Chapter 21

1.7K 27 3
                                    

Ara's POV 

Umalis muna si Mika kaya naiwan kami ni Kuya Perry. Ang awkward nga lang kasi POKER FACE activate sya. Di ko alam kung paano ko sya iaaproach kasi first time ko pa lang sya mamemeet. Parang iba sya sa mga kwento ni Mika. Kasi ang laging sinasabi ni Mika sa kin. Mabait daw, masayahin, makulit at pogi. Yung pogi "oo" kaso yung iba parang hindi naman o ewan lang. Ayaw ko namang magbigay ng first impression sa kanya but i can't help it. He's so damn serious. Sa mukha pa lang nya parang pag may nasabi ka lang na makakaoffend sa kanya basag na agad yung mukha mo. Nakakamatay yung katahimikan namin. Parang wala syang balak na kibuin ako o tanungin man lang. After a while, naramdaman kong nagba-vibrate yung phone ko. 

Mama Calling...

"Hello Ma" 

"Oh...Anak...asan ka? Pwede bang sunduin mo kami dito sa airport? Hindi na yata darating yung inupahang shuttle ng tatay mo..tatlong oras na kaming NGA-NGA dito...please anak..."

"Okay Ma...sige i'll be there in an hour..."

"Sige anak ingat ka.."

Magpapaalam na sana ako kay Kuya Perry para ipapasabi ko na lang kay Mika kaso nakita kong papalakad na sya pabalik ng room ni Tita Baby. Siguro narinig nya na. Haist. Itetext ko na lang sya mamaya. Nagdrive na ko papuntang airport. Nakita ko agad si Mama. Mukhang nagaaway ata sila ni Papa eh o si Mama lang ang umaaway kay Papa :P . Pagkababa ko agad naman tumigil si Mama at yumakap sa kin.

"Anak buti na lang nandito ka na..yan kasing magaling mong Ama--"

"Ma...tama na...shhhhhhh...andito na ko okay na...makakauwi na tayo..alam kong pagod kayo kaya tara na Ma? Pa?" 

Inilagay na nila ang mga gamit nila sa loob ng sasakyan. Mukhang mainit pa rin ang ulo ng parents ko. Hindi pa rin nagkikibuan. Nakakabingi ang katahimikan. Kanina kay Kuya Perry ngayon kila Mama. Haist EWAN. Ibinukas ko na lang yung radyo. Hinanap ko ring yung cellphone ko para matext si Mika kaso DEADBAT na. Hihiram na lang ako kay Mama. 

"Ma...pwedeng pahiram ng phone mo?" 

"Sige anak nasa bag ko.."

"Ehh...asan ba yung bag mo Ma?"

"Tanong mo dyan sa Ama mo.." 

"Pa...San daw phone ni Mama?" 

"Di ba nasa kanya?" 

"Ma..nasa'yo daw.."

"Nasa kanya kaya..."

Ayan. Sana di na lang ako nagtanong. Nagraratatatatat nanaman silang dalawa. Hay sabi ko nabibingi ako sa katahimikan kanina. Ngayon. BINGING BINGI na ko sa ingay nila Mama at Papa. Hindi ko na tuloy natext si Mika. Baka magtampo yun. Tsk. Bukas na nga lang. 

--------------------------------------------

The Next Day..

Inopen ko na yung phone ko. As expected. 33 missed calls. 56 messages. Lahat galing kay Babe. 

To: Babe <3 

Hi Babe...sorry di ako nakapagreply at nakasagot ng tawag ha...sinundo ko kasi sila Mama eh...SORRY PO... :( I love you...

Let me love you (Ara Galang - Mika Reyes Fanfic)Where stories live. Discover now