kabanata 16

303 10 0
                                    

5 am pa lamang ay andito na ako sa school kasama nina Jason, Michelle at iba pa naming kasama. Pati na rin ang ibang studyante na hindi tumutulong sa paghahanda ng bawat room specially lahat ng club sa gaganaping event this coming week. Halos lahat ng studyante ay busy ngayon sa pag dedesinyo sa boot nila in every one room.

Mabuti nalang at inaprobahan ni Dean at iba pang mga professor na half day lang lahat ang pasok ng mga studyante simula ngayon at next week para sa malaking paghahanda ng mga baguhan at pag-recruit ng every club nang bagong members.

Sa building 1 kung saan ang regular room namin ni Jason ay Disney cosplay ang napili. Maganda naman iyon para ma entertain naman sila. Pero syempre hindi kame kasali ni Jason at ang member ng SSG dahil may tungkulin kame na dapat isagawa, lalo na ang team patrol. Nag-aAlala ako sa kanila na baka mapagod sila ng husto. Marami rami pa namang Baguhan ngayon kesa last year.

8,012 ang nag attend at ang pasado sa kanila ay 719 students.

At ngayon naman ay 15,467 total students na nag exam at 6,234 students ang pasado.

Na post na ni Michelle ang passers sa gate kani kanina lang at Alam ko na dudumugin iyon mayamaya ng lahat nung studyante na nag exam.

Natutuwa rin ako na pasado rin sina Ace, Ian, Jackson at Gernan. Dadagdag pa ata sila sa problema ko. Medyo makukulit ang nga yun lalo na si Ian.

Medyo marami rami kame na maglilinis ng paligid dito lang sa malapit.

Karamihan sa kanila ang nakahawak ng walis tambo, ang iba naman ay dustpan, at sako na paglalagyan ng basura. Naka Maroon T-shirt ang lahat ng studyante na may print na M.U sa likod. At black jogging pants saka Maroon na varsity jacket kung saan naka sulat sa likod ang apelyido mo. Ganun rin ang suot naming SSG member pero hindi talaga mahihiwalay ang logo na "SSG M" na palaging naka lagay sa Braso namin.

Naka black sneakers ako at tinali ko na rin yung buhok ko dahil segurado akong maiinitan ako.

Si Jason na ang nagpiwanag sa kanila kong saan lang kame maglilinis at nagpaAlala na huwag masyado magpapakalayo at Mag-ingat. Saka na kame pumunta sa labas upang mag-simula.

Pinupulot ko ang lahat ng nakikita kong basura at nilalagay sa sako na hawak hawak ni Michelle.

Lahat ng madadaAnan namin, mapa tao na naglalakad man o naka sakay ay napapatingin pa rin saAmin. Meron ding bumabati saAmin at nagpapasalamat na kinangingiti ko lang.

At 10:12 am na ng matapos kame at makabalik sa loob ng school. Kitang kita ko ang pagod sa bawa't isa at yung iba ay namamahinga sa bench at ang ib naman ay umiinom ng tubig.

Na-uhaw tuloy ako.

Pumunta muna ako sa stage ng Oval na nakalagay sa gitna at tumulong sa pag decorate pagkatapos ay sa paglagay naman ng mataas na iba ibang kulay na parang bandila saka tumulong rin sa iba't ibang boot pati na rin saAmin at ng mapadaAn ako sa room 21 kong saAn naroon sina Domenic ay busy rin sila sa paghahanda pero pansin ko lang hah, bakit wala rito ang tatlo? Hindi ko naman sila napansin na sumama sa community service. Gusto ba nilang ma fail sa professor nila at wala sila rito? Aba! Nagbubulakbol ata ang mga iyon.

Napapa-iling nalang ako na umalis duon at pumunta sa office saka bumungad sakin ang nakakalat na papeles sa lamesa ko.

Inayos ko pa ito pati na rin ang buong room. Nag map pa ako pati na rin sa labas hanggang sa maisipan kong e' map nalang lahat ng first floor at kanina pa nagsisipag-unahan mahulog ang pawis ko.

Lunch time na at pinuntahan ako nina Emma saka Euna at umakuat ulit kame sa Rooftop saka duon nagmamadaling kumain. Wala kaming dapat oras na sayangin.

"Hindi ka na Open saAmin mareng Goergia" biglang sambit ni Emma habang papababa pagkatapos naming kumain.

"Bakit mo nasasabi yan?" Tanong ko naman rito habang minamasahe ang braso ko

"Hindi mo sinasabi samin na may namamagitan na sa inyo ni Pareng Steinberg"  Ang nararamdaman kong sakit sa braso ay bigla nalang nawala at halos umakyat lahat ng dugo ko sa ulo.

"Ano?!! Nahihibang ka na ba?!"

"Yiieeee huwag mo na e deny, napatawad ka na namin. Ang sweet niyo lang sa clinic-----hindi mawala sa isip ko kung gaAno ko nakita sa mga mata nito ang pag-aAlala" si Euna.

"At dahil may bantay ka na naman kaya pina-uubaya ka na namin sa kaniya hahaha------ nakakarinig ako ng Wedding bell--yiiieeee" si Emma at sabay pa silang tumili ni Euna.

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok at tinignan ko ang mga taksil kong kaibigan na magkatinginan at handa na sana akong hawakan sila ng bigla nalang sila magtatakbo papalayo.

Putragis!

Makapag hilamos nga at magbibihis na rin ako ng uniform. May klase pa ako ngayon saka report kelangan ko ng maghanda.





4:10 pm na ng matapos ang klase namin at halos hindi ako makatayo dahil sa pagod.

Gustong gusto ko na talaga magpahinga. Feeling ko anytime ay mawawalan ako ng lakas.

DumaAn muna ako sa room at tumulong sa paglagay ng curtains at kamuntikan pa akong mahulog sa upuan kung hindi lang ako naAlalayan ng isa sa classmates ko at saka sinabi sakin na magpahinga nalang dahil kayang kaya naman daw nila ito.

Walang lakas akong naglakad papuntang Dean's office saka umakyat at binuksan ang pintuan sa rooftop saka ako pumasok at umupo sa lapag saka ko sinandal ang likod ko sa pader. Ilang minuto pa akong nag-isip at dinadala na ng antok.

Naramdaman ko nalang ang pagbukas ng pintuan at ang paglapit ng kung sino saka ko ito naupo sa tabi ko at hindi na ako nagmulat ng mata dahil antok na antok talaga ako. At naramdaman ko nalang ang paglagay ng ulo ko sa balikat nito at sa mabangong amoy palang ng taong ito ay kilalang kilala ko na kung sino ito.

Saan ka naman nagpunta at bakit ngayon ka lang....






"Hard headed
...................................prez"

Bulong na saad nito saka ako tuluyang nakatulog.


---------------------

Vote!

You Are Mine Miss PresidentWhere stories live. Discover now