2

1.8K 27 0
                                    

Itutulog na lang 🎶

JHO'S POV

"Ate kakain na bumaba ka na jan kanina pa nag aantay sila mama at papa" nagising ako sa sunod sunod na katok ni jaja kahit kailan talaga to eh ang aga aga ang sarap ng tulog ko hays.

"Gising na ko ja susunod na din ako saglit lang" sabi ko naman

"Sige ate bumaba ka na agad ha gutom na talaga kami" pahabol ni jaja

At tuluyan na ko nagsimula sa mga morning rituals ko.

pagkatapos ko sa mga ginagawa ko tinignan ko muli ang aking kwarto para siguraduhing wala nang gulo o kalat. at may nakita akong box na alam kong pag binuksan ko muli ay parang binuksan ko ang nakaraang pahina nang buhay ko na ayaw ko nang maalala pa.

hindi ko na pinansin ito at bumaba na ako


"Goodmorning hahaha kain na tayo?" panimula ko sakanila at sabay ngiti

"mukhang goodmood ang anak ko ngayon ha?" pambungad naman ni papa. wow pa ang aga aga at sinisimlan mo ko sa kapilyuhan mo ha? pero syemre di ko sinabi baka masermunan ako hahaha

"anak anong plano mo ngayong fourth year ka na? saan ka mag aaral sa college? maglalaro ka pa ba?" nagulat naman ako sa tanong ni mama dahil simula nung bumalik ako dito galing manila ay hindi na nila ako tinanong sa plano ko.

"ah ma di ko pa alam eh pero magttry out ako sa Ateneo sa susunod na linggo luluwas ako papuntang manila. pero pagiisipan ko pa. pero sa ngayon wag muna natin pag usapan" sabi ko at nagbigay ng pilit na ngiti. ayoko muna kasi pag usapan dahil nappressure din ako at pagiisipan ko pa naman meron pa naman akong ilang araw para mag isip

nanatili ang katahimikan habang kumakain kami. hanggang sa natapos kami ay wala na masyadong nagsalita.


pagtapos naman kumain ay dumeretso ako sa kwarto dahil wala pa naman akong plano ngayong araw. naging ganto ang buhay ko simula nung umuwi ako uli dito. mas pinili ko mapagisa at sinanay ang sarili na ganto na lang muna.

pagpasok ko sa kwarto ay una kong hinanap ang aking earphones at sa pagkasaksak ko ay tumunog ang isang kanta na nakakapag paalala sakin ng nakaraan


Itutulog na lang
Ang lungkot na nadarama
Itutulog na lang
Bigat na dinadala 🎶


sa mga nakaraang buwan ay mas pinipili ko pa matulog kesa gumawa ng kung ano ano dahil alam ko na sa sobrang lungkot ko ay tulog na lang ang makakatulong saakin upang makalimot. walang kahit isang araw na lumipas na hindi ko naisip yung araw na yon. araw na nakapagpabago ng buhay ko


Gabi-gabi
Hindi mapakali
Hinahanap-hanap ang iyong lambing
Hinahanap-hanap ka sa 'king tabiPaano na?
Sa isip, 'di mawala
Mga sandali na ikaw ay kasama
Bawat sandali ay nais kang makita


gabi gabi hindi ko alam kung ano dapat kong isipin kaya sa huli ay umiiyak na lang din ako at di kinakaya ang sakit na nadarama araw araw nananalangin ako na sana mabalik ang oras para naitama ko ang lahat nang pagkakamali at lahat ng maling desisyon ay sana naisipan ko pa ng mas maayos na solusyon.

Sana'y pagsapit ng umaga'y mawala na
Ang sakit na dinulot ng 'yong paglisanAyoko na
Nakakapagod din pala
Tatanggalin na lang
Mga alaala
Tatanggapin na lang na wala ka na


Ang sakit alalahanin nung araw na siya mismo yung lumisan sa buhay ko. akala ko hinding hindi magbabago, akala ko kahit anong mangyayari ay mas pipiliin namin ayusin kung anong problema pero bakit dumating sa punto na iniwan niya ako at mas pnili umalis sa buhay ko?


umiiyak nanaman ako at di ko namalayan na nakatulog uli ako.

-------------------------------------------------------

lumipas ang mga araw at bukas na ang araw na kailangan ko na magdesisyon kung tutuloy ba ako sa pagttry out sa Ateneo. hindi pa naman bukas yung try out sa isang araw pa pero kasi kung tutuloy ako dapat bukas ayos na ang gamit ko at bukas na rin ako lumuwas.


dapat ko nga ba ituloy ang pangarap ko?


-------------------------------------------------------

Ayan both side na hahaha 2 chapters for today muna hehehe tignan muna natin yung side nilang dalawa kung kamusta na sila

I hope nag enjoy uli kayo

🥺
👉🏻👈🏻

6/7/20

Lifetime (JhoBea)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin