Chapter 22

1.7K 24 5
                                    

Ara's POV

Naiinis ako dahil wala akong nagawa para ipagtanggol si Mika sa Papa nya at sa Kuya nya. Wala akong kwentang girlfriend. Hindi ko man lang napunasan ang luha nya nung umiiyak sya. Hindi ko man lang naharang yung sampal ng tatay nya. Hindi dapat nangyayari sa kanya yun. Wala akong masisi kung hindi ang sarili ko. Ako ang naglagay sa kanya sa sitwasyon na to. Siguro kung hindi naging kami. Masaya pa rin silang pamilya. Selfish ba akong minahal ko sya? Nagmamahalan lang naman kami ah. Ang problema nga lang hindi ito ang relasyon na normal sa paningin ng iba at ang masakit pa dito sa patingin ng taong mahal mo. 

Wala akong pakialam kung madagdagan pa ang pasa sa mukha ko. Ang mahalaga lang sa akin ang malamang okay sya at di na saktan pa ng Kuya o ng Tatay nya. 

Mag-iisang linggo na rin matapos ang nangyari. Kung nakikita ko pa ba si Mika? Kung pumapasok pa ba sya? Nagtratraining pa ba sa team? Ang masasagot ko ay "OO". Pero kung itatanong nyo kung nakakausap ko pa ba sya? Nalalapitan? Umuuwi sa dorm? isang malaking "HINDI" ang masasagot ko hindi na. Hindi nya ako iniiwasan. Sadyang mukhang aso nga lang dun na sunod ng sunod ang Kuya nya. Parang may TRO o may oil tanker na dapat 50ft ang layo namin sa isa't isa. Alam kong stockholder ang tatay ko at may kapangyarihan akong ipakaladkad sa guards si Kuya Perry ngayon din para lang malapitan ko si Mika pero ayoko namang mawalan ako ng chance na makita sya. Baka ipatransfer sya ng tatay nya para lang mailayo sa akin. 

Hindi na rin sya active sa mga social media accounts nya. Yung phone nya? Ayun. Wala na rin. Pero hindi ako susuko. Alam kong may magagawa akong paraan para sa aming dalawa. Pero ano kaya yon? Sa lalim ng pagiisip ko di ko namalayang dumating na pala ang mga teammates ko syempre wala si Mika. Nagkayayaan kasi silang mag malling daw muna. Weekends naman daw at walang training. Pero hindi ako sumama. Pano ako mageenjoy ng wala si Mika. 

"HOY! Ara..ano na?" Si Kim pala. 

"Anong ano na!? Kumusta lakad nyo?" tanong ko sa kanila. Kahit papano pinapakita po pa rin naman na okay ako. Ayokong pati sila maapektuhan. 

"Ok lang..boring kulang eh.." si MotherF nagtatampo. Sya kasi ang panay namimilit sa akin pero nagmamatigas ako lagi at di na maubusan ng excuses.

"Ah...ganun po ba? Kumain na ba kayo?" 

"ARA!!! Malamang kumain na kami!! Mall di ba?! O eto di ka namin nakalimutan kumain ka na..payatot mo na oh.." inabot sa kin ni Cienne yung pagkain na tinake out nila. 

"Mamaya na...kumain naman na ko kanina eh...busog pa ko..." isang malaking dagok ang nakuha ko kay Camille. 

"Ano ba Ara!? Almusal mo KAPE!! Tanghalian mo TUBIG!! Ang hapunan mo HANGIN!! Ano abot mo!? KABAG!! Dali kainin mo na yan" napalunok na lang ako at sinunod si Camille. Yung hamburger lang ang kinain ko tapos sabi ko busog na ko. Mukhang satisfied naman na sila kahit papano. 

Dumiretso na sila sa mga kwarto nila. Ako eto naghihintay dito sa sala. Baka kasi sakaling umuwi kahit saglit si Mika para kumuha ng mga gamit nya. Ayoko rin namang matulog dun sa kwarto namin mas namimiss ko lang sya dahil wala sya sa tabi ko. 

"Ara...tulog na..di pwerkat wala tayong training o klase bukas..eh tatapusin mo na yang series na pinapanuod mo.." si Kim nanaman. Yan kasi ang excuse ko sa kanila tuwing nagpupuyat ako sa pagbabakasakali, kunwari may pinapanuod lang ako. O kayaman may gagawin na homework kahit wala naman talaga. 

"Sige ok lang ako...sayang naman ganda na eh...ayoko lang mabitin...sige tulog ka na...ako na maglolock ng pintuan mamaya tsaka magpapatay ng mga ilaw.." imbis na dumiretso sa kwarto nila. Sa tabi ko sya naupo at nanuod din ng pinapanuod ko. Seryosong seryoso sya at di tinatanggal ang mata nya sa TV. Ako eto nakatitig sa pintuan naghihintay na baka mamaya may kumatok dyan sa pintuan at pagbukas ko si Mika na pala. 

Let me love you (Ara Galang - Mika Reyes Fanfic)Where stories live. Discover now