/13/ Like The First Time

107 11 1
                                    

CHAPTER THIRTEEN:
Like The First Time

ASH

Nang marinig ko si Claire sa kabilang linya ay agad akong tumayo at nagtungo sa isang deck kung saan may maliit at masisilungang bubong. Hindi ko kasi maiintindihan kung nandito ako kasama ng mga lalaking nagkakasiyahan.

"Bie? Naririnig mo ba ako?" Saad niya at kahit papaano ay naririnig ko na ang kaniyang sinasabi.

"Claire, nakauwi ka na ba?" tugon ko.

"Ahhh oo bie, kauuwi ko pa lang..." saad niya at medyo naririnig ko pa din ang lakas ng kanilang kinakanta at pinapatugtog, "Ikaw? Ayos lang ba kayo d'yan?" maamo niyang dagdag.

“Oo naman, maayos naman kami dito…” saad ko at narinig ko sa kabilang linya ang pagtahol ng isang aso. Si Doris yata ‘yon. “Nasusunod din naman po yung reminder niyo po sa akin,” pabiro at mahinahon kong habol.

“Good!”

Habang bumubuhos parin hanggang ngayon ang ulan ay mas lalong lumalamig ang kapaligiran. Wala akong nakikitang mga stars sa kalangitan at tanging pagpatak lamang ng ulan ang naririnig. Bigla naman akong napalingon sa tabi ko nang makita kong may biglang lumapit at tumabi sa kinaroroonan ko. Kahit na ako’y may hawak na telepono at kausap pa si Claire, hindi ko maiwasang mapatingin at mapahinto sa pagsasalita.

Nakita ko si Art. May hawak na gitara at umupo din sa upuan katabi ko.

Napatulala naman ako dahil hindi ko alam ang gagawin. Tahimik lamang siyang umupo habang inaalis sa pinaglalagyang bag ang kaniyang gitara. Hindi man lamang siya lumilingon o tumitingin sa akin.

“Bie?” saad ni Claire, “Hello? Ash?”

“Yes, nandito pa ‘ko,” tugon ko at bumalik muli sa aking ginagawa kanina.

Bigla kong naramdamang humigpit ang hawak ko sa aking cellphone at nararamdaman ko ding namumuo ang aking pawis sa may tainga at sa noo. Kahit malamig, pinagpapawisan ako.

“Bie, kung magiging available ka this week, balitaan mo ako ha,” bigkas niya sa kabilang linya, “Si Mama kasi, gusto na niyang malaman yung mapapagplanuhan para sa birthday ni Clan.”

Sinangayunan ko na lamang ang kaniyang sinabi kahit na feeling ko ay hindi ako magiging libre nitong dadating na linggo. Namove na kasi yung charity concert, kailangan na naming event organizers ng club na mag-isip at matulungang makapag-prepare ang bandang ipapadala ng university.

“Sure Bie, kapag may time ako, I’ll meet you and your mother,” positibo kong sinabi, “Matulog ka nang maaga, maaga yung schedule mo for tom…”

Narinig ko namang ang mahinang tunog ng gitara sa tabi ko. Pinapatama ni Art ang kaniyang daliri sa mga strings habang nakapikit at pinapakiramdaman ang simoy ng hangin. Sakto lamang ang tunog sa ingay ng pumapatak na ulan sa paligid.

“Okay,” saad niya, “Pagkatapos niyo d’yan, uwi ka na din.”

“Bye.”

Nang matapos na ang tawag ay wala na akong magawa kung hindi ang umupo at manahimik. Nakakaramdam ako ng pagkailang at hiya dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko gayong siya na mismo ang lumapit sa akin. Ang hirap tuloy.

Kapag umalis ako dito at nagpunta doon sa mga nagkakasiyahan, baka mainsulto siya at sabihing napaka-snobber ko na. Kapag naman nanatili ako, paniguradong may mauungkat at mababanggit niya ang lahat. Ayaw ko din naman na ipakita sa kaniya na naniwala akong hindi naging totoo lahat nang nangyari sa akin… sa amin.

A Shift In Time (BXB) (In Time Sequel) (COMPLETED)Where stories live. Discover now