Ikatlong Kabanata: Si Sophia Velasco, Ang butihing Chat-Girl

Start from the beginning
                                    

Patay malisya si Sophia sa kanyang sinabi. Natakot siya na baka isumbong pa siya ni Joseph sa Boss niya at pagalitan siya. Libre naman kasi silang gamitin ang kahit na anong lenguwahe, basta ba magkakaintindihan sila ng kausap. Hindi rin naman si Joseph ang unang Pinoy na kliyente niya, meron pang mga nauna at lahat sila Tagalog ang ginamit nilang paraan ng pag-uusap.

Joseph Valle: Talaga lang ha?

Mysty: Alam mo ang sungit mo. Ganyan ka ba sa mga kasama mo palagi? Siguro wala kang kaibigan, kasi kung meron sila ang kinakausap mo ngayon.

Joseph Valle: Meron naman akong mga friends, pero kung willing silang makinig, hindi ko alam.

Mysty: Then how can you call them your friends if they are not willing to listen?

Joseph Valle: Hindi naman sa hindi sila willing, hindi ko alam kung willing silang makinig.

Napabuntong hininga si Sophia sa usapan nila, magulo pa sa isang taong kulang kulang ang pag-uusap nila ni Joseph. Hindi niya ito maintindihan.

Mysty:Bakit naman hindi sila makikinig? Dapat kasi kakausapin mo sila.

Joseph Valle: Pinalaki ako sa paniniwala na it's dangerous to trust anyone. Kahit na sino bawal pagkatiwalaan.

Mysty: So, Bakit mo sinasabi sa akin ito. Hindi mo naman pala ako kayang pagkatiwalaan, bakit mo pa ako kinakausap.

Joseph Valle: Mas okay na ito, hindi kita kilala, hindi mo ako kilala. Kung ano man ang masasabi ko sa iyo alam kong wala kang pakialam, pero required kang makinig dahil trabaho mo ito.

*Eh Imposible naman pala talaga itong maniac na ito. Parang nakakainsulto para sa kapatid ko. Kaibigan siyang itinuturing ng kapatid ko pero siya hindi niya mapagkatiwalaan si Gil.*

Mysty: Wala kahit isa sa mga kaibigan mo ang pinagkakatiwalaan mo?

Joseph Valle: Meron naman, simple lang ang buhay nya compared sa iba kong kaibigan. Pero nakakailang nang magsabi sa kanya. Kung anu-ano nang pabor ang hiningi ko sa kanya, kalabisan na yung hingin sa kanya na pakinggan ako.

*Ang Mokong na ito, tao rin pala. Marunong din mahiya.*Napangiti si Sophia sa sinabing iyon ni Joseph.

Mysty: Hindi ka naman pala hopeless case. Karamihan kasi dito feeling nila nag-iisa lang sila, pero ikaw alam mong may mga taong nakapaligid sa iyo, natatakot ka lang.

Joseph Valle: Thankful ako sa kaibigan kong iyon. Simple ang buhay kapag kasama ko siya. Kung pwede nga lang araw-araw akong bumisita sa kanila, gagawin ko.

Mysty: E 'di bumisita ka araw-araw,

Joseph Valle: Hindi p'wede haha. May masungit siyang ate na mainit ang dugo sa akin. Isang malaking salot yata ang tingin sa akin.

*Buti naman nararamdaman mo pala*

Joseph Valle: Maganda sana yung ate niya, kaya lang masungit. Kaya siguro hanggang ngayon single pa rin. Forty years old na raw yun eh.

Naramdaman ni Sophia ang pagbilis ng kanyang paghinga ng mabasa ang message na iyon ni Joseph. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa sinabi nitong maganda siya o dahil sa sinabi nitong forty years old na siya.

Mysty: Masyado mo naman yatang dyina-judge yung tao. Bawat tao may dahilan kung bakit nagsusungit. Kailangan kilalanin muna natin ang isang tao kung gusto nating maintindihan sila. Baka naman kasi may ginawa ka?

Napaisip si Sophia sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam niya ay tinamaan siya sa mga sarili niyang salita. Hinusgahan niya agad si Joseph gayong wala naman siyang alam tungkol dito. Naisip niyang susubukan niyang kilalanin ang binata sa mga susunod na araw kung may pagkakataon siya.

The Last Stop (Completed)Where stories live. Discover now