kabanata 3

682 24 0
                                    

"Neiji?!" Wala sa sariling sabi ko. Natutop ko ang bibig saka umayos ng tayo.

So all this time, siya ang nakatalsik sakin pero ni hindi manlang humingi ng paumanhin. Sabagay si Leonardo Neiji Sternberg pala itong kaharap ko.

Tumataas na yung coffee brown niyang buhok, makinis at maputi mas matangkad ng konti kay jason, makapal ang kilay, matangos ang ilong at heart ship na manipis na mga labi na mapulapula pa. Ang mga mata nito ay kulay asul at may makapal at matataas na pilik mata. May konting bangs ito na nakagilid lang. Maganda ang pangangatawan.

"Staring is rude" ngising saad nito at napapahiya naman ako'ng napaiwas pero binalik ko rin ulit ang tingin dito at kumunot ang noo ko ng bumalik nanaman ito sa pagiging seryoso.

Huwag ka hindi kita titingalain dahil matangkad din ako noh 5'8 ang height ko.

"Ilang beses mo gusto mapunta sa disciplinary room?" Tanong ko saka naglakad papalapit sakanya habang napapakapit sa leeg.

Pagod ako kaya wala ako sa mood makipag-away , base sa expression niya ngayon para na niya ako'ng kakainin ng buhay. Ano'ng problema nito?

"Go home early. If you have a work here, you can continue it tomorrow." Sabi nito.

Teka teka teka nga lang! Ako ba'y pinagsasabihan ng lalaking ito? Di porke't magkakilala kame ay uutosan niya ako.

Yes! We know each other since highschool. Hindi kame pareho ng pinag-aaralan at mas lalong hindi kame magkaibigan. Kilala lang ng mama ko ang mama niya dahil ang mama nito ay maganda ang loob at minsan nagpapakain sa bayan namin. Kung alam ko lang nung una na dito pala ito nag-aaral ay di sana sa iba nalang ako nag-aral.

Minsan lang kame magkita kapag may event sa bayan dahil nga mahal ng mommy nito ang barangay francisco sa dating tirhan namin pero ng mamatay si papa ay umalis na kame duon total mag c-college naman ako.

Highschool palang talaga ako ayoko na sa mga lalaki na nang-aapi ng babae lalo'ng lalo na iyan.

Sariwa pa sa Ala-ala ko nung birthday party ko na ginanap sa bayan at sakto'ng pag-ihip ko nung kandila ay ang pagtulak sakin dahilan ng pagkasobsob Ko sa cake na dapat ay kakainin. At iyon ay walang iba kundi si Neiji.

Hindi naging madali sakin nung 1st year college ako dito dahil sakaniya. Palagi nalang sumusulpot sa kung saan, kagaya nalang ngayon. At kung magsalita parang kaniya naman ito. Tsk

"Huwag mo ako'ng pangaralan, Uuwi ako kung kelan ko gusto" inis na talagang sabi ko dito na kinakunot ng noo niya.

"Don't be stubborn Paz"

Aba't! Close ba kame para tawagin niya ako sa palayaw ko?

Napabuntong hininga nalang ako at tinalikuran siya.

"Tara na jason" tawag ko kay jason habang nauna ng maglakad. Maganda talaga maglakad pag gabi may mga ilaw nama dito kaya okay lang, ang hangin ay medyo malamig pero sakto lang din. Ang sarap matulog pag ganito.

Natanaw ko si mang tonyo sa taas, may bahy bahayan siya duon sa tapat nung gate.

"Mang tonyo, mag-iingat ka sa pag-uwi" saad ko rito ng makatapat kame ni jason sakanya.

"Kayo rin. Ginabi nanaman kayo, dahan dahanin niyo ha, mahalaga rin yung kalusugan" sabi rin nito samin at nakita kung may pinindot siya upang mabuksan ng malaki yung gate at di nagtagal ay dumaan yung kotse ni neiji. NagpaAlam na si jason na mauuna na. Iba kasi kame ng daanan kaya dito kame naghihiwalay.

"Ayy! Juicecolored!" Tili ko ng pagtalikod ko ay bumungad sakin si neiji na nakasandal sa kotse nito habang nakatingin sakin.

Parang tanga naman ito! Nanggugulat pa. Bakit hindi pa to umuuwi? Paki ko ba? Tsk.

Nilagpasan ko lang ito at nakarinig ko nalang ang pag andar ng kotse.

Weird. Hindi ko talaga maintindihan ang trip nun.

Teka nga sinusundan ba ako nito?

Tumigil muna ako at ganun rin ito. Baka assuming lang ako. Nagpatuloy ako at ganun rin ito, uuwi na ata.

Naramdaman ko'ng nag-vibrate yung selpon ko sa bulsa ng coat ko na nakatali lang sa bewang ko.

From; bunso

Ate, asan ka na?

Nalimutan ko pala i text sila mama na gagabihin ako ngayong araw.

To; bunso

Pauwi na me.

Binulsa ko ulit ito sa coat ko at nagulat nanaman ako ng makita ko ulit si neiji na nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa naman ay nakapatong sa kotse nito.

Yung totoo anung trip ng lalaki'ng ito ngayon?

"I forgot to tell you something" tinaasan ko lang siya ng kilay habang hinihintay ang gusto nito'ng sabihin.

"Take it easy. You might fall for him. Remember.......... Yam prez" saad nito saka nginisihan ako at pumasok sa kotse nito at umalis na.

Hanudaw? Lakas mangtrip ng isang iyon. Fall for him? Kanino naman, kay jason ba? Bwahaha nagpapatawa lang ata yun.



"Andito na ako!" Sabi ko pagkapasok ko ng bahay. Hindi gaano kaganda ang bahay namin. 2 storey lang. Sa baba ang sala, kusina at CR. Sa second floor naman ay 3 kwarto. Isa kay mama, kay camilla at ako. Dalawa lang kaming magkapatid lahat babae. Buti at mahilig ako sa martial arts na kahit lahat kame babae ay gagawin ko ang lahat maprotektahan lang ang mama at kapatid ko.

"Ate pakitawag lang si mama sa kwarto niya, kakain na" bilin ni camilla sakin.

Pasalamat nalang ako at hindi tamad ang kapatid ko. Saludo ako jan dahil may part time job kahit 4th year highschool lang ito.

Ganyan rin naman ako noon pero na focus ako ngayon dahil kasali ako sa SSG dibale may Allowance naman.

"Mama, kakain na daw" sabi ko habang nakadungaw sa kwarto nito. At nakita ko ang masipag ko'ng ina na maytinitignan sa laptop nito.

"Ma" tawag ko ulit dito.

"Oo anak, baba rin ako" sabi ni mama habang patuloy na nagbabasa.

Hayy... Naging workaholic si mama simula ng mamatay si papa dahil sa cardiac arrest. Nag o-opisina si mama sa city hall, at kahit papano ay nakukuha ang kelangan namin.

Even thou walang lalaki samin, malalakas naman kame, lalo na ang mama ko dahil nabuhay niya kame ng mag-isa. That's why, i don't need a prince or Knight in shining armor.

Naligo na ako at nagbihis ng pang bahay saka bumaba upang kumain.

"Salamat sa pagkain!" Sabi ko at uminom ng tubig.

"Magpakabusog ka anak, namamayat ka na." Sabi sakin ni mama habang hinahawakan ang kamay ko na para bang mini measure niya kung gaano ako kapayat.

"Hindi naman payat si ate mama, saka ang sexy nga eh, nakita ng mga kaibigan ko ang larawan ni ate at sabi nila mukha daw na living barbie si ate. Maganda daw ang lahi natin." Saad ni camilla.

Hanudaw? Living barbie, natawa naman ako jan. Namamalik mata lang ata sila.

"Osha, matulog na kayo, maaga pa ang pasok niyo bukas. At ikaw naman goergia, huwag pabayaan ang kalusugan. Aanhin ang pagtatapos ng kolehiyo kung nagkasakit ka naman."pangangaral ni mama na tinatanguan ko lang.

Pumunta na ako sa kwarto saka nahiga. Waah.... Ang sarap talaga matulog.


-------------

Vote!

You Are Mine Miss PresidentDove le storie prendono vita. Scoprilo ora