kabanata 1

2K 30 0
                                    

"Let us all welcome! Miss Goergia Paz Quimby as a new SSG PRESIDENT!!!!"

Malakas na sigaw ni michelle habang ito ay patakbong umalis papuntang backstage. Well... Hindi na ako magtataka kung bakit.

Halos mabingi ako sa lakas na sigawan ng Lahat ng estudyante sa harap ko. Nangingibabaw ang pagtutol na sigaw ng mga kalalakihan kesa sa mga kababaehan na nagsusumigaw at nagpapaluan at kamuntikan pa ako matawa nung makita ko na sinabunutan pa nito ang kasama dahil sa saya.

This is the first time na magkakaroon ng president na babae dito sa buong campus. Palagi nalang kasi lalaki ang namumuno sa paaralang ito at masasabi ko nalang na kinakawawa nila ang mga kababaehan.

By the way highway! Ako nga pala si Georgia Paz Quimbly. I8 years of existence. 4th year college in M.U or mas Kilala bilang Memorial University.

Freshmen palang ay nasaksihan ko ang kalupitan ng mga lalaki na estudyante rito sa mga kababaehan dito. Masyado nila silang pinahihirapan kasi nga Walang Kwenta! Ang mga SSG sa panahong iyon, sila pa ang kauna-unahang manggugulo. Kung ano yung iutos sayo kelangan mo nang sundin or else they will do something crazy, at ang malala dito ay walang pakeAlam ang may-ari nito. Ewan ko ba sa trip ng Dean at sa principal pati narin ang mga teachers dito, hindi manlang nila ma handle ang mga estupidyante dito. Buti nalang at wala ni isang nagpahirap sakin o nag-utos manlang dito. As in No One! Si Emma at Euna nga ay nakatikim ng kalupitan nila eh. Pasalamat nalang ako at hindi ako nasali.

Let me tell you kung gaano ka Unique ang paaralang ito na kahit may naaapi ay hindi parin sila umaalis dito.

Ang Memorial University ay naiiba sa lahat ng paaralan dito sa buong mundo dahil sa rasong DI USO ANG KURSO DITO!. Wanna know why?. Dahil nangyayari dito ay General Academic sila kung magturo at hindi mo masasabi na kapag 4th year college ka  ay gagraduate ka na. It's a big NO. No no!. Dahil sa M.U. ay kelangan mo munang umabot sa 6th year college para maka graduate. Wala kayo'ng maikukumpara kung gaano kahirap ang mag-aral dito.

One of the reason kung bakit wala ni-isang nag-transfer sa ibang school is required ang school na ito sa malalaking kompanya sa buong mundo at kung makagraduate ka ay on the spot ka ng makakakuha ng trabaho at ang maganda pa duon ay ikaw na ang bahala mamili sa mga sikat na kompanya dito sa mundo.

Ang ikalawang rason ay ang panlabas anyo ng mga tao dito. Ang dami daming magaganda't gwapo sa paaral na ito to the point na minsan ay inaabangan pa ng ibang school ang mga estudyante rito. Ang malala ay embes na lalaki ang mag-abang o tumanaw sa labas ng gate ay BABAE! Maraming nagkakandarapa na makapasok dito dahil kelangan mo munang umatend ng exam na 1000 items. Yes! 1000 items! And the passing score is 850! Ohsha? Ang hirap. Natandaan ko bigla ang nakuha kong score. Hindi naman mataas mga 989 lang naman. Bwahahahaha Yabang! Sinubukan ko lang naman yun nagbabakasakali lang ako na makapasok dahil nung una impossible sakin iyon. Rinig ko kasi nung highschool pa ako na halos mayayaman ang nag-aaral dito at lahat matatalino daw. Nang marinig ko ang MAYAMAN ay nawalan na ako ng pag-asa dahil wala naman kami'ng pera na maibabayad sa tuition fee but no! Pasalamat nalang ako sa tatay at nanay ko na minanahan ko ng katalinuhan kung kaya't libre ako ng tuition fee.

Kung nagsusumikap ako mag-aral nung highschool ako na halos wala ako'ng sinasalihan na event upang mag-aral ay na times three na ngayong dito ako nakapag-aral at imagine, umabot ako ng 4th year dito. Isa ko pang dahilan ay dahil nga sa nasaksigan ng dalawa kung mga mata ang kalupitan ng mga lalaki sa babae ay upang pamunuhan sila kahit na impossible ay naging posible saakin dahil sa pagkuha ko ng awards every year, kaya nakikilala ako ng mga tao.

Naging sip-sip pa ako sa mga teachers para lang makamit ko iyon. At mas ginanahan ako at ginawa ko na lahat ng makakaya upang maging president dito dahil may 10,000 Allowance every months ang mga SSG member at ang President ay 15,000. See?

Pangatlong rason ay ayoko na inaapi ang nga kababaehan na para bang pinapamukha nila saamin na ang nga babae ay mahihina. Sapatosin ko sila eh.

Muntik ko na pala makalimutan. Last year ako nanalo bilang president ng campus. As expected lahat ng girls ay nag vote sakin except ang boys na walo lang. Thank you sakanila kahit papaano na appreciate ko yun haha.. At syempre hindi ako mananalo dahil karamihan dito ay boys ngunit nakuha ko naman ang loob ng mga teachers lalo'ng lalo na ang Dean na si Mrs. Gordove. Magandana't mabait pa! Hahahaha.....

Ang saya lang balikbalikan ang ala-ala nung tawagin ang pangalan ko sa entablado kasabay ng trono ko. Bwahahaha....  Masayang pinagkokompara ko ang noon na lalaki ang president at last year hanggang ngayon na naging ako. Masasabi ko na ang laki ang nagbago.

Nawala ang rambulan.
Ang pang-aapi.
Ang pang b-bully ay paminsan nalang. Hindi pa malala.
Naging malinis ang paligid.
Wala ng nag-yoyosi dito.
Or worst ay nawala ang panunuod ng alam niyo na ying sa boys issue.
Focus lang sa pag-aaral.
Walang tatambay tambay sa oras ng klase.
Basta! Nag-improved kaya nga malaki ang pasasalamat sakin ng mga guro especially si mrs. Gordove.

In other words-----(splasshhhh!!!!!sound effect yan ng natabuyan na tubig. Arf arf)

Juicecolored!!!! Umagang umaga sasakit yung ulo ko.

Salubong ang kilay na tinignan ko ang kotse na kung makaharurut ay para bang nakekepag karerahan. Nabasa tuloy ang uniform ko!

Yes! May uniform din kame. White blouse and skirt na above the knee na kulay black at malaking red ribbon tie na pinarisan ng black coat for girls. And White long sleeve, black necktie, black pants at coat din na black.

Napatingin ako sa suot ko na may brown stains sa skirt ko at konting talsik sa white rubber shoes na suot ko. Dibale pupunasan ko nalang ito at saka meron naman ako'ng isa pang uniform sa locker ko. Hutangyena lang.

"Magandang umaga mang tonyo" malaki ang pagkakangiti ko na binati ang guard namin dito sa gate. 1rst year palang ako ay andito na ito. Aside from my 2 best of friends at sa nakababatang kapatid ko na si Camilla Yaz at sa nanay ko na si Peony siya ang palaging sumusuporta sakin nung bago palang ako tatakbo bilang president. Kapit bahay lang din namin si mang tonyo.

"Oh george! Magandang umaga rin, umagang umaga may dumi na yang skirt mo"

Ito namang si mang tonyo yung skirt ko pa yung napansin ko hindi yung ganda ko. Chaar

"Ahihihi... May emergency po kasi yung nakatalsik sakin kaya ganito"

"Osha sha pumasok ka na at marami kapang responsibilidad sa loob---bumili ka ng bisekleta mo para hindi ka nahihirapang maglakad palasok, ang layo layo pa ng building niyo-----mayayaman nga naman"

Oo nga pala sa yaman ng may-ari nito ay mahihirapan ang mga kagaya kung walang kotse maglakad bago mo marating ang buildings ng paaralan na ito. Dibale pag-nagkapera ulit ako saka ako bibili kung walang pagbabayaran..

"Salamat mang tonyo dibale kering-keri ko naman" saad ko rito saka patakbong pumasok.

Grabe para ako'ng nasa malaking park na may mga magaganfang puno at bulaklak sa palogid ko ang sarap ng simoy ng hangin dito.

May cemento na daanan dito at sa magkabilang gilid ay lahat Bermuda grass at puno na maliit na pinabilog yung dahon ah basta iba't ibang shape.

Hingal ako'ng dumating sa locker ko at kinuha yung spare uniform ko saka pumasok sa girls comfort room at nagbihis.

Pagkatapos ko ay inayos ko yung mataas na itim ko'ng buhok tinali ko nalang para madali.

7:56 am palang 12 pm pa yung pasok ko. Kung hindi ko nababanggit may sarili palang opisina ang SSG member at duon yung punta ko. Every day ganito ang nangyayari sakin.

"Good morning pres!" Bati sakin ng 3 babaeng studyante.

"Magandang umaga rin sainyo"bati ko rin sakanila.

Lahat ng nadadaAnan kong girls binabati ako sa boys naman minsan lang madalas pinagtataguan ako. Ewan ko ba sa mga yun.

You Are Mine Miss PresidentWhere stories live. Discover now