Kabanata 30

404 36 4
                                    

Tanghali na at narito pa rin sa mansyon nila Don Mariano si Goyo. Nasa sala ako habang nasa bakangteng silid siya at nag-aayos ng kanyang sarili.

Mabuti na lamang at hindi nilagnat si Goyo dahil sa nangyari kagabi. Maya maya lang ay tumabi sa akin si Dolores. Nakangiti siyang tumingin sa akin kaya nginitian ko rin siya.

"Ate kailan pala ang iyong kaarawan?" Tanong niya sa akin.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang. Gusto ko lamang malaman kung kailan," nakangiting saad niya.

"Sa ika-dalawangpu't anim ng Oktubre," sagot ko at hindi naalis ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Malapit na pala ang iyong kaarawan ate! Ika-dalawangpu't apat ng Oktubre ang araw ngayon," saad niya at napatayo ako. So ibig sabihin ay ang tagal ko na palang nanunuluyan sa panahong ito? Gosh!

Maya maya pa ay lumabas na si Goyo sa kanyang silid at dumeretso rito sa sala. Nilabhan ko kagabi ang kanyang damit kaya naman natuyo rin kaninang umaga.

Lumapit siya sa akin kaya naman napatayo ako. "Maayos na ba ang iyong pakiramdam? Wala ka bang nararamdaman na kakaiba? Nahihilo? Ano?" Sunod sunod kong tanong at bahagya naman siyang napangiti.

"Huwag ka nang mag-aalala dahil maayos na ang aking pakiramdam. Ang galing kaya ng nag-alaga sa akin," nakangiting saad niya at kaya naman napangiti na rin ako.

"Aalis ka na ba Heneral?" Tanong ni Don Mariano kay Goyo at tumango naman si Goyo.

"Opo Don Mariano sapagkat marami pa akong kailangan tapusin. Nagkataon lamang na mas inuna ko si Remedios kaysa sa mga ibang bagay," paliwanag niya at nag-dulot iyon ng kiliti sa aking puso. Gosh! Bakit ba siya ganyan?

"Kung gayon ay mag-iingat kayo sa inyong paglalakbay Heneral," saad ni Don Mariano.

"Paalam Heneral," nakangiting pagpapaalam ni Dolores kay Goyo. Lumabas na kami upang ihatid sa labas si Goyo.

"Paano ba 'yan? Aalis na muna ako dahil paniguradong maraming ipagagawa sa akin ang Señor Presidente," napangiting pagpapaalam niya.

"Pagbutihin mo ang iyong tungkulin sa bayan at mag-iingat ka," nakangiting saad ko at tuluyan na siyang umalis.

Nang pag-harap ko kila Don Mariano at Dolores ay para bang nanunuya ang kanilang mga tingin sa akin. Gosh! Anong meron?

"Mukhang malalim talaga ang pag-tingin sa'yo ng Heneral, hija" nakangiti, ngunit nanunuyang saad ni Don Mariano.

"Uy si Ate," kinikilig na saad ni Dolores. "May sasabihin pala ako sa'yo Tay," pag-iiba ni Dolores sa usapan at tuimingin siya kay Don Mariano.

"Ano iyon?" Tanong ni Don Mariano sa kanya at bahagya pang tumingin sa akin si Dolores.

"Kaarawan na ni Ate sa susunod na araw," nakangiting saad ni Dolores. Omg bakit niya pa sinabi kay Don Mariano.

"Ganoon ba hija? 'Di bale at maghahanda tayo ng marami," nakangiting saad ni Don Mariano. Hala nakakahiya naman. Pinatuloy na nga nila ako sa pamamahay nila tapos maghahanda pa sila para sa akin.

"Nakakahiya naman po Don Mariano," saad ko at napangiti naman siya.

"Hija pamilya ka nanamin dito kaya wala ka nang dapat pang ikahiya," saad niya at bumalik na siya sa kusina para mag-kape.

"Ate hindi na ako makapaghintay na sumapit ang iyong kaarawan," nakangiting saad ni Dolores.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre ate maraming pagkain, may mga ilaw at tugtugan. Maraming tao ang dadalo at natitiyak kong isa na roon ang Heneral!" Kinikilig na saad niya. Maging ako tuloy ay hindi na rin makapaghintay.

Stone In the Sand (1898)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon