kabanata 34

503 8 0
                                    


Back to school nanaman. Kasalukuyan kaming papalabas ni Michelle sa opisina ni Dean dahil ngayon namin binigay ang napag-desisyunan namin kung papayag ba kame na sa Sydney na mag-Aral.

Ang gandang opportunity yun para sa amin at imagine ha, may allowance pa every month at sabi pa ni Dean sa amin ay Automatic daw kaming matatanggap sa kung saang kompanya kame papasok specially sa top company all over the world. I don't want to let go of this opportunity, really...

Nasaan na ba si Neiji?. Natatawa parin ako kapag naiisip ko yung itsura niya nung andun kame sa Unit niya. Kina-umagahan kasi ay mas-nauna akong magising dahil nakasanayan ko na at naligo't nagbihis na ako para MaAgang maka-uwi and i made our breakfast together. Wala namang kaspesyal spesyal sa nilito ko dahil fried rice lang naman atsaka omelette at nagprito din ako ng beef loaf then naglagay ako ng smiley ketchup sa omelette. Nang lumabas ito sa kwarto ay bagong ligo na ito at nakangiti nanaman ito na saAkin niya lang pinapakita pwera na lang sa Mama niya at kina Rohan. We ate breakfast after that and he told me na Maganda daw magising sa umaga kapag ako ang masisilayan niya sa kusina. He praised my cooking skills na walang wala naman sa klase ng pagluluto nito. He's so handsome as ever kaya pinisil ko ang pointed niyang ilong and i didn't expect na mag pout siya. O.M.G he really pouted his adorable lips! Ang kyut kyut talaga ng boyfriend ko.

"Good afternoon pres"

"Good afternoon..." Bati ko rin sa babaeng binati ako habang naglalakad dito sa Oval. Tatanawin ko lang ang room nina Neiji baka may klase pa ito kaya hindi mahagilap ng mata ko.

"Langya ka Unggoy!!! Ibalik mo sa akin yaan!!!!!"

That voice is very familiar to me at tama nga ang hinala ko. It's Euna habang hinahabol si Rohan sa Building nila habang may hawak itong notebook na sa tingin ko ay kay Euna iyon.

Even thou Euna is My best friend and Rohan is a Friend to me ay kailangan ko silang sawayin sa ginagawa nila.

Pumunta ako sa Building nila at kasalukuyang nasa second floor na sila kaya pumanhik pa ako sa hagdan at saktong tumatakbo si Rohan papunta sa akin at nang makita ako ay napatigil ito sa pagtakbo.

I'm wearing my President look na Alam na Alam ng mga studyante rito.

"M-Miss president!" Saad ni Rohan at nang dumating naman si Euna na hinahabol ang hininga at base sa expression ng mukha niya ay inis na inis ito. Pero ng mapatingin sa akin ay nanlaki rin ang mga mata niya at tumayo ng maAyos saka naiilang na ngumiti sa akin.

Isa pa sa gusto ko kina Euna at Emma ay hindi sila yung klaseng tao na porke't kilala nila ang president or Best friend nila ako ay hindi nila iyon ipinaglalandakan at sinusunod nila ang gawain ko, responsibilidad ko bilang president. Iba ang pagsasama namin kapag class our pa at andito kame sa campus. Kapag alam naman nilang wala akong ginagawa ay saka naman nila ako kinukulit.

"P-president!!"

"Kung maghahabulan kayo, duon kayo sa labas nitong building kung may activity kayo na required na tumakbo pero kapag katuwaan lang ay hindi ko kayo mapapahintulutan. Warning niyo ito. Sana ay huwag na masundan pa" saad ko sakanila na kinangiti lang ni Rohan habang si Euna naman ay nakanguso sa akin. Hahaha.. She's like an angel na bumaba sa lupa. Ang ganda niya lang, kaya hindi ako magtataka na magustuhan ito ni Rohan, ganito pang nagkaka-inisan silang dalawa.

"Yes Miss president!!--you heard that Babae?!.. Kung itong si Miss president ay isang tigre, ikaw naman ay isang Cheetah na nakawala sa bundok!!" Saad ni Rohan kay Euna na ngayon ay nanlilisik ang magaganda niyang mga mata. Kahit galit ito ay mas nagagandahan lang ako sa kaniya ahahaha...

"Kung si Domenic naman ay isang kuwago, ikaw naman ay isang unggoy! UNGGOY KA!!" Saad naman ni Euna kay Rohan.

Tama nga ang sinabi ni Neiji. They're like Tom and Jerry na walang ginawa kundi ang mag-away.

You Are Mine Miss PresidentWhere stories live. Discover now