Prologue

3.2K 97 3
                                    

-----
Author's Note

Copyright Notice:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, , and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

------

   
Prologue

    
Tag-ulan na naman at mahihirapan na naman sa pagsakay ng tricycle si Kianna. Late na late na siya at nasa may waiting shed parin siya. Dahil sa lakas ng ulan ay basang basa na ang uniform niya. Pero kahit na giniginaw ay desidido pa rin siyang pumasok sa school. Napangiti siya ng makita ang tricycle driver na palagi niyang nasasakyan papuntang school.

"Manong Tik!"

"Oh hija! Halika at ihahatid na kita sa school mo!"

"Opo! Samalat po Manong Tik at binalikan niyo po ako!" masayang ani ni Kianna at dali daling pumasok ng tricycle.

"Naku! Basa na iyang uniform mo, talagang papasok ka?"

"Huwag na po kayong mag-alala manong! Matutuyo po din ito mamaya!" napailing iling nalang ang manong tricycle driver at saka pinaharurot na ang tricycle paalis.

TUMAKBO si Kianna papasok ng building kung nasaan ang classroom niya. Ang Grade 4-Sampaguita. Pinagalitan pa siya ng kanyang guro dahil late siyang pumasok. Pinagtawanan din siya ng mga kaklase niya dahil sa kanyang itsura pero ipinagwalang bahala na lang niya ito. Kahit giniginaw dahil sa basang damit ay nagconcentrate pa rin siya sa itinituro ng guro.

Ng magrecess ay lumabas na sila sa classroom at pumuntang canteen pero si Kianna ay dumeritso sa CR. Doon ay pumasok siya sa isang cubicles at hinubad ang basang uniform pansamantala. Nagulat siya ng marinig ang mga ingay ng sapatos papasok sa CR kaya dali dali niyang sinuot muli ang basang uniform na medyo natutuyo na.

"Look how pathetic Kianna is? Hahaha She's funny going to school like a mess!"

"Yeah right! She's really poor!"

"Yeah, and seriously? You made friends with that loser, Ammy? hahaha"

"Yuck! I'm not friends with her anymore! As you said, she's a loser! duh!"

Nagtawanan naman ang mga ito at dahil patapos na ang break nila ay umalis na ito agad. Samantalang, umiiyak naman si Kianna sa narinig mula sa bibig ng bestfriend na si Ammy. Kahapon ay ok pa sila pero bakit nasasabi iyon ng kaibigan?

Pinunasan niya ang mga luhang naglandas sa mga pisngi at saka lumabas ng CR. Nakayuko lang siya habang pumasok sa classroom. Pinagtatawanan pa rin siya ng mga kaklase niya pero gaya ng nakasanayan ay hindi nalang niya ito pinansin dahil ang mahalaga sa kanya ay ang matutunan niya sa klase ngayong araw.

Ng tanghalian na ay kumuha ng tiyempo si Kianna para kausapin ang kaibigan na si Ammy. Nakataaa ang kilay nito habang tinignan siya at parang nandidiri ito.

"Ammy, iniiwasan mo ba ako?"

"What do you think? From now on, were not friends anymore ok?"

"Ammy!... bakit mo ba nasasabi iyan? Ok pa naman tayo kahapon ah..." medyo naiiyak na ani ni Kianna.

"Hahaha ikaw lang ang nag-iisip nun! Don't be hypocrite Kianna! Pwede ba huwag mo na akong kausapin mula ngayon dahil hindi na kita bestfriend..." nakaismid na sabi ni Ammy at tuluyan na ngang napaiyak si Kianna.

"Ano ba ang nagawa kong kasalanan sayo Ammy? Para tratuhin mo ako ng ganito?"

Hindi siya sinagot ni Ammy bagkus ay tinalikuran na siya nito. Walang nagawa si Kianna para pigilan si Ammy. Napaupo nalang ito sa bench at saka napahagulhol ng iyak. Hindi kasi niya alam kung bakit nilayuan siya ng bestfriend niya.

Nadurog ang puso niya sa ikalawang pagkakataon. Kapatid na kasi ang turing niya sa kababata at bestfriend na si Ammy pero binigo lang siya nito. Sa isip niya ay tanging sarili nalang niya ang mapagkakatiwalaan mula ngayon.

    
xxxx

Kianna and The Stones (COMPLETED) Where stories live. Discover now