Unang Kabanata: Sophia Velasco

17.9K 262 51
                                    

"NGORKKKKK..."

Dinig na dinig hanggang sa labas ang napakalakas na hilik ng nilalang mula sa isang condo type na apartment. Maaliwalas at malawak ang lugar na lalo pang pinatingkad ng kulay cream na pintura nito. Maayos ang pagkaka-ilaw at kumpleto rin ito ng mga pangunahing gamit sa bahay. Ngunit nasisira ang magandang tanawin sa imahe ng isang quarenta'y anyos na babae na natutulog sa sofa habang nakabukaka at naghihilik na parang dragon.

Mula sa isang silid ay lumabas ang kanyang kapatid na kitang-kita mo ang itim sa paligid ng mata, palatandaan na hindi ito nakakuha ng magandang tulog. Hawak-hawak nito ang isang malaking unan at lumapit sa harap ng kanyang kapatid na malayo pa ang nilalakbay sa kanyang panaginip.

"Ate! Bangon na at pumasok ka sa kwarto mo nang hindi kita gaanong naririnig." Wika ng binata

"NGOOOOOOORKKKKKKKK!" lalo pang lumakas ang paghihilik ng matandang dalaga na para bang nang-iinis.

Hindi na nakapagpigil ang lalaki at hinampas ng unan ang kanyang ate na si Sophia.

Si Sophia Velasco ay isang dalaga na nasa edad na ng 40. Kumbaga sa sabi ng matatanda, nasa huling biyahe na. Hindi naman siya katabaan ngunit hindi rin mapayat. May pagka-east asian ang kanyang features lalo na ang mata nito na medyo chinky. Ang mga labi niya ay mapupula na korteng puso, mahaba ang buhok nito na sabog-sabog dahil sa pagkakatulog. Sa totoo lang ay maganda si Sophia, hindi nga lang niya alam kung bakit napaglipasan na siya ng panahon. Hindi rin siya mapili, matagal na siyang nagdadasal sa Panginoon na dumating ang para sa kanya ngunit wala pa talagang binibigay ang Panginoon.

Napabalikwas ng bangon si Sophia sa ginawa ng kapatid. Halos magsisigaw siya sa gulat pero natigilan ng makitang nasa harapan lang nito ang kapatid na lalake.

"Nagda-drugs ka ba?" bati nito sa kapatid na lalake na talaga namang mukhang zombie nang dahil sa puyat.

"Tantanan mo ako ha ate, Sabi naman sa iyo, doon ka sa kwarto mo matutulog at nabubulabog ako sa lakas ng hilik mo." Reklamo nito

"Eh, pasensya. Inumaga ang ate mo sa pakikipag-usap sa kung sinu-sino."

"Ang weird ng trabaho mo, binabayaran ka para makipag-usap sa mga tao. Sayang naman ang pinagtapusan mo."

"Hoy Virgilo, nang dahil sa trabaho kong ito kaya nakakapag-aral ka sa magandang university ha." Virgilio ang tinatawag niya dito kapag may disgusto siya sa kapatid.

Magtatapos na ang kapatid niyang si Gil sa kursong Management Engineering. Kung hindi nga lang abala ito sa kanyang responsibilidad sa school ay papasa ito bilang isang modelo. Ang taas nito na naglalaro sa pagitan ng 6'2" hanggang 6'5"kasama pa ang maaliwalas at makinis na kutis niya na hindi nalalayo sa kanyang Ate Sophia ay talaga namang artistahin, malambot ang tabas ng mukha niya na lalo pang pinatingkad ng dimples sa ilalim ng kanyang labi.

Dumiretso si Sophia sa may mesa, kinuha niya ang pakuluan at nilagyan ng tubig ngunit wala ang isipan niya doon. Mukha kasing tinamaan siya sa sinabi ng nakababatang kapatid. Tama naman ang sinabi ng kapatid niya, graduate siya ng kolehiyo na nasayang lamang dahil sa pagbababad niya sa harap ng laptop habang kinakausap ang kung sinu-sinong taong may suicidal tendency. In-enjoy niya kasi ang kanyang kabataan hanggang dumating na lang ang panahon na nilalagpasan na ng mga kumpanya ang resume niya para piliin ang mga mas bata. Kaya heto at nauwi siya bilang isang freelancer.

Kumuha siya ng dalawang tasa at nilagyan ng 3 in 1 na instant coffee. Binuksan niya ang ref at kinuha ang tasty bread at binigay sa kapatid.

"Wala na rin namang susugal pa sa'kin. 'Yung edad kong 'to? Diyos ko kahit siguro magbenta ako ng aliw eh wala nang bibili. Saka hindi naman masama ang trabaho ko 'no. Kagabi nga meron akong client, namatayan ng aso kaya super depressed. Kung sa totoong buhay at may taong mag-iinarte sa akin nang ganoon baka abutan ko pa siya ng insecticide. Oh i-spray mo ng bongang-bonga sa bibig mo para magkasama kayo ng pesteng aso mo."

The Last Stop (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon