23. Unexpected Guests

Start from the beginning
                                    

Hinila kami ni Lemon sa paglalakad habang wala kaming lakas ni August na pigilan siya.

"Ay! Alam niyo ba? Nalaman namin na hindi raw sasali ang mga Avelites ngayon. In fact, wala raw ni isang sumali na guild galing sa Nocturne Academy. Hm, bakit kaya? Siguro ay-"

Huminto sa pagsasalita si Lemon at agad kaming hinarap. Nagkasalubong ang dalawang kilay niya nang tignan kami.

"Hoy! Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa?" nakasimangot na sambit niya nang mapansin na hindi pa rin kami kumikibo.

"Ano, nakita niyo lang ang Spiders nagkaganyan na kayo-"

"They're here."

Nahinto si Lemon sa pagsasalita nang biglang sumingit si August.

"The Deities are here."

There was a sudden silence. Tila nagbago ang ekspresyon ni Lemon sa narinig.

Ang Deities ba na tinutukoy ni August ay sina Aqua at King? Iyon ba ang guild nila?

"No wonder why Xilah is here. Nakapagtataka kung bakit siya nandito kung walang guild ang sumali sa Nocturne Academy."

"Iyon pala ay merong sumaling isa."

The atmosphere suddenly changed. Bigla na lamang naging seryoso ang mga ekspresyon ng mga kasama ko.

Gano'n... ba talaga ka-big deal ang mga dumating?

"P-Pero hindi ko maintindihan. H-Hindi ba katulad natin ay hindi rin sila sumasali sa event na 'to?" naguguluhang tanong ni August.

"B-Base rin sa narinig ko ay pito lamang silang sumali," dagdag niya.

Nabigla si Lemon sa sinabi ni August. "P-Pito?" hindi makapaniwalang sambit niya.

Agad na nag-isip nang malalim si Lemon. Kahit si August na nasa tabi ko ay gano'n rin. Habang ako ay naiwang nakatingin sa kanila. Hindi ko alam kung anong meron sa guild na iyon.

"It doesn't make sense kung bakit sila pumunta rito ng hindi kumpleto kung gusto nilang manalo," panimula ni Lemon.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"W-Why?" tanong ko.

Kung gano'n lang din naman kalakas ang mga myembro ng Deities ay wala akong nakikitang problema na pito lamang silang sumali. I think they're more than enough.

"Scarlet, unlike us, mga estudyante mismo ang pwedeng pumili ng mga guild sa Nocturne Academy," pagpapaliwanag ni Lemon.

"And Deities is not just an ordinary guild. Iba't ibang klase ng mga gifted ang mga kasali dito."

I kept my mouth shut. Mukha nga. Lalo na no'ng nakaharap ko ang dalawa pa lang sa mga myembro nila.

"Kung gusto nilang manalo rito. Sa umpisa pa lang dapat ay sinama na nila ang lahat ng myembro nila. Just like what I've said. Wala ng ibang sumaling guilds galing sa Nocturne Academy. That means, sa kanila lang nakasalalay ang reputasyon ng school," muling sambit ni Lemon.

"Unless malaki ang tiwala nilang mananalo sila ng pitong myembro lang," pagsisingit naman ni August.

Napaisip ako nang mabuti sa sinabi nila. They have a point. Kung kabilang ako sa guild nila ay gusto kong kasama lahat ng myembro kung gusto kong manalo.

Pero bakit sa rami ng members nila ay pito lamang ang sumama?

Para sa thrill? Para magpakitang gilas? Or?

"Or, there is another reason why they joined the event," seryosong sambit ni Lemon.

"Ano naman-"

Hindi na naituloy ni August ang sasabihin niya nang tumunog ang isang malakas na bell. Natigilan ang mga tao rito sa mga ginagawa nila.

"Okay, participants! Kindly go to your respective blocks please! The first round will be starting in 5 minutes!"

Pare-parehong nakuha ang mga atensyon namin sa narinig namin sa speaker.

"Tsk, we don't have a time to think about them. As long as wala tayong kinalaman sa ginagawa nila," ani ni Lemon.

"Mag-focus muna tayo sa event ngayon. Make sure to advance in the next round," dagdag niya.

Pareho kaming tumango ni August sa sinabi niya.

"Good luck, my juniors." She smirked.

Kasunod n'on ay ang paghihiwalay naming tatlo. Dumeretso kaagad ako sa block na napuntahan ko.

Tama si Lemon, wala kaming oras para intindihin ang ibang guild.

Ngayon ay kailangan muna naming manalo.


Lunar Academy: School For The HuntersWhere stories live. Discover now