35

1.3K 32 4
                                    


It's a prank guys!! HAHAHAHAHA syempre di pa tapos!! Bigyan natin ng magandang ending to and isa lang masasabi ko. Prepare your tissues sa mga susunod kong update 🥺👉🏻👈🏻❤️




BEA'S POV


After AlyDen's wedding everything went good for the both of us. Naging kami. Ewan ko ba? Parang marami ng panahon na nasayang saming dalawa kaya di na din namin pinahaba ang ligawan. Ganon din naman kasi yon eh. Liligawan ko pa din siya araw araw kahit kami na






"Mom... Dad... Kuya... i have something to tell you" nakauwi na sila last week iniwan muna nila yung company sa family ni kianna kasi alam naman nilang di mapapabayaan yon




"Hmm i'm sure it's serious" sabi ni mommy



"Spill baby. We're listening" sabi naman ni dad at si kuya halatang naghihintay sa sasabihin ko




"Uhm.... Jho and I are together again...." at lahat sila ay nagsitayuan at sumigaw pa. Wow hahaha sayang saya?




"OMG!!! FINALLY!!! it's your time to be together na" sabi ni mommy at niyakap ako




"Yes namannn bei.Kelan kasal? Hahahaha" pang aasar ni kuya




"I'll think about that kuya hahahaha"









Maya maya ay umalis muna sila mommy at kuya kaya naiwan naman kami ni Dad



"Anak sorry again ha? I mean yung last time na umuwi ka dito tapos diba pinabalik kita sa states knowing na okay na pala kayo ni Jho"



"Dad naman okay na yon. Maybe it's another way to prove to everyone na deserve talaga namin ni Jho ang isa't isa. Look kahit ilang beses kaming paghiwalayin sa isa't isa pa din kami bumabalik" then my dad hugged me




"Dad uuwi nga pala kami ni Jho sa batangas mamaya. I'll spend the weekends there okay lang po ba?" Nagtext kasi si Jhoana sakin kanina. Actually kinakabahan ako




"Sure anak just be safe okay?" Then we hugged again at pagtapos namin magusap ay nagpaalam na din ako kela mommy and kuya at pagtapos ay nag ayos na ng gamit at umalis na para sunduin si Jho sa Condo niya










"You ready love?" Sabi ni Jho at eto ako kinilig hahahaha di naman kasi siya ganon ka vocal kaya nagulat ako



"Wag masyadong kiligin ako lang to hahaha"



"Ikaw kasi eh aga mo magpakilig hahaha" at hinalikan ko siya sa noo at pinagbuksan na ng pinto ng sasakyan






Ayon masaya ang naging byahe. Dumaan pa kami sa drivethru dahil di pala siya nag breakfast. Nagkwentuhan kami ng konti hanggang sa nakatulog na siya







"Hey love we're here" at bahagya siyang tinatapik. Kinakabahan talaga ako. Syempre ngayon na lang uli ako napunta dito sa batangas.  Naputol ang pagiisip ko dahil may humalik bigla sakin




"Hey you're spacing out love. Okay ka lang ba?"



"Ah y-yes... o-ofcourse!!!" At hinawakan ko siya sa kamay




"Kinakabahan ka no?"



"No i'm not! Bakit ako kakabahan?"



"Wushu!!! Okay lang yan! Everything will be alright okay? Andito lang ako" and here's Jho being clingy again. Arghhh!! My heart!!! Bago kami lumabas ng sasakyan ay hinalikan ko muna siya sa noo









"Hi Ja. Hi tita. Hi tito" at nag mano ako kela tito



Nagulat naman ako dahil niyakap nila ako




"Tawagin mo na lang kaming mama at papa ha?" At eto naman ako ay napatingin kay Jho na nakangiti na din







Kumain muna kami at nakwento nila mama at papa (wow lakas ng mama at papa hahaha) na nasabi na pala ni Jho ang lahat kaya ayo nagkulitan lang kami. Ang saya kasi okay na lahat. Hanggang sa matapos kami kumain ay nagkukulitan pa din







Tutulong na sana ako magligpit pero nagsalita si mama lovel




"Bei. Anak. Usap tayo sa labas? Hayaan mo na sila Jhoana jan" seryosong saad ni mama lovel kaya kinabahan naman ako at nagulat ak dahil may humawak sa kamay ko



"You can do it beh" sabi ni Jhoana



"Mama easy ka lang sa beh ko ha?" At tumawa siya at ang mama niya. At ako eto kinakabahan ng sobra pero ngumiti na lang. Hinalikan ko muna si Jhoana sa noo bago sumunod kay mama lovel









"Anak. Alam mo ba sobrang saya ko nung nalaman ko na naging okay na kayo uli ni Jhoana nung umuwi ka noon? Kaso umalis ka uli diba?" Sabi niya habang nakatingin sakin pero inalis niya din ang tingin niya at tumingin sa malayo




"Marami akong pagkukulang at pagkakamali noon. At alam kong ngayon ang tamang panahon para itama lahat at punan ang lahat ng yon" pagpapatuloy niya at lumingon na siya sakin uli at hinawakan ang aking mga kamay




"Isa lang ang hihilingin ko sayo anak. Yun ay ang alagaan siya at wag mo na muling iiwan"




"Opo mama makakaasa po kayo. Hindi ko na po siya ulit iiwan at pinapangako ko po na hinding hindi na po siya masasaktan. Maraming salamat po at pumayag po kayo sa kung anong meron po saamin ngayon" and this time ako naman ang humawak sa kamay ni mama





"Alam kong aalagaan mo siya at mamahalin tulad ng ginagawa namin ng papa john mo sakaniya"




At nagyakapan na kami at di namin naiwasan ang maiyak. Lalo na ako dahil alam kong eto na ang simula ng lahat. Simula kung saan mas magiging masaya na kami ni Jhoana ko at ngayong kami na










--------------------------------------------------------------

Last update for today!!! Short update lang muna hehe bawi ako soon

At balak ko sa isang araw ko pa to ipupublish (sorry pero may timeline kasi ako na sinusunod) pero natuwa ako kasi 4k na readers hehehehe so ayon hehehe

Hi guys ayon hahahaha grabe can't believe patapos na talaga yung story ko. So ayon sabi ko nga sa unang part ng chapter na to prepared your tissues hahahahaha kasi yung mga susunod na kabanata ay medyo mabigat na emotions ang binuhos ko dito HAHAHAHHA


Hopia tayo sa JHOBEA real life eh hahahaha



07/20/20

Lifetime (JhoBea)Where stories live. Discover now