Chapter 13

42 13 8
                                    

Jacob's POV

NANDITO kami ni Raze sa lodge ng isa sa mga ka-team namin sa basketball, si Jake.

"Oh beer!" alok niya sa aming lahat. Pa'no kasi, lahat kaming player ng Kingdom ay nandito.

"Friday daw orientation mga pre ah!" ani ni Symon habang abala
sa paglalaro ng mobile legend.

"Engineering pa din ba kayo, Raze?" tanong ni Lance sa loko na nakatingin sa phone ni Symon.

"Yeah." tipid nitong sagot sabay inom ng beer.

Akala ko talaga hindi na siya sasama matapos nila mag-usap ni Kathy..

"Na'ko!" sabi ni Ejay na kumuha ng pulutan sa mesa. "Kukulitin ka na naman ni Lara niyan!"

"Ay oo, pabor! Dalawang taon na pero hindi pa din nagsawa sa'yo!
Iba ka talaga!" si Zanri.

"Nako, malabo yan!" sabat ko pa sabay tingin kay Raze na nilakihan ako ng mata.

Oopss. Wrong move!

"Bakit?" sabay sabay nilang tanong, pero umiling ako.

"Joke lang." sabi ko at agad na nag-peace sign.

"Balita ko, sa Kingdom pa din si Katelyn, mga pre ah!" ani ni Ejay na nakatingin sa amin ni Raze. "Diba nung nakaraan lang, na-hospital siya?"

Nagkatinginan kami ni Raze.

Paano nila nalaman iyon?

"You know guys, I met her last
week! Straight na color black
ang buhok niya! Eh diba nga, she looks like a fashionista?" si Zir.

She's pertaining to Kathy!

"Tsaka mahilig siyang mag-dress
or skirt diba? E kanina lang sa airport, nakita ko siya. Akalain nyo na naka-Vneck T-shirt lang
at ripped jeans, ang simple!" si Mario.

Napakunot ang noo ko. Kanina?
Eh nung Sunday pa dumating si Kath.

"Kanina? Eh magkasama tayo kahapon until now ah!" sabi naman ni Xander.

"Ay sorry," kamot sa ulong sabi
ni Marcio. "Nung Linggo pala iyon, nung sinundo namin si Lola. Pasensya naman!" paliwanag niya.

"Nako! Buti si Patricia hindi mo nakalimutan!" asar ni Ejay sa loko.

Nagkatinginan kami ni Raze. Kahit mga kasamahan namin, napapansin ang pagkakaiba ni
Kath at Kate.

"May action movie ako dito! Nood tayo?" biglang sabi ni Jake matapos ilapag ang sisig na luto niya.

"May bed scene ba yan?" si Ejay.

"Siraulo! Kamanyakan mo pre!" sabi ko at binato siya ng unan.

"Kayo pa din ba ni Bea, pre?" tanong ni Xander.

"Oo naman," sabi ko sabay dampot ng piattos na nasa table.
"Masyado ko yatang mahal yon."

"EDI SANA ALL!" sabay-sabay nilang sabi at agad akong hinampas ng unan.

Mga batang pasaway!

Kate's POV

Nagising ako sa chemical na amoy sa kwarto na ito. Nakita
ko si Mom na abala sa pag-aayos
ng mga gamit ko.

"Mom, where's Ate?"

Napalingon naman agad si Mom sa gawi ko at lumapit sa akin.

"She's now preparing for meeting
Andrew, anak." ngiting aniya sabay halik sa pisngi ko.

Napatingin naman ako kay Dad na nakangiting lumapit sa akin.

"Anak," malumanay na sambit niya sabay halik sa noo ko.

"Kath already know that you have a condo." sabi n'ya sabay tingin kay Mommy na tinanguan lang ako.

What? Paano na? It's our secret eh!

"But how po? Did you tell it?" tanong ko sa kanila.

"Calm down, honey." sabi ni Mom na hinawakan ang braso ko.

Ayoko kasing magalit si Kath kina Mommy at Daddy, kasi ako ang nagpumilit na maging independent para matuto.

Biglang bumukas ang pinto ng comfort room at iniluwa nun si
Kath na suot-suot ang damit na
pinadala ko kay Mommy.

"Okay na ba?" tanong niya sa akin na agad kong ikinatango.

She's pretty and I can't deny that.

"Yeah! You really love me that much, Kathy!" masayang usal ko habang nakaupo sa hospital bed.

"Ang ganda talaga ng mga anak ko." sabi ni Mom na nakangiti sa aming dalawa.

"Kung bakit ba kasi ang hilig mo sa ganitong above the knee na dress eh! Hindi ka ba naiilang?"
tanong nya sabay ayos sa buhok
niyang curly.

Mom made Kath's hairstyle that looks like mine..

"I can't say anything, I am proud of having a childrens who are pretty and intelligent." sabi ni Dad kay Kathy na nakayuko.

She's wearing a polka dotted ruffle dress – topped off perfectly with the gladiator heels.

"I really didn't like this fashion whatsoever dress!" reklamo nya sabay ayos sa purse bag.

"You're really perfect, Ate! Hindi nya tayo mahahalata.." sabi ko sabay ngiti sa kanya.

I want to see him but I need to
be okay first..

"Give me the key of your condo.
I'll be back and we will talk pa." seryosong sabi niya na ikinangiti ko.

Napatingin ako kay Mom at Dad
na masaya kaming tinitignan.

"Mom, Dad, pupunta na po ako
sa condo niya." sabi ni Kath na humalik sa pisngi nila Mommy bago lumapit sa akin at bumeso. "Mag-uusap pa tayo mamaya, take some rest. I'll do everything to make it worth it." bulong niya sa akin bago tuluyang lumabas
ng kwarto.

I trust you, Ate..

Kath's POV

FINALLY! Agad akong nakarating sa condo ni Kate at iginala ang paningin ko.

Well, she have a good taste in choosing her condo. Sobrang pink!

"Hmm, heto pala yon," sabi ko
nang makita ang kwarto niya na
familiar sa akin.

This was the background of her room, when we did a video call.

"Kay galing talagang bata!" sabi
ko habang tinitignan ang picture frame na nasa bedside table niya.

It is our family picture..

Napangiti ako habang iniisip kung gaano ko sila na-miss. Sobrang sobra! Mahirap ang mag-isa sa Nevada. Napatingin
naman ako sa kabilang frame
na katabi lang ng picture namin.

It's Kate and the unfamiliar guy..

"The fiancee," seryosong sabi ko
habang nakatingin sa mukha nito.

I never met this guy, actually. Well, the looks is good. I can't deny.

"Handsome with his pointed nose, thick eyebrows, tantalizing eyes, and pinkish lips.." sabi ko sabay hawak sa frame at upo sa kama ni Kate. "You look good but what about your attitude, the heck man?" dagdag ko sabay pitik sa mukha noon sa picture frame.

He looks like a playboy!

"Sasapakin kita mamaya.." sabi ko habang tinuturo ang mukha nito.

"Why would you? You can kiss me, BABE..."




To be continued...

A Twin's Love (ON HOLD)Where stories live. Discover now