26

1.2K 30 2
                                    




JHO'S POV




Ang bilis ng panahon at patapos na ang season na to. Medyo nakakalungkot kasi last playing year ko na to at masaya din dahil pasok kami sa finals against DLSU again





Lahat ng laro namin ay hindi ko hinuhubad ang binigay na necklace sakin minsan nga napapansin na ito ng mga fans at nagtatanong na din sila kung anong meron sa necklace bakit lagi kong suot. Well di naman siya bigdeal pero dahil fans sila ay lahat talaga mapapansin nila








"So ate Jho what's your plan after this season?" Tanong ni ponggay sakin


"Hmm. For now ayoko muna isipin kasi wala pa naman talagang plano hahaha"


"Baka naman susundan si ate bea?" Sabi naman ni deanna



Napaisip ako dun ah. Kaya ayon napatahimik sko at inasar na nila ako. Buti na lang at dumating na sila coach at pinagsimula na kamj mag try out












Sobrang lungkot sa mga nagdaan na buwan during the season syempre wala si bea. Wala na din yung iba at ako na lang din ang natira sa batch namin. Syempre nalate ako ng laro pero okay lang naman








Natapos naman ang training at ayon as usual andito si nico para sunduin ako at ihatid sa dorm




"Hey babe are you okay?" Tanong niya




"Y-yes sorry kung tahimik ako pagod din kasi sa training"




"It's okay alam ko naman na pagod ka. Gusto mo ba kumain muna bago kita ihatid sa dorm niyo?"




"Sorry nico pero pagod kasi talaga ako. Bawi na lang ako next time" lately mas lalo akong nawawalan ng oras sakaniya








Oo alam ko na pinayagan ko siya uli bumalik sa buhay ko pero alam niyo yung feeling na napressure ka lang sa fans din kaya napapayag ka niya. Syempre nakakahiya naman na ireject ko siya. And may pinagsamahan naman na kami since dati. Kaso ang problema nasakin dahil alam ko naman talaga kung sino ang gusto ko......







At si bea yon














Championship game na namin ngayon at syempre eto ako kinakabahan. Di ko alam kung bakit eh. Di naman na bago sakin to pero iba talaga yung pakiramdam ko




Nasa court na kami at may nakita akong babae na di ko alam kung bakit tinitigan ko din tapos balot na balot siya pero di ko siya mamukhaan eh pero familiar yung figure niya. Napatigil ako sa pagtitig ng tawagin na ang team captain ng bawat team kaya lumapit na din ako. Pagtapos kong lumapit ay tumingin uli ako sa side kung san ko nakita yung babae but sadly wala na siya don









Okay Jhoana. Focus










Sa bawat puntos at bawat time out ay hindi ko alam kung bakit hinahanap ng mga mata ko yung babaeng nakita ko










Natalo kami sa first set at second set pero bumawi na kami ng third at fourth set. Grabe yung pagod pero para sa team syempre heartstrong!!!!!












"Service aced by maraguinot!!!!!!" At nagsitakbuhan lahat ng teammates ko papunta saakin at pumutok na ang puting confetti!!!!












Lifetime (JhoBea)Where stories live. Discover now