Chapter 8

75 32 14
                                    

Andrew's POV

KAKATAPOS lang namin kumain sa isang sikat na seafood resto dito sa Boracay nila Lincoln nang maalala kong tatawagan ko pala si Kate kaya agad kong nilabas ang phone ko at nag-dial..

"The number you have dialed is unattended.. Please try again later..

"The number you have dialed is unattended..Please try again later..."

"The number you have dialled is unattended...Please try again later..."

"Ano problema, man?" tanong bigla ni Lincoln nang mapansing
hindi ako mapakali.

Tinignan ko s'ya. "Si Kate, hindi ko ma-contact." sabi ko sabay bulsa ng phone sa sweat short
na suot ko.

"Baka naman busy kasama si Ella, malay mo nag-shopping, hindi ka pa ba sanay sa fiancee mo? Tara na!" sabi ng loko sabay hila sa braso ko.

Baka nga nag-shopping..

"Boy! Tara na snorkeling tayo dun oh!" si Carl na tinuro ang
asul na kulay ng dagat.

"P'wede naman bukas yan, inom
muna tayo." si Earl naman na
tumakbo papalapit kay Carl.

Isa sila sa mga malalapit ko ding
kaibigan na meron ng mga magagandang trabaho.

"Naturingan kang abogado pero puro inom nalang nasa isip mo. Buti hindi ka napapalya sa mga kasong hawak mo!" asar ni Lincoln sa kanya.

"Kesa naman sa'yo na piloto pero hindi pa marunong sumakay sa babae. Virgin ka pa boy!" asar naman ni Earl sa kanya.

"Nagsalita ang pulis na matulis ang kutis pagdating sa pagtuhog ng chicks!" asar naman ni Carl sa kanya.

Napangiti na lamang ako sa mga pinagsasabi nila. Wala talagang papatalo pagdating sa kalokohan eh.

"Gayahin nga natin itong si Andrew." sabi ni Lincoln na agad
akong inakbayan.

"Bukod sa CEO ng kumpanya nila, aba'y loyal pa sa kanyang
binibini na ubod ng ganda!" dagdag pa niya kaya siniko ko siya.

"Hindi tulad mo, Coln na kahit anong lapit sa babae eh lagi kang iniipit pagdating sa paghingi ng tip! HAHAHA!" si Carl.

"Nagbabaka-sakali na ang iyong binibini ay isang Magdalena na hindi makawala sa kadena na sa gabi ay nasa selda." si Earl naman.

Tumingin ako kay Lincoln na namumula na ang mukha sa inis.

Pikon na ang loko...

"Mga tarantado kayo!" sabi ni Lincoln na agad tumakbo para
habulin ang dalawang tawa ng
tawa habang papalayo sa amin.

I will missed them... I swear..

Beattrice's POV

Mabilis na paglakad ang ginawa
namin ni Jacob para makarating
agad sa private room ni Kate.

Tumawag kasi si Ella at sinabing
may importante siyang sasabihin
sa amin. Sakto namang papunta
kami kay Kate kaya go pero iba ito dahil kinakabahan ako eh.

"Calm down, babe." ani ni Jacob nang makita n'yang nanginginig
ang mga kamay ko.

"Hindi ko mapigilan, Jac. I'm nervous." sabi ko. Hinawakan n'ya ang kamay ko at siya na ang
nagpihit ng door knob.

"I don't know what to do when he calls so I lie on him, Kyle." rinig kong sabi ni Ella nang tuluyan
kaming makapasok ni Jacob.

"Him? Who?" agad kong tanong
at kita ko ang gulat sa mukha ng
dalawa.

"Si Andrew, hinahanap n'ya si Kate. I don't know what to say so
I turn off Kate's phone." si Ella sabay tingin kay Kate.

"Where's Tita and Tito?" tanong ni Jacob na agad umupo sa sofa.

"Umuwi muna para kumuha ng
gamit at magpahinga." sagot ni
Ella. Napatingin ako sa hawak ni
Kyle na basket of fruits at flowers
sobrang sweet talaga nito.

"So, ano yung importanteng sasabihin mo?" tanong ko kay Ella habang kumukuha ng apple.

"Ate Kath will be back." aniya kaya napalingon ako sa kanya.

"She knows what happened to Kate and she will arrive here later, nasa flight na s'ya pabalik dito." sabi n'ya pa.

Napatingin ako sa pwesto ni Kate na himbing pa rin sa pagtulog. Matagal na n'ya gusto makasama
ang kapatid n'ya pero sa ganitong
sitwasyon pa.

Nakakalungkot lang...

"What about Razer? Is he knows what happened to Kate?" ani ni Kyle kay Jacob.

"Hindi ko s'ya ma-contact simula pa kagabi. I already asked Tito Xander but they didn't know where Razer is.." sabi ng babe ko.

"Edi hindi n'ya din alam na babalik si Ate Kath?" si Ella na abala sa pagpunas sa braso ni Kate.

"Obviously, it's a yes." sabi ko na lumapit din sa kanya para tumulong.

Kateeyy my love wake up na!

"Tara sa cafeteria sa baba. Bili tayo ng makakain, Kyle!" aya ni Jacob kay Kyle na agad namang
tumayo.

"Babe?" paalam ni Jacob at tango lang ang sagot ko.

"Treat mo ah!" hirit ni Kyle at hinila na agad si Jacob palabas ng k'warto. Napailing nalang ako.

Napatingin ako kay Ella dahil sa
rinig ko ang malakas na pagbuntong hininga n'ya.

"Sana magising na s'ya, Bea. I'm really scared." sabi n'ya sa akin.

"Just think positive, Ell. She will
be fine." ngiting aniya ko at hinawakan ang mga kamay n'ya.

We need to be strong for Kate..

Jacob's POV

"HOY JACOB! Hindi mo ako maloloko, alam kong alam mo kung nasaan si Raze!" hirit nitong si Kyle na kanina pa ako
kinukulit habang papunta kami
dito sa canteen ng hospital.

"Fine." sabi ko sabay buntong hininga. "He's in my condo now, lasing s'ya kagabi dahil miss na miss na raw n'ya si Kath." dagdag ko.

"Eh bakit mo pa kailangang
magsinungaling sa dalawa, aber?" tanong n'ya pa habang may hawak ng tray na inorder namin.

"Alam mo naman yung dalawa masyadong ma-intriga." dahilan ko sabay upo sa bakanteng mesa.

"Kaloka! Quiet nalang aketch!"
sagot n'ya at tahimik na kumain.

Kaya, kumain na lang din ako habang nakatingin sa ward ng mga nurses nang makita ko ang familiar na mukha na papalapit
sa desk.

Si Kath?

Napatayo ako na ikinagulat ni Kyle kaya napatingin din s'ya sa tinitignan ko.

"Ate Kath?!" malakas na sabi ni Kyle dahilan para lumingon ito
sa amin.

To be continued.....



A/N: Thanks for reading my story
God bless everyone!❤️

A Twin's Love (ON HOLD)Where stories live. Discover now