34

1.2K 28 2
                                    



JHO'S POV

Isang taon nanaman ang nakalipas at hindi pa din bumabalik si bea. Kamusta na kaya siya? Napapagod na ko maghintay pero sinasabi ko sa sarili ko na kung siya nga hindi napagod saming dalawa eh bakit ngayon ko pa siya susukuan?



"Hey. You're spacing out Jho. Di ka maaayusan ng maayos niyan. Ikaw din baka magsisi ka na hindi ka nag paayos ng maayos ngayon hmmm" sabi ni ate ella



Kasal kasi ni ate aly at ate den ngayon. Gusto ko silang tanungin kung makakarating ba si bea ngayon pero wala akong lakas ng loob. Pero wala pa siya ngayon eh. Maya maya lang magsisimula na dalawang oras na lang



"Oo na nga eto na oh" at sinimulan na kong ayusan ng artist. Kinakabahan ako sa araw na to. Pakiramdam ko ako yung ikakasal eh hays





Natapos akong ayusan at eto mukha na ulit tao ang ate niyo charot hahaha. Inaasar ako nila ate ella. Ewan lakas talaga mang asar eh. Walang pinagbago




"Wow mamsh. Nagpapa pogi ka ba kay paps?" Nagulat naman ako dahil bigla siyang kinurot nila kim


"I mean... uhh... ano... syempre pag nagpicture magpopost diba? Syempre for sure makikita ni paps yon" at parang ang awkward nila ha? Weird netong mga to tssss. Di ko na lang pinansin kasi alam ko namang di makakauwi ngayon dito si bea dahil busy siya




"Tara na girls baba na tayo. Malapit na daw magsimula" sigaw naman ni ate ella



Kaya bumaba na din kami at pumunta na sa venue. Grabe ang ganda


Ganto rin kaya pag kinasal kami ni bea?


Hay nako di na babalik yon asa pa ba ko? Eh etong utak at puso ko lang naman ang nagpupumilit na babalik pa tssss





--------------------------------------------------------------

BEA'S POV

Fuck. Nadelayed pa yung flight ko so pano ko pagkakasyahin yung oras ko? Mag aayos pa ko


15 hours yung haba ng flight ko so probably 1pm pa ko lalapag sa pilipinas eh 3pm daw magsisimula yung kasal ng alyden. Nakakainis talaga



Paglapag ng eroplano ay agad anong kumilos at kanina pa pala ako hinihintay nung driver namin. No time to rest. Kaya kahit ang lala pa ng jetlag ko ay dumeretso na ako sa hotel kung saan ako aayusan



Binigyan ako ng sariling room nila ate aly dahil daw alam naman nilang kailangan ko magpahinga kahit saglit dahil galing ako sa byahe. At ayon di rin ako nakapagpahinga dahil nga delayed yung flight ko



Pagdating ko sa room ay nakita ko na yung mag aayos sakin at naligo muna ako pagtapos ay sinimulan na kong ayusan. Isang oras na lang at magsisimula ang kasal. Habang inaayusan ako ay chineck ko muna ang phone ko at ang daming chat sakin ni ate aly



"Hey bei are you here na ba?"

"See you later bei!!"

"Hoy beatriz!!! Di ka na ba pupunta? Aba di kita tutulungan kay Jhoana!!!"

"Kalimutan mo na kami ni den pag di ka nakapunta!!!"

"Hays. Di na ko aasa na makakarating ka pa"

"Salamat na lang sa lahat"


At natawa ako sa sinabi ni ate aly kaya naman nagreply na ako

Lifetime (JhoBea)Where stories live. Discover now