Chapter 20

1.8K 26 7
                                    

Still Mika's POV

Matapos akong magayos ng gamit para dalhin sa ospital lumabas na ko ng dorm para umalis. Nabigla ako sa mukhang bumungad sa kin. Eh kabibilin lang sya sa kin ni Kuya. Ambilis naman ata ng balita.

"Hey Ye" 

"Hello? Je..di ka pa ba umuwi sa inyo? Umaano ka dito?" 

"Isa isa lang ha..hindi pa ko umuuwi dahil wala namang tao sa bahay nasa bakasyon sila mama kasama si Jeric di ako sumama kasi mabobored lang ako at kung umaano ako dito..isasabay kita papuntang ospital di ba dun sin pupuntahan mo? Tara na.."

"Ahh...tinext ka ba ni Kuya?" 

"About what?" 

"Wala..tara na..kanina daw pa tayo hinihintay dun nila Mama.." 

"Tayo?" 

"Oo...ipinapabilin ka daw ni Mama sabi ni Kuya.." 

"Ahh...hahaha ganun ba? Sige tara na.." 

Sumakay na ko sa kotse ni Jeron. Simple conversations lang. Then nakarating na rin kami sa ospital. Tinulungan akong magbitbit ni Jeron. Actually hindi naman mabigat kaya ko pa kaso naginsist sya na sya na daw ang magbubuhat. Haayy. Ang swerte siguro ng magiging girlfriend nito. Unang una gwapo, mayaman, matulungin at higit sa lahat mabait. Kaya nga ang tawag na sa kanya ng karamihan "Mr. EveryTENG". Sa sobrang pagiisip ko di ko namalayan na sa room na pala kami ni Mama. Agad akong lumapit kaya Mama at yumakap. 

"Ano Ma..okay ka na? Tara labas na tayo.."

"Loko kang bata ka..hindi pa pwede..ahh Jeron andyan ka pala..napadalaw ka ata.." 

Nagtaka ako sa sinabi ni Mama. Di ba pinapapunta nya si Jeron? Ughh. Napatingin ako kay Kuya Perry. 

"Ahhmm akala ko po kasi tita-"

"ah Ma kasi siguro nagaalala lang sayo.." 

Si Kuya Perry na ang sumagot imbis na si Jeron. Grabe! Ano ba problema ng Kuya ko? Sinasapian ata to eh. Nginitian nya lang ako tapos bumalik na sya sa paglalaro ng IPad nya. Oh di ba? Mukhang baliw? Sya yata dapat kong ipaconfine dito eh. Sa paglipas ng oras, nagpahinga na sila Papa at Kuya sila kasi ang mga nakabantay kay Mama kanina kaya ngayon turn ko na. Hindi ko maiwasang mapatingin sa phone ko. Baka kasi nagtext na yung baby ko. Unfortunately, Wala pa. Siguro wala lang signal dun. Okay wala akong magawa. I checked my social media accounts pero wala BORED pa rin ako. Tiningnan ko si Jeron gising pa naman sya kaya nakipagkwentuhan na lang ako sa kanya.

"Ahmm..Je?" 

"Yes?" 

"Wala lang.." 

"Ok ka lang? Tatawagin mo ko tapos wala lang?" 

"Sungit naman nito.."

"Uyy..hindi ah.."

"Okay fine wala akong magawa ehh.." 

"Uhhhmm....sge hintayin mo ko dito may kukunin lang ako sa kotse ko sa baba..wait ha.." 

Grabe sinabi ko na ngang wala akong magawa iniwanan pa ko. Lumabas na si Jeron. Lumipas ang 10 minustes bumalik na syang may dalang kape at board games. Inilapag nya yun sa harap ko. 

"Ohh...ayan na..wala kang magawa..maglaro tayo.." 

"Ihh...ang plain naman nyan ehh..ayoko.."

Let me love you (Ara Galang - Mika Reyes Fanfic)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ