Chapter 2

28 4 0
                                    

=============





Nagising ako sa tunog ng paghahawi ni mama ng kurtina ko. Ganun ang pang gising niya sa akin lagi tapos yuyugyugin ako.



Today is Monday, the most hated day of the week naming mga estudyante. Pagbangon ko ay dumiretso agad ako sa banyo para maligo . Buti nalang kamo at sanay ako sa lamig kung sa mga kaibigan ko to ay nagbukas na yung mga yun ng heater.





Pagkatapos  ay dumiretso na agad ako sa dining area namin at kumain. Hindi masyadong maingay talaga pag mga ganitong oras dahil kami lang ni mama ang gising. Pang hapon kase si Euwan, habang si papa ay mamaya pang 7 ang pasok sa trabaho niya.



"Eto na baon mo sa isang linggo" Bigay saakin ni mama ng 1k.



Tumango naman ako at binuhat ang bag ko at umalis na para makapaglakad na. Alam ko para sa iba ay masyadong maliit ang 1k sa isang linggo pero kase walking distance lang naman ang school ko at hindi naman ako pala kain sa canteen. Lagi kaming nasa kila Amora.



Habang naglalakad ay nagpasak nalang ako sa earphones. Ganito lagi ang routine ko, hindi naman ako napapagod sa paglalakad dahil nasanay nako. Hindi katulad ng mga kaibigan ko na may hatid pa.

Habang naglalakad ako ay nagulat ako ng may humawak sa braso ko kaya tinanggal ko agad ang earphones ko at lumingon.







Si Primo.











"Good Morning Phrasia" he yelped. Kitang kita ko rin ang mga ngiti niyang abot tenga. He's always happy huh? Sana all.







"Goodmorning" I smiled back. So naglalakad din pala siya pagpasok? Malapit lang din siguro ang bahay niya.





"Malapit din bahay mo noh?"he guessed and smiled, his dimples showed.

I didn't know he's this bubbly lalo na pag umaga. Ako kase kapag ganito ay parating wala sa mood. Ang sarap matulog sa bahay at manood ng cartoons.



I nodded and gave him a smile.





Nang makarating na kami sa school ay hinarangan niya naman ako. He's to tall kaya d ako makaraan. I'm only 5'3 tho.



"Bye! see you when i see you" He released a smile and wave at me sabay takbo sa opposite direction ng building ko. So mas mataas pala siya ng isang grade huh? Senior ko pala siya.

Pagpasok ko ng classroom ay nandoon na sila Lu,Sere at Amora. Where's dre? He's always late, I'm not even suprised na wala siya ng mga ganitong oras. Siya kasi ang may pinaka malayong bahay. I am so happy na magkaklase kaming Lima. Last year kase ay naghiwahiwalay kami ng section. Nagkakilala kaming Lima nung first year. Chamba talaga na lima kami ngayon na magkakasama. Block section pa so wala na talagang hiwalayan 'to.



Seatmates kami ni Sere pero busy siya sa pangongolekta ng pera para sa mga hindi nag attend nung nakaraang groupings. Kitang kita ko mula rito ang pagka irita niya sa paniningil,napagtripan ba naman siyang gawing treasurer.Absent kasi siya nung elections,'yan tuloy,siya ang napagtripang inominate ng mga kaklase namin. Madadalian daw maningil dahil maganda ang mangongolekta,ang lalakas talaga ng tama.



Umupo nalang ako ng tinabihan ako ni Amora. Hindi pa pala kami nakakapag usap tungkol kay Primo kaya panigurado chichikahin niya ako about dun.

Before she could speak nag smirk muna siya at niyakap pa ako.





"Sis you got the jackpot! May bago kanang bebe!!!" She squeled at pinipisil pa ang pagyayakap sa akin. Sabi na nga ba't binigay niya yung mga socials ko  kay primo para may bago na akong kalandian at hindi KAIBIGAN.




Source of My EuphoriaWhere stories live. Discover now