Chapter 19

564 49 4
                                    

~~~~
Everything in the spaceship were floating. Drago and Bryan tried to stop the force but failed.

Sumalubong sa kanila ang itim na itim na mga mata ni Kianna. At ang lahat na mga nakalutang na gamit ay unting-unting natutunaw. Nakikita nila ang kapangyarihang lumalabas sa mga daliri ni Kianna. Sobrang takot ngayon ang kanilang nararamdaman.

Isang iglap lamang ay sakal sakal na ni Kianna ang sariling ama.

"K-Kianna..." nasasakal na sambit ni Bryan habang nagkakawag.

"You lied!" sigaw ni Kianna at humangin naman ng malakas.

"P-patawad!" takot na takot na sambit ni Bryan. Nagtataka ito kung paano nalaman ni Kianna na nagsisinungaling siya.

"Tell me the truth before I'll kill you." madiing wika ni Kianna sa nakakatakot na boses. Halos malagutan ng hininga si Bryan kundi lang siya tumango. Binitawan ito ni Kianna at napapaubo naman si Bryan habang naghahabol ng hininga.

Ngunit bigla na lamang ngumisi si Bryan at tumawa ng malakas. "Did you know what I did to your unfaithful mother?"

Sinamaan naman ito ng tingin ni Kianna habang nakakuyom ang mga kamao.

"I killed her. Hahahaha"

Kianna gritted her teeth and clenching her fist.

"But, can you believe that? She forget about you and she only remember that assh*le Amaro." bigla naman nawala si Bryan at isang iglap lang ay sakal na nito si Kianna. Naghahabol naman ng hininga si Kianna dahil sa higpit ng pagkakasakal nito sa kanya.

"Ikaw. Ikaw ang bunga ng pagtataksil ni Leanna at Amaro. Pasalamat ka at hindi kita pinatay noon. Pero papatayin kita ngayon." nangingilid naman ang luha ni Kianna sa narinig.

Napatingin siya sa mukha ng lalaking kinagisnang ama niya. Kaya pala wala siyang nakuhang kahit isang features nito dahil hindi niya ito tunay na kadugo.

Napaigik naman siya ng bigla siyang sinikmuraan ni Bryan. Napaubo siya at sumuka ng dugo. Hindi pa siya nakabawi ng sinuntok muli siya nito at napatalsik siya sa pader. Ng makabawi ay pinahid niya ang dugong nasa gilid ng labi niya at dinura ang dugo na nasa bibig.

Nakita niyang nagpalabas ng isang red ball na kapangyarihan si Bryan. She smirked. Ngayong nalaman niyang hindi niya ito kadugo ay hindi na siya magpipigil sa sariling patayin ito. Nagpalabas siya ng isang electric ball sa dalawang kamay. Pinalaki niya ito pero bigla siyang tinira ni Bryan ngunit agad siyang napailag at ang pader ang tinamaan nito. Dahil sa pwersa ay yumanig ang buong spaceship at nabutas ang pader.

Dahil sa gravity ay lumutang silang lahat.

Nakawala naman sina Drago at Alileo sa pagkakadikit sa isa't isa at dahan dahang umalis habang kumakapit sa gilid ng pader habang naglalaban sina  Bryan at Kianna.

Samantalang nagising naman ang tatlo na nasa loob ng air ball. Nagtataka ang mga ito kung nasaan sila. Doon nila narealize na nasa loob sila ng isang spaceship at nanlaki ang kanilang mga mata ng makita si Kianna na galit na galit na nakikipaglaban sa isang lalaki.

They groaned because of pain. Masakit ang kanilang katawan na ikinapagtataka nila. Nakita nila ang mga pantal pantal sa kanilang balat at nagkakaroon ng mga pasa.

Tumayo sila at sinubukang sirain ang air ball upang makalabas sila. Nakita nila sina Drago at Alileo na tumatakas kaya nagkatinginan sila. Kahit walang ideya sa mga nangyayare ay mukhang nakakakutob na sila na binihag ulit silang apat ni Drago. At iniligtas na naman sila ni Kianna.

Ngunit sabay silang napasigaw ng biglang sumakit ang kanilang mga ugat. Napapaluhod ang mga ito sa sakit na parang may kakawala sa kanilang katawan.

Kianna and The Stones (COMPLETED) Where stories live. Discover now