Chapter 18

542 48 3
                                    

~~~~~

Kianna step backwards. Hindi siya
makapaniwala na makita niya ulit ang kanyang ama na matagal ng hindi nagpapakita sa kanya. Pati ito ay gulat na gulat ng makita siya.

Si Casmer o kilalang tawag ni Kianna na Blue ay nagulat din.

"Kilala mo siya Bryan?" tanong ni Casmer sa lalaki.

Samantalang hindi naman maipaliwanag ni Kianna ang nararamdaman. Hindi niya alam kung matutuwa ba siyang makita ang ama o kagalitan ito. Nananatili lamang siyang nakatitig dito. Sa mahabang panahon ay ngayon lamang ulit niya nakita ang mukha nito na kailanman ay hindi niya nakalimutan. Tila ba bago lang ang pangyayare na iniwan siya nito at ng ina.

Kianna got misty eyes. Pero mas nanaig pa rin dito ang hinanakit sa ama.

"Kianna, anak..." humakbang na wika ni Bryan ngunit humakbang din palayo si Kianna.

"You are not my father! My father left me! And he will never come back!" naiiyak na wika ni Kianna habang pinipigilan ang galit na namutawi sa dibdib niya.

"Kianna, I'm sorry for leaving you. Sumama ka sa amin at sabay nating iligtas ang mundong ito." napatiimbaga naman si Kianna sa narinig mula sa ama at saka pinahid ang luhang kumawala mula sa mga mata.

Dumating naman sina Reynara na hinihingal. "Kianna!" ngunit napansin nila ang tension na namamagitan sa kaibigan at sa lalaking kaharap nito.

Pinandilatan naman nila ng mga mata si Casmer ng makita ito.

Kianna scoffed, "Iligtas? Hindi dapat ang mundo na ito ang iligtas kundi ang mga kaibigan ko."

Bigla naman may mga dumating na mga space monsters at pinalibutan sila.

"Kung gano'n ay wala na akong magagawa pa." sambit ni Bryan at tumalikod, at hindi naman makapaniwala si Kianna sa narinig kaya napakuyom ito ng kamao. Mas sumikdo lalo ang galit niya sa ama. Hindi ito ang ama na nakilala niya. Pero kung nagawa siya nitong iwan ay magagawa din siya nitong iwan ulit.

"Bakit niyo ako iniwan, Papa?" naiiyak na sambit ni Kianna na ikinasinghap ng mga kasama. "Dahil ba dito? Sa kapangyarihan?" wika niya habang nagpalabas ng kapangyarihan sa mga kamay.

Ngunit hindi siya sinagot ng ama at naglakad na ito paalis kasama si Casmer. Agad naman pumalibot sa kanila ang mga space monsters.

"Hulihin sila." malamig na sambit ni Bryan.

Napayuko naman si Kianna at napayukom ng mga kamao ng sobrang higpit. Pag-angat ng kanyang ulo ay nakita ng lahat ang pag-aapoy ng mga mata nito at sumiklab naman ng apoy ang buong katawan nito. Kinain na ng galit si Kianna. Agad nitong sinugod ang mga space monsters at wala man lang itong kalaban-laban dahil nasusunog lamang ang mga ito tuwing lalapit kay Kianna at kapag natatamaan ng apoy nito. Dahil sa nag-uumapaw na emosyon ay wala na ngayong control sa katawan si Kianna. Nakangisi lamang ito ng nakakatakot.

Nagkatinginan naman sila Reynara at ng tatlo pang fairies. Tumango sila sa isa't isa at sumugod na din sa mga space monsters.

Ang lahat ng mga monsters ay napatalsik sa isang tira lang ng kapangyarihan ni Kianna. Her eyes were still blazing with fire. Lahat ng nadadanan nito ay kanyang pinapatay ng walang awa. Natatakot naman sila Reynara sa nakita pero nilakasan nila ang loob para dito.

Marami pang mga monsters ang sumugod sa kanila habang papunta sila sa pinakaitaas ng building.

Samantala, nakamasid lamang si Drago kasama si Alileo at Bryan kay Kianna mula sa malaking monitor. Pinag-aaralan nila ang mga galaw nito, kung paano ito gumagamit ng kapangyarihan. Patuloy naman sa pag-scan si Alileo sa katawan ni Kianna habang hinahanap pa rin ang bato. Ngunit wala ulit itong makita na bato kundi isang enerhiya lamang.

Kianna and The Stones (COMPLETED) Where stories live. Discover now