Chapter 3

22 5 2
                                    

Today is our Intramurals Week. Tapos narin ang mga test namin for 1st grading kaya chill na. Hindi nga lang kami nagkasama sama ng tropa this week dahil nga busy kaming lahat. Dre is busy because of his training. Sere said she's busy because her tita came home from abroad. Lucian is with Gab. Amora's Parents are home kaya hindi siya pwedeng mag gala. And me? Primo and i got closer.


Nandiyan siya lagi, i even wonder sometimes baka naiinis na friends niya dahil ako lagi ang kasama niya.


Buti nalang kamo ay busy sila last week kung hindi ay baka nagselos na sila kay Primo dahil lagi kaming magkasama after class. We always go to his favorite place. Yung park sa village nila. Puro mapuno ito at hindi siya masyadong matao dahil weekdays. We always stay there and talk about things in life. I actually never thought na magakakaroon ako ng bestfriend na nakakarelate sa mga situations ko.





Primo has it all, he understands all of me kahit isang linggo palang kaming nagiging close. We just never talk in school because ka batch niya si Owen. I don't want to see him anymore. I don't want to cry again.




Ngayon nalang kami nagkasama sama dahil naging busy nga lahat. All of us made a banner for Dre. Hindi nga talaga nagsinungaling sila Amora at Sere sa sinabi nilang maggagawa sila ng banner na may picture ni Dre. Pagpasok palang ng School ay tawa na kami ng tawa dahil sa sobrang nakakatawa ng ginawa nilang banner. Nakakita din ako ng mga banner ng ibang mga girls para kay Dre. I almost forgot na famous yung barkadahan namin. Well not me ha, sila lang.






Nagpunta muna kami sa Canteen para kumain, masyado kase kaming maaga sinundo lahat ng kotse nila Amora kaya hindi kami nakapag breakfast. She said na dapat hindi kami malate sa laban ni dre. Kaya heto kami ngayon pa deretso sa canteen para kumain. Medyo maya maya papala ang sched ng laban ni Dre. Hindi naman namin siya makuha sa coach niya dahil kinakausap sila at pinag wawarm up.




I got myself an Afritada with rice and a soda. Habang si Sere naman at Amora ay nag siomai lang, ayaw daw nila mabusog dahil mag checheer daw sila and diet at the same time. Habang si Lucian naman ay Fried chicken with rice and a soda din. Tahimik kaming kumakain ng nagsalita si Amora.






Nagulat naman kami ng nakarinig kami ng mga chismisan ng mga babaeng ka batch namin. Binigyan tuloy naming magtotropa ang isat isa ng tingin. Chismoso well....




"Girl rinig ko may artista raw na nag transfer!!" Pigil ng babae sa pagtili sa kilig





"Ay hala oo nga rinig ko yun yung may ka loveteam diba?!" Sabay hawak ng babae sa kaibigan niya.




"Oo!, yung ka loveteam yung half japanese na sexy?" Gulat na sabinung isa pang babae




"Si Alliah!,Alliah Takahashi!... Wait ano uli pangalan nung ka love team?"




"Bryle bayun?, Bright?" Nagtatakang sabi nung babaeng naka red




"Boba ka Brent kase yun!"Sabay batok nung babae sa naka red.



Source of My EuphoriaWhere stories live. Discover now