/19/ When The Past Meets The Present

78 11 0
                                    

CHAPTER NINETEEN:
When The Past Meets The Present

ASH

I was so busy fixing all the things I need to fix noong nakauwi ako dito sa bahay kahapon. Wala na nga akong sapat na kain at tulog kagabi dahil babad na naman ako sa harapan nitong screen ng laptop ko. Kapag hindi ko kasi 'to natapos, for sure, lagot ako.

Hindi din naman kasi ako tinigilan ni Benedict sa pagcha-chat niya tungkol kay Liberty. Sa totoo lang, ang dami kong nasagap na impormasyon tungkol kay Liberty dahil sa pagiging mala-hacker nitong si Ben. Bigla tuloy sumagi sa isip ko ang dati kong kaibigan, si Adrian. May similarities sila ni Ben pero mas baliw 'tong si Benedikto.

Laging binabanggit sa akin ni Benedict na hindi daw madaling pakisamahan si Liberty lalo na kapag hindi niya ito type or makasabay sa mga trip niya. Nalaman ko din galing kay Ben na si Liberty daw ang pinagpapares noon kay Art, hanggang ngayon. Kabahan na daw ako sabi niya.

Hindi ko na lamang pinansin ang mga bagay na 'yon dahil alam ko na kung saan ako lulugar, kung saan ako dapat mananatili sa tuwing magkakasama kami ni Art. Dapat may agwat na, hindi katulad ng dati.

Ilang oras pa ang nakalipas at handa na muli akong pumasok. Ayos na lahat ng dadalhin ko at gagamitin at kahit papaano'y naimis konna ang naging kalat ko sa kuwarto.

Binabaybay ko ang hagdanan pababa nang bigla akong mapahinto. Nadali ko na naman kasi yung package na nakalagay lamang dito sa may paanan. Ayaw kong galawin ang bagay na 'yon dahil alam ko kung kanino nanggaling ang lahat. May laptop na kasi ako kaya naman wala nang pakinabang 'to sa akin.

Ilang sandali pa ay binuksan ko ang kahon upang tingnan kung anong laman nito sa loob. Bumungad sa akin ang isa pang malaking kahon sa loob at ang ilang mga gamit tulad ng mouse, mousepad, flashdrives, at iba pa.

Masasayang lang kasi 'to dahil lahat ng nakalagay ditong gamit ay mayroon na ako. Not unless kung ibibigay ko na lang 'to sa ibang nangangailangan.

Napagdesisyunan ko namang alisin ang kahon na nandito at kunin ang laman sa loob. Ibibigay ko na lang siguro kay Claire 'to dahil alam kong kakailanganin niya din ang laptop. Sayang naman kung hindi magagamit.

Nang nilisan ko ang bahay ay nagmadali akong maglakad papunta sa kanto at sa paradahan. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng masasakyan kaya naman mabilis akong nakarating dito sa tapat ng university.

Nang iabot ko ang pamasahe ay kaagaran akong bumaba. Sumalubong sa mukha ko ang hangin at bumungad sa akin ang entrance nitong papasukan ko.

"Ashawa ko!"

Nagulat na lamang ako sa narinig ko kaya naman inilibot ko ang aking paningin. Tumama naman kaagad ang aking atensyon sa isang babaeng papalapit na tumatakbo sa akin ngayon. Si Claire.

Mabilisan siyang nakarating at agad naman akong niyakap sa may tiyan. Mas matangkad kasi ako kaya ayun, tiyan lang ang abot.

"Sabay lang pala tayong nakarating," bigkas niya at kumawala sa pagkakayakap. Naaninag ko ang kaniyang mukha at siya ngayo'y pinagpapawisan at nakangiti, "Goodmorning nga pala..."

"Okay ka na?" tanong ko, "Wala ng masakit sa'yo?"

Tumango na lamang siya habang sabay na kaming naglalakad papasok.

"Nabigyan na naman ako ng pang-medication kaya okay na okay na 'ko nito," masiglang paliwanag niya.

"Medication? A-anong nangyari sa check-up mo?"

Bakas sa mukha niya ngayon ang pagaalala sa sinabi ko.

"Ano daw... S-sabi, migraines lang..." tugon niya kahit nauutal siya nang bahagya.

A Shift In Time (BXB) (In Time Sequel) (COMPLETED)Where stories live. Discover now