/23/ Touchdown

59 8 1
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE:

Touchdown

ASH

Nananahimik na lamang ako dito sa isang tabi dahil hindi ako natuwa sa ginawa nilang dalawa. Ano na lang ang sasabihin ni Liberty sa amin? Sa totoo lang, naawa ako kay Liberty kanina hanggang ngayon kasi parang hindi talaga tama. Ito naman kasing dalawang 'to, siraulo din eh. Ito namang dalawa kong katabi, gusto ding hindi sumakay si Lib sa sasakyan.

Umalingawngaw sa loob ng sasakyan ang tunog ng isang cellphone na nakakatanggap ng tawag. Una kong tinignan ang cellphone ko pero hindi sa akin... kay Art pala.

Anim na missed calls ang natanggap niya ngunit hindi niya masagot dahil siya'y nagmamaneho. Nakikita ko ditto kung paano ngumisi at pigilan ni Benedict ang kaniyang pagtawa.

"Benedict, pasuyo na nga nung cellphone ko..." pakiusap ni Art.

Nang makuha ni Ben ang cellphone ay tuluyan siyang napatawa.

"Bakit?" tanong ni Art.

"Si Liberty, kanina pang tumatawag," tugon ni Ben kasabay ang mala-demonyong halakhak.

Nakakab'wisit.

Sa huling paggkakataon na tumawag si Liberty ay agad naman itong sinagot ni Ben. Yari ka sa kaniya, makita mo.

"Hello, Art!?"

Inilayo ni Ben sa kaniyang tenga ang cellphone na kaniyang hawak nang biglang marinig niya ang malakas na boses ni Lib. Sinasabi ko sa'yo, yari kayong dalawa.

"Art? Ba't niyo ako iniwan?" naiirita niyang saad.

"S-sorry, Liberty..." bigkas ni Art at mas lalong nagpipigil ng tawa si Ben pero rinig pa din. Ito namang mga katabi ko, walang pakialam.

"Sino yung natawa? Benedict ikaw ba 'yon!? Bakit niyo nga kasi ako iniwan?" mas lalong lumalakas ang kaniyang boses, "Sikip na kami dito ng mga girls!"

"Sana inisip mo muna 'yan bago ka sumiksik dito sa sasakyan namin!" buwelta ni Benedict na pabiro.

"So what? I have the right to choose where I want to go wi-"

Hindi na nakatapos sa pagsasalita si Liberty dahil binabaan na siya ni Ben. Siraulo talaga. Okay naman silang dalawa nitong nakaraan, anong nangyari?

Ilang sandali pa ay lumingon siya sa akin ngunit pinakitaan ko na lamang siya ng masamang tingin. Deserved niya ngayong pagsungitan.

Sa wakas, nabalot din ng katahimikan ang paligid. Nawala na ang ingay ng mga lalaking kasama ko dito. Nakailang ikot at harurot ang sasakyan kaya feeling ko, malayo na kami sa pinanggalingan namin kanina.

"Nasaan na tayo Art?" bigkas ni Benedict habang siya'y may hawak na cellphone, "Nagugutom na 'ko..."

"Kaunting layo pa... Pero kung gutom na kayo, hahanap ako ng mabibilhan ng pagkain," saad niya.

"Sige Art."

"Huwag na!"

Nagkasabay kami ng pagsalita ni Ben at ako naman ay medyo naiinis na talaga sa kaniya. Saan kaya niya nakukuha yung kakapalan ng mukha niya? Nakakaurat. Talagang tinaasan ko na lang din ang aking boses para marinig nilang dalawa.

"Bakit naman Ash?" tugon ni Art.

Aba naman talaga. Nagawa pa talagang makasagot.

"Hindi ba sabi mo, kaunting layo na lang?" seryosong lumabas sa mga labi ko, "Kaunting layo na lang pala naman kaya i-diretso na lang natin," paliwanag ko.

A Shift In Time (BXB) (In Time Sequel) (COMPLETED)Where stories live. Discover now