Chapter 18

1.9K 26 1
                                    

Mika's POV

*yawn* nagising ako sa ingay ng alarm ko. "BABE GISING NA!! TANGHALI NA!! BANGON NA DALI!! LOVE YOU!! MWAHUGS!!". Oh di ba! daigin niyo ang alarm ko. Voice record yan ng baby ko enebey hehehe. Bumangon na ko. Maaga nga pala pasok ni baby ko ngayon kaya di ko sya naabutan. Bumaba na ko para kumain. Tapos ligo - bihis- suot damit- okay! On the way to school na ko. 

Naglakad na ko papunta sa classroom namin. Habang tahimik akong naglalakad may sitsit naman ng sitsit sakin. Hay! Nakakairita ha. Napakabastos nya. Di ko sya nililingon. No wonder kung sino man sya. Hmmmp. May pangalan po ako. Sinusundan ata ko nitong siraulong to. Di pa rin tumitigil. That's it. Naiirita na ko. Humarap ako sa kanya.

"HOY!! PWEDE BA TUMIGIL KA NA SA KAKAPSSSSTT MO SA KIN!! nakakairita eh please lang.." dinuro duro ko pa naman sya. Si Jeron pala! What the! "Sorry.." sa pagkapahiya ko. Syempre eexit agad ako kaso hindi ko nagawa hinawakan nya yung kamay ko. 

"Uhhmm...sorry? sa tingin mo san ka pupunta?" tanong nya sa kin.

"Ahh...eeh..sa klase namin?" totoo naman di ba?

"Nagbreakfast ka na ba?" aba bilis sumegway ah.

"Yup...ikaw ba?" 

"Hindi pa...tara na?" ano daw!?

"Ano ulit?"

"Sabi ko tara na magbreakfast na tayo sa canteen.." 

"Ha? ehh kasasabi ko pa lang di ba nagbreakfast na ko.."

"Ehh ako hindi pa..tsaka tinanong mo rin ako..kaya sasamahan mo ko"

"Tinanong kita...hindi inaya magkaiba naman yun...tsaka may klase pa ko..sige bye na" aalis na sana ako kasi binuhat nya ko. "WAAAAH!! JERON IBABA MO KO!!" 

"Sasama ka o Sasama ka?"

"Ok fine..basta ibaba mo na ko please..." binaba naman nya ko agad. "Hay...pogi nga..harajusko naman ang ugali ngenge" pabulong kong sabi. 

"Ha? May sinasabi ka ba Mika?" aba at ang talas pala ng pandinig nitong mokong na to.

"Wala ang sabi ko dalian na natin at baka malate pa ko.." 

Habang naglalakad kami papuntang canteen. Nakakatakot yung mga fangirls ni Jeron. Makatitig wagas! Kung nakakamatay lang yun? Grabe dead on the spot po ang kaso ko. Habang umoorder si Jeron. Napatingin naman ako sa gawi ng dalawang babae na kanina ko pa napapansing nagkakatuwaan. Paglingon ko. Si ARA yun ahh!! At si Leslie!?! Sinasabi ko na sa inyo. I deserve an explanation! I deserve an acceptable reason! (Opps crossover). Dito sa nakikita ko. Di maiwasang uminit ang ulo ko. Makita mo ba namang nakikipagharutan ang girlfriend mo sa iba. Hindi ba naman napakaHIGAD! Pagkatapos bumili ni Jeron. Agad ko syang hinatak pagawi kila Ara. Walang hiya din naman to eh. Makita mo nauna na syang nagsalita kesa sa kin.

"Hi...pwede ba kaming umupo.." napatingin si Ara samin. Halatang caught in crime sya ah. Humanda ka Victonara.

"Sure...Jeron right?" si Leslie na ang sumagot. Yeah naman. FC si ate. Mukha syang half-half. Half Malandi. Half Maganda. Aaminin kong maganda sya. Pero MAS MAGANDA AKO.

"Yup...and you are?" abot ng kamay ni Jeron kay Leslie. Higad din tong si Jeron eh mapang CHICKS.

"Leslie..." nagkamay na sila at umupo na kami. Tinabig ko si Jeron para makatapat ko si Ara/Baby ko/Thomsy. AWKWARD ba!? Paki ko. Marami syang dapat ipaliwanag ngayon na. Kaya kinuha ko yung cp ko at tinext sya agad. 

Let me love you (Ara Galang - Mika Reyes Fanfic)Where stories live. Discover now