Kabanata 22

377 42 2
                                    

Makaraan ang ilang araw matapos ang pagkamatay ni Heneral Luna ay dumating ang pangulo at pinaanyayahan kaming lahat na pumunta sa bayan dahil may mahalaga siyang inaanunsyo.

Sumakay kami ni Dolores sa isang kalesa habang si Don Mariano naman ay mag-isang nakasakay sa nauunang kalesa.

"Ano kaya ang importanteng sasabihin ng Señor Presidente?" Tanong ni Dolores. Maging ako ay walang ideya.

"Hindi ko rin alam," saad ko at sumilip ako sa may bintana. May mga tao naglalakad papunta sa bayan.

"Ate napapansin ko lang. Matagal ko ng hindi nakikita si tenyente-koronel mag-mula noong huli niyong pagkikita," saad ni Dolores. June 5 no'ng huli kaming magkita at June 12 na ngayon pero hindi pa rin siya nagpapakitang muli.

"Baka naman abala lang 'yon sa maraming bagay," saad ko at maya maya lang ay tumigil na ang kalesa, hudyat na narito na kami sa aming destinasyon.

Bumaba na kami ni Dolores at maraming tao ang narito sa bayan. Maraming silya ang pwedeng upuan. Naupo kami nila Don Mariano at Dolores sa unahan dahil may bakante pa roon. Natanaw ko sa hindi kalayuan sila Vicente, Joven at Julian. Tiningnan ko si Dolores at nahuli ko siyang nakatingin kay Julian. Namiss siguro nila ang isa't isa.

Wala pa ang presidente pero marami nang mga sundalo ang aali-aligid sa paligid. Siguro upang masiguro ang kaligtasan ng pangulo? Whatever.

"Siguro ang inaanunsyo ng pangulo ay ang tungkol sa pagkamatay ng ating Heneral Luna," biglang saad ni Don Mariano at napatingin kami sa entablado kung saan naroon na ang presidente.

Nagsi-tahimik ang lahat at nag-umpisa nang magsalita si Pangulong Emilio.

"Marahil marami sa inyo ang nalulungkot at nagluluksa sa naging brutal na pag-patay kay Luna," paninimula niya. "Si Luna ang pinakamagaling kong Heneral. Siya ay may paninindigan sa kanyang mga salita. Pero ikinalulungkot ko dahil wala na siya."

"Sino naman kaya ang nag-lakas loob na patayin ang ating heneral?" Bulong ni Dolores sa akin. Bakit papupuntahin si Heneral sa Cabanatuan gayong wala naman siya roon?

"Kaya ko kayo pinapuntang lahat dito ay upang inanunsyo ang hahalili sa pwesto ng ating dating heneral," paninimula niya at nahagip ng mga mata ko si Goyo na nakaupo sa likod ng Presidente. Tahimik lang siyang nakikinig at parang hindi niya inaasahan na siya na ang magiging heneral.

"Bagong heneral?"

"Nako sino naman kaya ang papalit kay Heneral Luna?"

Dinig kong bulungan ng mga tao sa aming likuran.

"Marahil ay kilala niyo naman ang ating tenyente-koronel," paninimula niya at bahagya pang nanlaki ang mga mata ni Goyo saka napatingin sa presidente. "Si Gregorio Hilario del Pilar y Sempio ang nais kong humalili sa pagiging Heneral ni Luna," dagdag niya pa at napatayo si Goyo saka pumwesto sa tabi ng pangulo.

May kinalaman kaya siya sa pag-patay kay Heneral Luna kaya ibinigay sa kanya ang ranggong ito. "Goyo. Itinataas ko ang iyong ranggo. Mula sa pagiging tenyente-koronel ay hinihirang kita bilang isang ganap na Heneral. Aking mga kababayan, siya si Heneral Gregorio. Ang pinaka-batang heneral."

Nagpalakpakan ang mga tao sa anunsyo ng pangulo. Siguro ay gusto nila si Goyo bilang kanilang heneral.

"Ang gwapo naman ng ating Heneral."

"Oo nga!"

"Hindi na ako magtataka kung bakit siya ay sumusunod sa presidente," dinig kong tinig ng isang matandang lalaki sa aking likuran. Nilingon ko siya at tumingin siya sa akin. "Dahil siya ang paborito ng presidente," dagdag niya pa at muli kong ibinalik ang aking atensyon sa entablado kung saan naroon sila Goyo.

Stone In the Sand (1898)Where stories live. Discover now