29.2

1.1K 35 0
                                    




JHO'S POV


Pagtapos ng nakakainis na performance ni Bea ay umalis muna ako at nagpalamig. Di ko alam pero naiinis talaga ako at alam ko naman nagseselos ako pero ano bang magagawa ko





Dumating si Jia at nagusap kami saglit. Buti na lang ay kumalma na din ako















Andito na kami ngayon sa tabing dagat para sa aming Bonfire nasa tabi ko si Jia sa kanan at sa kaliwa naman ay si ate ella sa tapat naman namin ay si bea at maddie





Eto yung moment na sobrang nakakamiss sa team eh. Di namin alam kung kelan mauulit uli ito. Pero lagi kaming may bonfire pag nagbebeach and ineexpect ko na na lasing nanaman sila mamaya







Lahat sila ay may hawak na beer at nag aasaran at eto ako pasulyap sulyap na lang kay bea. Ang gandang gwapo niya talaga lalo na kapag tumatawa. Minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sakin pero agad din umiiwas ng tingin








Buti na lang at maganda ang panahon dito at walang ulan. Ang daming bituin kaya naman tumitingala ako at tumitingin sa bituin. Di talaga nakakasawa titigan ang langit pag ganto. Namiss ko tuloy si bea lagi din namin kasi to ginagawa dati. Yung nasa likod lang kami ng sasakyan niya tapos mag star gazing











Kasama mo na nga namimiss mo pa. ang harot mo din









Wow nakikisali yung konsensya ko ha














Napatingin na ko uli sakanila dahil inaasar nila si ate aly








"Besh tama na! Give chance to others naman!!!" Rinig ko na sabi ni ate amy with her conyo accent hahaha cute ni ate amy mag taglish





"Hoy dencio pigilan mo na nga tong jowa mo panigurado walang katapusan na Burn nanaman ang kakantahin niyan utang na loob naman"  rinig ko na sabi ni ate ella. Natawa kami dahil alam namin na pag si ate aly nanaman ang kakanta ay walang katapusan na burn nanaman. Eh fave niya yon kaso masakit talaga sa tenga pag kinakanta niya yon hahahaha






Pano kasi may karaoke dito sa may bonfire din. May gitara naman na dala kaso di naman lahat ng kanta eh kaya tugtugin nila deanna at nakakapagod din yon







"Grabe talaga kayo sakin!!!" Angal ni ate aly kaya natawa na lang kaming team at si ate den





"Baby di mo ba ko pagtatanggol? Inaaway nila ako oh" pagpapacute ni ate aly kay ate den. At tinawanan lang siya neto kaya si ate aly ay nanahimik na hahahaha cute talaga ng magjowang to









"Bei!!! Ikaw na lang kumanta!!!" Sabi ni ate den










At tinignan ko naman si bea na nakatingin lang saakin at nagulat sa sinabi ni ate den






"Here we go again. Zzz alam niyo namang panget boses ko tsss kumanta na ko kanina eh!" at ang cute naman ni bea dahil parang bata








"Sige na!! Minsan lang to tsss ngayon na lang uli oh!!" At walang nagawa si bea dahil iniabot na ang mic sakaniya at nagcheer na ang lahat sakaniya. tumingin naman siya sakin at nginitian ko na lang siya







Eto nanaman ang puso kong di mapakali








Nagtype siya ng kakantahin niya at umupo na sa may upuan at nakatapat na siya saamin








I could hold on for a hundred years
When all else is gone
I would still be here
In a memory of things yet unseen
I'd remember all that we've never been
And I cannot wait to see
What life has in store for me 🎶




"Wow gary v ang tugtugan ngayon? May patay ba? Hahahaha" talaga tong si ate ella ay napakalakas mang asar kaya natawa kaming lahat at sumimangot naman si bea. Akmang ititigil na niya ay nagsalita si ate aly




"Hahayaan niyo syang kumanta at mananahimik kayo o ako ang kakanta?"




"Sige na baby besh ikaw naman nagbibiro lang. Ganda kaya ng kanta na yan. Tuloy mo na dali!!!" Kaya natawa ako lalo hahaha pano naman kasi ayaw talaga nila marinig ang burn version ni ate aly




Tumahimik na sila at itinuloy na ni bea ang pagkanta






In another lifetime
It would be forever
In another world
Where you and I
Could be together
In another set of chances
I'd take the one's I'd missed
And make you mine
If only for a time
My life would matter
In another life 🎶






Ewan ko pero feel na feel niya yung bawat lyrics na binabanggit niya. At yung mga tingin niya sakin ay parang ako talaga yung kinakantahan niya. At etong puso ko naninikip nanaman parang gusto humiwalay sa katawan ko








And I'd stay as strong and I'd stay as true
And you'd have forever now to think it through
Coz I believe what wasn't meant to be
Wasn't meant for now and
Someday you'll see
In a place and time we never know
I'd be standing there waiting for you 🎶





Hindi niya inaalis ang tingin niya saakin at pakiramdam ko ay anytime tutulo na yung luha sa mata ko. Ibang mga kateam ko naman ay sumasabay sa kanta at dama din nila siguro yung bawat lyrics na sinasambit ni bea






You would be mine
But until that time is now
I'd be holding on somehow 🎶





Nakita kong may pumatak na luha sa mga mata niya pero agad niyang pinunasan at dumeretso sa pag kanta







Gustong gusto ko na hilahin si bea at lumayo at yakapin lang siya. Gusto ko siya makausap. Gusto ko magexplain sakaniya ewan ko ba pero di ko magawa







But until that time
I'll be holding onto forever
Until another life 🎶






Pagtapos niya kumanta ay tumulo na din ang traydor kong luha pero agad ko din itong pinunasan dahil nakatingin lang si bea sakin







Wala na ba talaga? Alam ko namang dahil sakin kaya natapos kami noon. Pero ewan unti unting bumabalik lahat ng sakit ng nakaraan





-------------------------------------------------------

Good news everyone!!! ❣️

I would like to tell you guys na gawa ko na yung guideline ng pangalawang story ko na gagawin hehehe abangan niyo din. JhoBea pa din 💙


Keep on voting guys and just leave a comment hehehehe



Keepsafe babies ❣️👀






7/8/20

Lifetime (JhoBea)Where stories live. Discover now