Chapter 13

2.3K 22 0
                                    

Ano nga ba nangyari sa lakad nila Ara....

Ara's POV 

Nagising ako sa vibrate ng cellphone ko. Ang aga aga pa eh. May tumatawag unknown number e. Tiningnan ko ang oras 3:07AM hala. CONJURING >.< pero syempre joke lang mga 6:00 AM na rin. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba yung tawag o matutulog na lang ulit. Nakita kong nakamissed call na sya ng 20. ABA! Importante ata kaya sinagot ko. 

"Hello?" 

"AAARRRRAAA!!!!" ang sakit sa tenga ng sigaw nya...

"Chill....sino po ba to?" 

"Kelan ka pa natutong mamupo ha!? Monchin...nagbalik loob ka na pala sa KABUTIHAN!!" narinig ko yung "monchin"..isa lang naman kakilala kong may tawagan kaming ganun eh. 

"KIMMMMMMMM!!???!!!!" napasigaw ako kasi 2 years na rin kaming di nagkikita. Naalala kong tulog pa pala mga tao kaya medyo hininaan ko na yung boses ko. "At saang lupalop mo nakuha number ko...aber?" 

"Aray..naman ang sakit sa tenga...shhhhhh!!! Syempre I have my resources...tsk di ka pa nasanay..." 

"So ano bakit ka napatawag?"

"Napaka ano mo talaga ARA...leshe ka di mo man lang ba sasabihing...oy Kim kumusta ka na ba? Ano na bang nangyare sa yo??? hay nako nakakapagtampo..."

"Osya Kim buhay ka pa pala?" ang saya kasing inisin nito eh sa totoo lang talaga namiss ko sya pero iinisin ko muna :)

"Bahala ka na nga dyan....nakakabwiset ka.." yan napikon na HAHAHAHAHA 

"tssss...hoy Kim Gonzales wag na wag mo kong bababaan ng telepono...hahahahahh kumusta na ang pinaka KONSINTIDOR kong kaibigan??"

"Yon naman pala eh...ehh to humihinga pa naman..." oh di ba pareho kaming pilosopo

"so ano nga bakit ka napatawag? IDD ba yan ha...rich kid yeah..." 

"Nagsalita ang hindi rich...."

"Yung mga magulang ko yun..hindi ako..."

"Dun na rin yon" 

"Ano na ba kasi bakit ka napatawag ha??? "

"Nasa Pilipinas ako monchin tara gala tayo!!!!"

"Kelan ka pa umuwi?" 

"Kalaland lang ng eroplano ko"

"So ano san ka tutuloy nyan??"

"Lumabas ka na nga lang ubos na number ng driver ko!!!" Anong lalabas ang sinasabi nito!? sasagot pa sana ako kasi binabaan ako. 

Kumuha ako ng jacket tapos saka ako lumabas ng dorm. May red na fortuner na nakaparada sa harap. Siguro si Kim nga to. May babaeng lumabas sa kotse. Confirmed sya nga. Tumakbo sya at niyakap ako. Syempre namiss ko rin naman ang bestfriend ko kaya niyakap ko rin sya. 

"Tara na..." hinatak nya ko papunta sa kotse

"Anong tara na??" 

"Gagala na tayo...tara na.."

"Saglit nga lang....may klase pa ko hoy!!" 

Let me love you (Ara Galang - Mika Reyes Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon