Chapter 1: Crossing Paths

Bắt đầu từ đầu
                                    

            Tumabi siya sa bata at nakipagkuwentuhan para malibang ito kahit papaano. Sumasagot naman ito habang nakangiti na mas ikinatuwa pa niya. Bilang isang nursery teacher, isang achievement na lagi para sa kanya ang maka-connect sa mga bata—lalo na kay Alannah.

            “Ah, Alannah, drawing mo ‘to diba?” Pinakita niya rito ang drawing ng deformed na lalaki na tinatawanan niya kanina.

            “Opo.” Nakangiting sagot ng bata.

            “Hmm, siya ang napakahalagang tao para sa’yo?” Tumango ito. “Sino siya? Daddy mo ba?”

            Muli itong tumango. “Si Daddy kasi namimiss ko na po siya.”

            Monic smiled. She felt a little relieved, thinking that kahit na mukhang may problema itong bata sa mga magulang, tinuturing pa rin nitong napakahalaga na tao kahit ang tatay lang nito.

            “Bakit, namimiss mo na si Daddy mo? Nasa malayong lugar ba siya?” Tanong niya pa.

            “Opo!” Tunog na-excite ang bata. “Sumasakay kasi si Daddy po sa airplanes!”

            “Oh?” Matawa-tawa siya sa reaksyon nito. “Nagwo-work ba siya sa ibang bansa?”

            “Yes po!”

            Monic ended up smiling. She just appreciated the hard work of Alannah’s dad. She was also amused dahil mukhang maganda ang relasyon ng mag-ama in spite of him working overseas. Pero na-curious din siya.

            “Eh si Mommy mo naman, nasaan?” Monic curiously asked Alannah. Pero natahimik na ang bata at napaisip.

            “Si Mommy... Hindi ko po alam eh?”

            Why? Monic wanted to ask that pero hindi na niya tinuloy. It felt so wrong. Alannah’s mom seemed to be a very sensitive topic for the kid. Baka mapalungkot at masaktan niya lang ito kapag magtanong pa siya.

            Sighing, yumuko at tinitigan na lang niya ang drawing ni Alannah. Napansin din niya ang oras sa relo niya. Limang minuto na lang pala, mauubos na ang oras na nilaan niya sa paghihintay sa lola nito. Dapat pa ba niyang ubusin ang limang minuto na iyon? O dapat na ba niyang hagilapin at tawagan ang contact number ng parent o guardian nito?

            “Alannah?”

            Monic stiffened when she suddenly heard a man’s voice—a very familiar man's voice.

            There was silence for a few seconds, bago niya narinig na sumigaw ang bata ng, “Daddy?!”

            Nakayuko at nakatitig pa rin si Monic sa drawing ni Alannah, pero naramdaman niya ang pagtalon nung bata para makatayo, at maging ang pagtakbo nito palapit sa gate.

            “Daddyyy!” Alannah giddily screamed.

            “How’s my princess, huh? Na-surprise ka ba sa pagsundo sa’yo ni Daddy? Sorry nga lang pala kung natagalan ako ah. Naligaw pa ako papunta rito eh.”

            Hindi pa rin makagalaw si Monic. The man’s voice made her heart beat so fast in panic—and in pain. Dahil ang boses na ‘yun, ayun ang boses na nagbitiw ng mga katagang nag-iwan ng malaking sugat sa puso niya noon—sugat na dahan-dahan at muling bumubukas ngayon.

            “Uhm, excuse me po.” She heard the man walking closer to her. “Kayo po ba ang teacher ng anak ko?”

            Nilabanan ni Monic ang paninigas ng katawan niya at ang sakit na muling nararamdaman ng puso niya.

            Five years already passed, Monic! Napag-desisyunan mo na ngang hindi na magmahal muli, pero dapat wala na ito sa’yo ngayon. You should be able to face him now, chin up and with a smile! She mentally convinced herself.

            Tumingala nga siya at ngumiti sa lalaki. “No, hindi po ako ang teacher ng anak niyo. But I subbed for their class today.” Sagot na niya rito.

            Nanlaki naman ang mga mata ng lalaki at medyo napanganga. She knew that the man still knew who she was in spite of the physical changes she had gone through the past four years—shorter hairstyle, skinnier body.

            “N-Nix?” The man’s voice was almost inaudible.

            “Yes, it’s me.” Monic managed to make a sweet smile. “Nice seeing you again, Marky." At nagtitigan sila for a while na ikinailang niya. "Ah, huwag mo naman na pala hayaang mag-stay pa nang mas matagal ang anak mo rito.”

            Anak mo—she was hurt by those words she spat out herself.

            “Geez, isang oras na ‘yang naghihintay sa sundo niya eh. You should take her home now.” Yes, she was hurt. Pero hindi niya hinayaang maging obvious ang sakit na nararamdaman niya. Pero hindi na rin niya kayang magkunwari pa. Kailangan na niyang tumakas. “So, bye na. Bye na rin, Alannah. Ingat kayo.” At tumalikod na siya.

            “T-Teka—” Marky was about to stop her, but Alannah cut him off.

            “Daddy! Punta tayo po kay Mommy po!”

            “U-Uhm eh...”

            Napapikit si Monic sa huling narinig niya sa bata. She couldn’t bear it, imagining Marky na may masaya nang pamilya without her in it.

            Binilisan niya ang paglalakad. And instead na sa faculty room, sa classroom na pinanggilangan niya kanina siya bumalik. There she took a seat on one of the small chairs, and she let her tears burst out.

TBC

Love, The Second Time AroundNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ