya palayo sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako at ipinikit ang aking mga mata. Huwag ka nang pumunta Goyo. Hayaan mo na lang ako rito. Minsan naiisip ko kung magkasama ba sila ngayon ni Felicidad. Yung ex lover niya. Gosh baka kapag namatay ako ay magkabalikan sila! OMG naman!

Stone In the Sand (1898)Where stories live. Discover now