Pumara ako ng kotse at agad na itinuro ang pupuntahan ko inis kung nilagay sa bag ko ang phone ko...

Agad rin naman akong nakarating..

Ang panget talaga ng ugali nung lintik kung kuya!..

"Kamusta na?" Bungad agad ni Trisha..

"Ayus lang" walang emosyung sagot ko...

Nang makarating ako sa loob ay nasa sofa na sila kanya kanyang pagbabasa ang ginagawa nila..

May nasa sofa. May nasa gilid lang may nakasandal na parang tinatamad.. agad akong sumalampak sa maliit na table at inilabas ang mga reviewers ko...

"Andito kana pala" ani Felex. Tinanguhan ko lang sya...

"Paano ba tuh?" Tanong ni Dianne habang katabi nya si Simon na nagbabasa rin.. agad na tinignan ni Simon ang itinuturo ni Dianne..

"18 ang sagot" usal ni Simon..

"Eh dito?" Tanong ulit ni Dianne matapos isulat ang sinabing numero ni Simon..

"10.35"

"Eh ito?"

"5.21"

Tumango tango lang si Dianne

Halatang Math ang sino solve nya..

Kaya naman inis kung inilabas ang Math na reviewer ko...

Halos mahilo ako dahil wala naman akong maintindihan sa mga tuh ngayun alam kuna kung bakit nag tatanong si Dianne may Simon..

Nag basa nalang ako ng libro...

Hanggang umabot ang tanghalian...

"Nagugutom na ako.. ano bang pwedeng kainin dito Sean?" Usal ni Felex habang nakatingin sa ref.

"Lahat.. pwedeng kainin" sagot ni Sean..

Nagagawa ko silang pakinggan kahit nag babasa ako...

"Sa tingin ko kumain na muna tayo Sean" ani Sheena...

"Utusan nyung mag luto si Mckenzie"

Napalingon ako sa sinabi ni Sean.. Nag angat ako ng tingin sa kanya.. seryuso itong mag ka kruss ang mga braso at naka pandi quadrong upo .

Napapikit ako sa inis..

"Heto nalang kainin natin Chicken.. quack!! quack!!quack!!" Sumasayaw pang sabi ni Felex habang hawak ang pakpak ng chicken..

Agad akong tumayo at kinuha yun..

"Heto...... heto... heto.. heto lahat" sambit nya sa mga hiwa hiwang karne ng chicken.."mmmm yummy" tugon nya pa...

Agad akong nag luto nun kasabay ng kanin na nasa rice cooker at nag luto...

Hanggang sa natapos ako... tinanggal ko ang mga librong nakapatong sa lamesa at inilapag dun ang pritong manok.. kasabay ng kanin at mga pinggan...

Nakalimutan ko yung kape ng señorito ko

Bumalik ako sa kusina habang kumakain na sila.. at nag timpla ng kape hanggang sa lumabas din agad ako..

"Sean" tawag ko at inabot ang kape..
Kinuha nya naman ito..

"Ako wala?" Tanong naman ni Ethan.. siningkitan ko siya ng mata dahil nakaupo na ako ...

My Yaya Is My Girlfriend (  Season 1 )COMPLETEDWhere stories live. Discover now