Hindi pa sila lumalabas ng kwarto. I'm not waiting for them anyway. Palagi naman late si Kuya kaya hindi na ako magtataka kung mamaya pa sila. Is he always late too? O ngayon lang dahil puyat rin sila? Did they study or did they play?

Kahit ano pa man 'yon ay masaya akong may kasama siya. He's probably tired of being alone all the time.

"Ma!" Tawag ko sa kaniya nang makitang pabalik siya sa kwarto nila.

"Okay ka na po ba? Hindi na masakit? Akala ko magpapacheck up ka?" sunod sunod na tanong ko. Masyado akong naging abala sa ibang bagay na hindi ko na siya naalala. I felt guilty for it. May mas malalaki pa akong dapat na problemahin.

"Hindi na kailangan magpa-checkup at ayos na ako," mahinang banggit niya sa akin.

"Sigurado ba 'yan, Ma? As in sure na sure? Absolutely sure?" pangungulit ko. The last thing I want to happen is my Mom suffering because she didn't take medical help when she felt signs for her heart.

Tumawa siya nang bahagya. "Sure na sure!"

Nagpaalam na ako sakanila bandang alas sais. Maaga pa pero pwede na rin para makatulog ako sa school. Hindi ko pa rin naabutan sina Kuya. Maybe they'll go to school in the afternoon.

I tried my hardest not to pass out on my way there. Inabala ko ang sarili sa phone kahit wala naman akong ginagawa talaga roon. I just had to stay awake. I've already done everything I have to so I can sleep peacefully in the room.

Hinihingal ako habang pumapasok sa room. Dalawa pa lamang sila na nando'n at sabay pa silang napalingon nang pumasok ako. I felt really awkward so I shyly smiled and went to my chair. I heaved a sigh of relief when I sat down and became comfortable.

"Hay...sa wakas," bulong ko sa sarili. I shifted back and forth to my chair, finding a comfortable position to sleep in. Sa huli ay napagpasiyahan kong ilagay nalang ang bag ko sa arm chair at doon sumandal. I immediately fell asleep as soon as I closed my eyes.

"Huy," nagising ako sa ingay at sa marahang tapik sa 'kin ng katabi ko. Kinusot kusot ko ang mata bago umunat at nag-ayos ng upo.

Napasulyap ako sa katabi ko na si Frey na may tinuturo sa akin. Agad ko itong nilingon na papikit pikit pa ang mga mata.

Tumuwid agad ako ng upo at inayos ang sarili, pinasadahan ko gamit ng daliri ang buhok kong nagulo. Laine and Lucas both stared at me with questioning faces. Hilaw akong ngumiti kay Frey at humarap kay Ma'am na kararating lamang.

Pasimple kong tiningnan ang oras. I frowned when it showed 7:30. Kulang na kulang pa ang tulog ko!

I survived my whole morning class without passing out. Noong recess ay hindi ako pinatulog nina Laine at dinamay ako sakanila para kumain. They practically dragged me all the way to the cafeteria to explain to them what happened to me!

Hindi ko pa sinasabi sakanila na umamin ako at baka sabihin nilang matagal na nila akong pinagsasabihan pero hindi ako nakikinig. Sinabi ko nalang na puyat ako kagagawa ng mga assignment na pinaniwalaan naman nila.

During lunch, I didn't give them what they want and instead stayed in the room. Mamaya nalang ako kakain kaya pinauna ko na sila. Sayang ang isang oras na pwede ko pang itulog.

Luckily, I survived the whole day but I instantly felt like shit when I went to practice. Mas lalo lamang sumama ang pakiramdam ko kahit nakatulog naman ako ng konti sa room. Sana naman ay hindi ako lagnatin at marami pa ang kailangan namin gawin!

Hindi ko nakita si Axel sa school at kahit si Kuya. I didn't even leave the room except for break time this morning kaya hindi na rin ako nagtataka. Kahit paglabas naming ni Lucas ay hindi namin sila nakasalubong.

Chasing Axel Blaze (Mi Amore #2)Where stories live. Discover now