Chapter 21: Fine As Wine

Zacznij od początku
                                    

"Okay." Tipid na wika ko.




"For sure gustong gusto ka ng mga iyon." Muling sabi nito bago tuluyang lumabas na ng sasakyan at umikot sa likod para kunin ang aming mga gamit.




"Really?" Parang bata na tanong ko pa sa kanya habang naka sunod. Mabilis naman itong napatango.





"Yup. So please stop worrying na."





Pagkaraan lamang ng ilang sandali hawak kamay na kaming naglakad papunta sa reception area, ngunit papalapit pa lamang kami rito nang matanaw na namin ang kanyang mga kaibigan na naka upo roon habang naghihintay sa amin.





May iilan naman na napapa tingin sa amin ni Adriana habang naglalakad. Agad na naka agaw kami ng pansin lalo na noong may maka kilala sa amin at mabilis kaming napalibutan ng mga ito para makipag picture taking.



"Waaaaah Rae Lewis!"



"Rae at Adrianaaaa! Ang cute niyo pong tignan."


"Pa picture po please!"




Nagtagal pa ng ilang minuto bago tuluyang humupa ang mga tao. Maya-maya lamang ay agad na natanaw ko naman ang papalapit sa amin na si Sommer. Habang naka sunod naman sa likuran nito ang mga kaibigan ni Adriana.




Wait, is she here too?



"Wew! Iba talaga kapag naka jackpot ng famous!" Pang-aasar ni Breeze kay Adriana dahilan upang mapa irap ito sa kanyang kaibigan.




"Oh shut up!" Ganting sabi naman ni Adriana rito.




Napa tingin ako sa gawi ni Billy at sa katabi nitong...shit! Pagmura ko sa sarili. Siya ba si Aerin Hamilton? Hayop kasi sa ganda!



Agad na lumapit sa akin si Billy.



"I'm glad you're here, kiddo. Congratulations!" Pagbati nito atsaka inilapit ng konti ang kanyang mukha sa aking tenga bago napa bulong ng...



"Naka ilang score kana ba?" Agad na namutla ang aking mukha dahil sa itinanong nito bago ako pinagtawanan. Mabilis naman na napa tingin sa aming dalawa ang iba pagkatapos ay pinandilatan siya ni Adriana ng kanyang mga mata.




"Anong kabastusan na naman iyang pinagsasabi mo sa kanya, Billy?!" Singhal ni Adriana bago kami nagtawanang lahat, including Sommer na tahimik lamang na nagmamasid sa amin.




Ipinakilala sa akin ni Billy ang kanyang magiging asawa na si Aerin, napag alaman ko na next month na pala ang magiging kasal nilang dalawa. I can see that they love each other very much. On how they stare and look at each other, is super melting.




Ganoon din si Breeze sa kanyang asawa na si Catherine, ipinakilala niya ito sa akin. Masaya ako dahil isa pala sa mga fans ko ang kanyang asawa. Noon din, nagkaroon ako ng pagkakataon para batiin silang dalawa. Hindi ko mapigilan ang mapahanga sa kanila, someday in the right time, magiging ganap na asawa ko rin si Adriana. That is all I desire and pray for in the future.




Sinabi rin ng mga ito na soon, makikilala ko rin ang isa pa nilang best friend na si Lila. Sa ngayon daw kasi ay nag-eenjoy pa ito kasama si Sarah sa pag libot ng buong mundo. Wow! Ang sarap siguro sa pakiramdam ng ganoon, lilibutin mo ang mundo kasama ang taong mahal na mahal mo.




------





Naranasan niyo na bang makisalamuha sa magkakaibigan na lahat magaganda? No, what I mean is mga dyosa? Ghad! Because that's how I feel right now. Para akong nananaginip lamang at ang mga kasama ko ay mga dyosa. Ang gaganda nila! Este, namin. Charot!




HBS 4: The Famous and The Bad Girl (GirlxGirl) COMPLETEDOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz