Chapter 25

955 18 5
                                    

Masakit makita na ang mahal mo masaya sa piling ng ibang tao. Na dati ikaw lang ang gumagawa sa kanya ng ganon. Na dati sayo nya lang ginagawa yon. Sya at ikaw lang ang nakakaramdam ng pagmamahalan nyo. Dati yon. Iba na ngayon. Naisip mo rin ba na ikaw rin ang dahilan kung bat ngayong nasa pangangalaga na sya ng iba? Sinaktan mo sya? Iniwan mo sya? Vice versa. Imposibleng walang dahilan. Sa mga pagkakataong ganito. Dun ka mapapaisip ng mga sana. Sana ginawa o sana hindi ko na lang ginawa. Dumating ba sa puntong napaisip ka na "Dapat ako yun, Hindi siya". Sayang. 

Mika's POV

Nakita ko silang dalawa. Masakit. Ganito na lang ba kabilis Ara? Anong nangyari? Ambilis naman magbago. Wala man lamang bang 3month rule? Kahalikan mo na sya agad? 

Bumisita ako para malaman ang kalagayan mo kung okay ka lang. Halata naman. Okay ka. Galing naman pala. Dadalhan sana kita ng prutas para sorpresahin ka pero mukhang ako pa yata ang nasorpresa sa nadatnan ko. 

"Hey Ye!" tawag sa kin ni Ate Aby. Pinunasan ko na ang mga luha na kanina pa tumutulo. Humarap ako sa kanila at pilit na ngumiti. 

"Okay ka lang?" gusto kong sabihing hindi! HINDI ako okay! Masakit! Sobrang sakit. Pero tumango lang ako sa kanila. 

Kasama ni Ate Aby ang buong team. Nabalitaan daw nila ang nangyari kay Ara kay Tita Beth. Alalang alala sila lalo na si Ate Aby at Kim. 

"Okay na ba sya?" sunod nilang tanong sakin. Aba OO!! Okay na sya. Nakikipaghalikan na nga eh.

"Sa tingin ko okay naman na sya. Sige guys mauuna na muna ko ha. Ididischarge na si Mama e." nagpaalam na ko sa kanila. Isa isa ko silang niyakap at naglakad na paalis. 

Leslie's POV

Kumusta ang halik na yon? Kumusta ang scenariong nadatnan ni Mika? Alam kong isinuko ko na sa kanya si Ara noon kasi nakita ko kung gaano kasaya si Ara sa kanya pero hindi. Sinayang nya ang pagkakataon. Kung kelan handa na kong sumuko dun dumating pagasa sa akin. Sa akin siguro talaga si Ara.

Ramdam ko ang pagkabigla at sakit na naramdaman ni Mika nung madatnan nya kami ni Ara. Pero ganun lang din ang naramdaman ko tuwing nakikita ko silang magkasama. Masakit. Sobrang sakit.

Pero ngayon. Ano ang mga sakit na yon? Wala na. Wala. Sa pagkakataong ito. Hindi ko na sya pakakawalan.

*Tok-Tok-Tok* 

Dumating ang mga teammates ni Ara. Lahat sila isa isang yumakap kay Ara. Si Ara naman takang taka sa kanila. 

"HeyDaughterF! Kumusta na? Okay ka na ba?" - Aby

"Pards! Waahhh! Ano ba nangyari!" - Kim

Sunod sunod ang tanong ng mga team mates nya. Kumusta. Anong nangyari. Okay ka na ba. Halatang nagaalala silang lahat para kay Ara.

Let me love you (Ara Galang - Mika Reyes Fanfic)Место, где живут истории. Откройте их для себя