The doctor shook his head, "I'm sorry..." He said at tuluyan nang umalis.

Kasabay ng pag-alis ng doktor ang pagbagsak ng katawan ni Keizi sa sahig at patuloy na nag-iiyak. Maski ako hindi ko mapigilan ang sarili kong humagulgol, tangina naman! Bakit!

"Fuck... fuck you Rans."

Kiefer whispered dahilan para sumakit ang dibdib ko at naiyak, kasalanan ko siguro talaga. Tangina!

Sinabi sa'min ng nurse na puwede naming makita si Mom at ipinadiretso kami sa Morgue, bawat hakbang namin papunta ay pasakit nang pasakit ang dibdib ko. Pabigat nang pabigat ang nararamdaman at parang ayoko siyang makitang walang buhay.

Nakarating kami sa Morgue at isang taong nakabalot ang kumot ang naabutan namin, lumakas ang iyak naming tatlo at dahan-dahan akong lumapit dito.

"M-Mom..."

I whispered and I hugged her body, It hurts to hug your parents cold body. Ang sakit sakit na makita siyang ganito, parang kahapon lang, pumunta pa siya sa deluxe house para dalahan ako ng mga bagay na gusto ko, para sabihing tanggap niya ako at para sabihing mahal niya ako.

Hindi ko alam na 'yon na pala 'yong huli, kung alam ko lang edi sana, sinulit ko na.

"Mommy!"

I shouted kasabay nang paghagulgol ko, tuluyan nang gumuho ang mundo ko nang makita ko ang mukha niyang maputla at wala nang buhay.

"Why? Bakit mo ako iniwan? Bakit naman ganito? Nakakainis ka naman e!"

All my life walang taong tumanggap sa'kin kung hindi siya lang, kung may tao mang deserve mabuhay ng matagal, siya 'yon. She's my favorite person because with her, I don't need to pretend. I just need to be true to myself and I can Show to her kung ano talaga ako.

She's not just a good Mom, She's also a good wife, a good woman, a good friend, a good boss and a good person.

And I think She deserve better and I never imagine na ganito ang magyayari.

I know death is a part of someone's journey but I never imagine that She will leave the world by her husband's cruel hands.

He shot Mom? I will make sure that He'll pay for this.

---

Hindi ko alam kung ilang oras kong niyakap ang katawan niya, basta ang alam ko lang, gusto ko siyang mayakap hanggang sa huling sandali.

Hanggang sa huling pagkakataon...

Bumalik na kami sa bahay dahil maraming dapat asikasuhin at kanina pa ako nakatulala sa kawalan, bumalik lang ako sa reyalidad nang magsalita si Kiefer.

"I will process everything..." He said

"Hindi ka man lang ba magrereport sa police?"

Hindi ko parin siya tinatapunan ng tingin at nakatulala parin ako sa kawalan.

Hindi mawala 'yong sakit.

"He's our Dad, we already lost our Mom and I won't let him leave us too." Matigas niyang sabi dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Kiefer, pag-isipan mong mabuti. He killed our Mom, He killed my Mom!" Sigaw ko

"But He's a lawyer! His reputation will be ruined!"

He shouted at binigyan ko lang siya ng sarkastikong tawa. Nababaliw na siya, manang mana talaga siya kay Daddy. Kung hindi sa pananakit, doon naman siya nagmana sa pagpapahalaga ng reputasyon kaysa sa buhay.

Stuck In My Rainbow IdentityWhere stories live. Discover now