Kabanata 27

408 41 10
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming nagising dahil may dumating na mga bisita sa bahay nila Ginang Hilaria. Simple lang sinuot kong baro't saya dahil dito lang naman ako sa bahay. Mananatili raw muna ako dito ng mga ilang araw hanggang sa sabay kaming bumalik ni Goyo sa Dagupan.

Magkahiwalay kami ng tinulugan ni Goyo dahil hindi pa naman kami kasal para mag-sama sa iisang kwarto. Mag-katapat lang ang pinto ng aming mga silid.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko ang iba ay abala na nagaasikaso sa ibaba. Bumaba na ako at laking gulat ko dahil nakita ko ang Presidente na kausap si Goyo. Si Julian naman ay nasa tabi lang at kausap din ng Pangulo.

"Oh hija gising kana pala. Hindi na kita pinagising kay Goyong dahil mukhang pagod na pagod ka," saad ni Ginang Hilaria na nasa likuran ko. Hinarap ko siya saka ngumiti.

"Ayos lang po. Maraming salamat. May maitutulong po ba ako?" Tanong ko at umiling si Ginang Hilaria.

"Hindi na hija. Handa na ang lahat. Tinulungan ako ni Felicidad sa paghahanda," nakangiting saad ni Ginang Hilaria. What? Felicidad is here? My gosh!

"Ah gano'n po ba? Sige po," saad ko at nagbuntong hininga na lamang ko. Dahil wala naman na akong magawa ay naupo nalang ako sa isang silya at sumandal. Dumungaw nalang ako sa bintana at pinagmasdan ang bukurin.

Nahagip nang mga mata ko si Goyo na nakatingin din pala sa akin. Ngumiti siya sa akin at ngumiti rin ako pabalik sa kanya.

Maya maya lang ay napansin kong umupo si Felicidad sa tapat ng silyang inuupuan ako. Dahan dahan ko siyang tiningnan at saka ngumiti ng kaunti. Tumingin lang siya sa akin kaya naman iniwas ko na ang tingin ko sa kanya saka muling sumilip sa bintana. Buhay nga si Goyo, nawala naman ang kaibigan kong si Diego.

"Ikaw pala ang bagong nobya ni Goyo?" Dinig kong mahinang saad ni Felicidad kaya napatingin ako sa kanya saka umiling.

"Hindi," saad ko. Ayokong maging assuming. Wala naman kaming label ni Goyo at isa pa ay hindi naman niya ako nililigawan.

"Mabuti," nakangiting saad niya kaya naman napuno ng pagtataka ang hitsura ko.

"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Narito ako upang balikan ang aking nakaraan," makahulugang saad niya saka ngumiti. Hindi ko naman mapigilan ang inis at takot na nararamdaman ko. Isa lang ang nasisiguro ko sa mga sinabi niya. Narito siya upang balikan si Goyo, ang kanyang nakaraan.

"Natahimik ka yata?" Nanunuyang saad niya at nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Ayoko siyang patulan lalo na't wala ako sa sarili kong pamamahay. Nakakahiya kung dito pa kami mag-aaway.

"Ayoko ng away o gulo kaya please lang huwag mo akong simulan," nagbabantang tono ko at narinig ko naman ang mahina niyang pag-tawa. Mahina man ay rinig ko pa rin.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya. Mahirap na dahil kapatid pa siya ng Presidente.

Walang pasabi ay tumayo ako at lumabas na muna upang magpahangin. Masamang hangin ang nalalanghap ko sa loob. Nang may makita akong puno ng mangga sa may gilid ng bahay nila Ginang Hilaria ay dahan dahan akong umakyat doon at naupo sa sanga.

Paano kung may pagtingin pa rin si Goyo kay Felicidad? Paano kung magkabalikan sila? Hays. Ano ba naman ang laban ko roon ay eh naging sila noon. Kami nga ni Goyo eh walang label. My gosh!

Nag-buntong hininga nalang ako dahil sa mga naiisip ko. Sumandal ako sa puno at tumingin sa ibaba. Ang ganda sa panahong ito. Wala man lang polusyon. Hindi makalat ang paligid, iyon nga lang ay may mga dayuhang nananakop. Minsan naisip ko, paano kaya kung ganito pa rin sa panahon ko? Pero wala ng mga mananakop? Siguro ang saya mamuhay sa panahong kinagisnan ko.

Stone In the Sand (1898)Where stories live. Discover now