"Ano ka ba, wala. Niyaya kasi ako ni Rigel lumabas. Pwede ba akong mag half day muna?" sabi ko at bahagyang yumuko. Pang ilang half day ko na kasi ito kaya nahihiya na ako sa kanya,

"Sure, alam ko namang ilang taon mo ding hindi nakasama ang anak mo. Don't worry about our customers, kaya na nila Dahlia, Lester, Sasha, at Nikki yun. Madami na sila doon. Go ahead. Enjoy your day with your daughter." sabi niya at nginitian ako.

"Salamat Lance, aalis na ako." sabi ko tumango lamang siya at bahagyang ngumiti. Tinanggal ko na ang apron ko at sinapit sa tapat ng locker ko. Katabi lang ng office ni Lanc ang locker room ng workers kaya nakapag-ayos na rin ako kahit papaano.

"Dahlia, aalis muna ako ha? Pasensya na, hindi ko matanggihan ang anak ko, miss na miss ko na rin siya." sabi ko kay Dahlia. Nakakahiya kasi pero talagang miss na miss ko ang anak ko. Ang daming taon din ang nasayang para sana magsama kaming dalawa. 

Naglakad na ako pabalik sa table nila, nakita ko silang nakaupo pa rin at maayos na ang lamesa. Handang-handa nang umalis.

"Rigel baby, saan tayo pupunta?" tanong ko kay Rigel habang naglalakad kami papalabas. 

"We're going to The Alpha Reign po Mommy, sobrang sikat na resort po siya, I want to spend my 2 days vacation there. I heard from my classmates that there's a huge slide in there." sabi niya na ikinagulat ko.

Dumating naman ang kotse ni Xian kaya pumasok kami dito. Nauna kasi siyang lumabas dahil medyo malayo ang pinarkihan niya ng sasakyan.

Tulad ng laging nais ni Xian, sa front seat ako umupo at sa back seat naman si Rigel.

"Rigel, wala akong dalang mga damit. Can we spend only 1 day there?" sabi ko. 

"But Mommy please po, just this one po Daddy will take care of your clothes po okay?" sabi niya at ngumiti.

"Fine, kung di lang kita mahal." sabi ko at ginulo ang buhok niya.

"Ako ba mahal mo din?" tsk. Heto na naman siya. Oo, pero hindi ko sasabihin sayo Xian Yvo, manigas ka kakahabol sa akin.

Nagmaneho naman na siya kaagad, naging tahimik lang ang biyahe namin na halos inabot din ng isang oras.

***

The Alpha Reign

"2 VIP rooms for Mr. Xian Yvo Villacer." sabi nung babae sa reception area.

Mukhang kanina pa nagpa-reserve si Xian ng kwarto para sa amin.

"Tabi tabi po tayo sa isang room Mommy tapos po si Nanny doon sa isang room." sabi ni Rigel. What?! Don't tell me makakasama ko sa kwarto si Xian? 

Argh. Rigel baby. Mahal na mahal lang talaga kita. Bakit parang ikaw ang gumagawa ng paraan para mapalapit ako sa Daddy mo? 

"Let's go to our rooms. Para makapasyal tayo mamaya dito sa resort." sabi ni Xian. Sumunod naman kami sa kanya. 

Nang makarating kami sa kwarto, parehas kaming namangha ni Rigel sa itsura nito. Parang condominium ang itsura. Masasabi mo talagang VIP room. May king sized bed, air conditioner,  kitchen, sofa at TV. Parang bahay na kumbaga.

"Magbihis na kayo. Ako na ang bahala sa meryenda natin." sabi ni Xian at lumabas ng kwarto.

"Mommy, ang ganda po dito no? Parang gusto ko pa po mag extend ng 2 more days hihi" sabi ni Rigel at tumakbo papunta sa kama. Nagtatalon ito doon. Sumunod naman ako at naupo sa tabi niya, ramdam ko rin ang pagod sa pag-biyahe. 

"Are you okay Mommy?" tanong niya sa akin.

"Yes baby, halika na at magbibihis na tayo." sabi ko at kumuha ng damit niya. Simpleng pink t-shirt at denim shorts. Dumating rin ang nanny ni Rigel at ibinigay sa akin ang magiging damit ko. Binigyan niya ako ng simpleng denim shorts at white polo. Sobrang simple ng damit ko pero ayos lang, hindi naman ako nagpapaganda.

"Tapos na kayo magbihis?" sabi ni Xian na kadarating lang, may dala siyang 4 na buko juice at 4 na sandwiches. Kumain naman kami ni Rigel pati na rin ang nanny niya habang nagbihis si Xian sa banyo.

Pagkatapos ni Xian magbihis ay sumama na rin siya sa amin sa pagkain.Simpleng white t-shirt at denim ang kulay ng suot niyang board shorts. Minsan ay nagtatama ang mga patingin namin, ngumingiti siya kaya iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Hindi ako komportable na makasama siya. Sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko kung gaano kasakit. 

"Daddy! Mommy! tara na po, pumunta na po tayo sa labas, I want to play na." pambabasag ni Rigel sa katahimikan.

"Sure baby, you want to swim?" tanong ni Xian. "Yes of course Daddy! Samahan niyo po ako ni Mommy okay?" sabi ni Rigel.

"Oo naman baby, magdadala muna tayo ng extra clothes and towels okay?" sabi ko naman.

"Manang, paki dalhan nalang kami ng pamalit at mga tuwalya. Doon lang kami sa kiddie pool, VIP yun kaya makikita mo agad." sabi niya at tuluyan na kaming lumabas ng kwarto. Sobrang lawak ng resort na ito, parang maaari kang magpa-reserve ng isang pool o mahigit pa. 

"Nag rent ako ng isang kiddie and adult pool kaya don't worry hindi tayo makikisali sa pool ni Rigel." sabi niya sa akin at hinawakan ang kamay ko Tumango na lamang ako sa kanya. Hindi na ako umalma pa dahil maging si Rigel ay kumapit din sa isa ko pang kamay.

"We really look like a Happy Family po Daddy and Mommy. I want us to be like this po everyday" 

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Where stories live. Discover now