5

1.4K 24 0
                                    




JHO'S POV

Wednesday.......

Kinakabahan ako kasi mag gagabi na at wala pa rin akong natatanggap na text mula sa staffs ng Ateneo.

Siguro nga di ako tanggap dahil di naman ako ganon kalakas at second day na ko pumunta. Panigurado nakuha na yung mga magagaling nung first day

Sa kakaisip ko ay di ko namalayan na nakatulog na ako

-------------------------------------------------------

"Ateeee!!! Kakain na nang hapunan ano di ka na tatayo jan? Porket wala pa ring text sayo??" Sigaw ni jaja na ikinasimangot ko dahil bukod sa antok na antok pa ko ay nakakarindi talaga ang boses niya.

"OO NA HUMANDA KA SAKIN PAGBABA KO BWISIT KA TALAGA!!" Sigaw ko naman at tumayo na

Nang makatayo ako hinanap ko ang cellphone ko upang tignan muli kung nagtext na ba ang staffs ng ateneo.



0916********

Congratulations miss Jhoana Louisse Maraguinot you're now part of the Ateneo Lady Eagles Volleyball Team. We'll see you on summer for the training. Goodluck and always keep safe



Pagkakita ko non ay halos mabato ko ang cellphone ko sa sobrang tuwa kaya naman nagtatatalon ako at nagsisisigaw.

Umakyat naman sila mama, papa at jaja dahil sa ginawa ko

"Anak ano yon? Anong nangyari sayo?"-papa
"Ate okay ka lang anyare?"-jaja
"Anak ayos ka lang ba??"-mama

Pag aalala nilang tanong sakin. At nagulat sila nang bigla ko silang yakapin.

"NATANGGAP AKO SA ATENEO!!! LADY EAGLE NA KO!!!" Sabi ko at nangingiyak na sa sobrang saya.

"Sabi ko sayo kaya mo yan eh congrats anak"-mama

"Okay ate!! Alam mo na ha? Tulungan mo ko makapasok hehehe congrats ate simula na ng pangarap mo"-jaja

"Sabi ko sayo nagmana ka kasi sakin kaya ayan natanggap ka hahaha"-papa


Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko basta ang alam ko sobrang saya ko.

At bigla kong naalala si bea...


"Kamusta ka na bea? Nagawa ko! Nakapasok ako sa dream school nating dalawa makakapaglaro ako ng UAAP kung di lang sana nagbago ang lahat satin edi sana magkasama pa din tayo at sabay natin binubuo ang pangarap natin" bulong ko sa hangin habang nakatingin sa malayo at umaasa na sana naririnig niya ang lahat nang to


Bigla akong tinawag nila mama at Bumaba na kami at kumain.


-------------------------------------------------------

BEA'S POV

Hindi pa rin ako makapaniwala dahil pagkagising ko kaninang tanghali ay may natanggap akong text



0916*******

Congratulations miss Bea De Leon
you're now part of the Ateneo Lady Eagles Volleyball Team. We'll see you on summer for the training. Goodluck and always keep safe



I'm so happy and all of a sudden I remember Jho.





Flashback....


"Bea dali na mag Ateneo ka na din ayaw mo non? UAAP tayo parehas tapos lagi na tayo magkasama. Sabay natin mabubuo yung mga pangarap natin?" Sabi ni jho habang naka pout arghh why so cute baby Jho? Stop doing that baka di ako makapagpigil. Charot hahahaha

"Oo na! Titignan natin kung kakayanin pero sige susubukan ko din magtry out. Just promise me na ako pa din ang one and only bestfriend mo whatever happens" i said that without cutting the eye contact. Those beautiful brown eyes that i can't resist. Sobrang perfect mo Jho. Sobra...

"Oo naman beh ikaw pa din. At sana di lumala pagiging conyo mo pag andon na tayo. At baka nga makalimutan mo na ko pano ang daming nagkakagusto sayo baka mamaya makakita ka na ng tao na magugustuhan mo tas makakalimutan mo na bestfriend mo" sabi niya na may lumgkot sa mata niya.


"Kung alam mo lang Jho. Ikaw lang talaga ang gusto ko kaya wala akong pake sa iba." Gustong gusto ko yan sabihin sakaniya pero di ko magawa dahil natatakot ako baka mawala lahat pag sinimulan kong isugal lahat


"HELLO EARTH TO BEA??? ano tama ba ako at di ka na nakasagot jan?" She chuckled. Those smiles. Ang sarap sa pakiramdam pag ako ang dahilan.

Niyakap ko na lang siya dahil di ko na alam ang sasabihin ko at bumulong ako "YOU'LL ALWAYS BE MY ONE AND ONLY GIRL JHO"


End of flashback....




Bumalik ako sa katinuan ko nang may kumatok sa pinto

"Bea tawag ka ni mom and dad sa office puntahan mo daw sila" kuya loel said

"Okay kuya i'll be there" sabi ko at nag ayos na ng sarili





"SURPRISE!!!" They all said in unison. Nagulat ako dahil pagpasok ko ng office ni daddy ay may pumutok na party poppers and i saw the banner that says "congratulations princess" ang sweet nila talaga at di ko na napigilan ang luha ko

"Thank you guys. You never fail to make me happy" still my tears won't stop falling. Since i was young they always do the things that could make me happy and i'll always be thankful for this family.

"O anak wag ka nang umiyak. You should be happy because finally you can fulfill your dreams na" Mom said

"Oo nga princess dapat happy lang. Look at me happy na happy kasi finally yung nagmana talaga sakin ay makakapaglaro na sa UAAP" Dad said and that makes everyone laugh

"Hoy iwasan mo pagiging chick girl pag nasa katipunan ka na ha? Okaya bigyan mo nalang din ako" kuya loel said at natawa naman ako hahaha napaka talaga netong kuya ko.

"Hoy ka din kasalanan ko bang ang gandang gwapo ng kapatid mo? Well it runs in the blood of De Leon naman ewan ko ba bakit ang hina mo kuya hahahahahaha" at nakita ko naman na sumimangot si kuya sa sinabi ko at lahat sila tumawa well except kay kuya

"O sige na anak let's talk some other time uli ha about the ateneo thing okay? Magpahinga ka na sa kwarto mo" dad said at tumango na lang ako at niyakap na silang lahat at tuluyan na akong umakyat sa kwarto at nagpahinga





-------------------------------------------------------

Last update for today guys!! Thank you for reading my story hehe

Mej singitan ng flashback para happy at mejo may kilig. Kasi medyo matatagalan pa bago magsail ang JhoBea ship eh hahaha


Ayan parehas na silang pasok sa team. What do you think guys will happen next?

Abangan.....

6/8/20

Lifetime (JhoBea)Where stories live. Discover now