Unang Kabanata: Sophia Velasco

Start from the beginning
                                    

Habang nagsasalita siya ay pumito ang pakuluan, senyales na kumukulo na ang tubig. Agad nilapitan ni Sophia at pinatay ang kalan sabay kinuha ang pakuluan para lagyan ng mainit na tubig ang tasa nilang magkapatid.

"Eh dahil sa binabayaran kami, kailangan naming maki-sympatya sa kanila. Madalas mga kausap namin mga may sakit, 'yung nag-uundergo ng divorce, mga miyembro ng armed forces na malayo sa pamilya nila, mga matatanda na naghihintay na lang ma-tigok. At least napapasaya namin sila." Kwento nito sa kapatid.

"Nagsho-show ka ba sa chat?" tanong nito sa kanyang ate.

"Show? Gaga! Anong tingin mo sa ate mo scandal queen? Nakikipagchat lang kami. Minsan kapag nire-require na marinig ang boses namin, p'wede pero kadalasan chat lang talaga. Bawal sa amin ang video chat. Kung pwede lang di ba, sayang naman ang katawan ng ate at naiimbak lang."

Habang napapasarap ang kanilang kwentuhan at simpleng agahan ay biglang may naalala si Gil. Makikitulog nga pala ang kaibigan nito sa bahay nila. Siya lang naman ang inaasahan ng kaibigan nitong magtuturo sa mga lesson sa school na hindi nito maintindihan.

"Ate! 'Yung barkada ko sa school na si Joseph, naalala mo?"

Sandaling napaisip si Sophia at sinubukang alalahanin ang barkada nito.

"Alin 'yung may pagka-Peninsulares ang itsura na walang direksyon ang buhay?"

Kumunot ang noo ng kapatid sa pagkakalarawan ng ate niya sa kaibigan niya.

"Sobra ka naman! Misunderstood 'yung tao." Sandaling huminto si Gil sa pagkukwento, parang bumubwelo sa kaniyang sasabihin. "Dito siya matutulog mamaya. Magpapaturo raw kasi malapit na ang hell week." Alanganing sabi nito kay Sophia.

"Dito siya matutulog? Sa kwarto mo? Naglaladlad ka na ba ng kapa mo sa akin? May relasyon ba kayo? Bakla ka ba? Hoy, kung may gagawin kayong milagro sa kwarto mo, hwag masyadong maingay... at mag condom ha, mahirap na!" Sunod sunod na sabi nito sa kapatid pero para namang wala siyang pakialam at tuloy lamang sa pagkain ng tinapay.

"Ang bastos ng bibig mo! Nakiki-usap lang 'yung tao na turuan siya. Ang dumi-dumi ng isip mo!" reklamo nito kay Sophia.

"Ashuuuu, si Shobe naman. Okey lang sa akin kung lalaki ang gusto mo, dalawa lang naman tayong magkasama sa buhay. Si Papa sumakabilang buhay na, si Mama naman sumakabilang bahay na."

"Hindi nga ako bakla!" medyo mataas na ang boses ni Gil. Mukha kasing walang balak na makinig sa kanya ang ate niya.

"O sige na sige na, lalaki ka na. Machong-macho! Oh eh bakit ba ang hilig mong makipagbarkada sa delingkwenteng iyon? Baka mahawa ka pa." Paalala ni Sophia sa kapatid.

"Hindi siya delingkwente. Nag-shift siya ng course kasi na kick-out siya sa program. 'Yung Papa niya lang naman ang may gustong ME ang kuhanin niya. Matino yung tao."

"Hay! Pinagtatanggol? Affected? Concerned? Machong-Macho ka nga." Biro nito sa kapatid. Tuwang tuwa talaga si Sophia sa tuwing aasarin ang kapatid.

Isang malamig na tingin naman ang sinukli ng kapatid niya sa sinabi niya. Agad itong nag-isip ng bagay na makakainis din sa ate niya.

"Buti pa si Mama, pagkamatay ni Papa may naka-ready ng asawa. Eh ikaw ate, buhay pa pero patay na ang kweba ng buhay mo." Sabay tawa nito

"Gaga! Hindi siya patay, naghihingalo pa lang. Regular pa ang menstruation period ko. Whisper with wings pa ang gamit ko!" proud na proud na sabi nito sa kapatid.

"Wow! Lumabas ka kasi ng bahay nang may nabibingwit ka. Kung nandito ka lang sa loob kausap 'yang mga kliyente mong may suicidal tendency, baka next time makita na lang kitang nakabigti sa kwarto mo." Payo nito sa ate niya.

The Last Stop (Completed)Where stories live. Discover now