Chapter 16

683 50 1
                                    

~~~~

Nagkaroon ng pagdiriwang sa buong Gaia Land dahil sa pagkaligtas ng mga nabihag na mga kasama mula sa mundo ng mga Dark Fairies. Ang lahat ng mga white fairies at dwarves ay nagkakasayahan. Lahat ay busy sa pag-entertain ng bawat isa.

Nakangiti namang nakatanaw sina Kianna, Ammyleah, Jasmeen at Charlene sa mga nagsasayawan at nagkakantahan na mga white fairies at dwarves.

"Wanna fly?" wika ni Reynara pagkalapit sa apat na nasa terrace ng palasyo.

Ngumiti naman ang apat.

"Game!"

Dahil do'n ay nagtransform si Reynara bilang monster form nito na ahas at sumakay doon sina Ammyleah, Jasmeen at Charlene.

"Sama kami!" sigaw nina Princess Amesha at Yuri habang nakangiti.

"C'mon! Let's fly!" sambit ni Kianna at nauna ng lumipad. Napahagikhik naman ang mga kasama at lumipad na nga si Reynara. Sina Princess Amesha at Yuri ay nilabas ang mga pakpak at lumipad na pasunod sa mga kasama.

Nagtatawanan sila habang nagkakarerahan sa himpapawid. Natuwa naman ang ibang mga fairies kaya naman ay lumipad din ang mga ito upang sumabay sa kanila. Napuno ng halakhakan ang buong Gaia Land.

Samantalang nakamasid lamang ang hari ng mga Dark Fairies na si Akhmad sa kanila. Nakakuyom ang mga kamao nito sapagkat konti nalang ang natira sa mga alagad nito dahil nasawi ang mga ito sa labanan.

"May araw din kayo, White Fairies..." bulalas nito.

Habang sa mundo naman ng mga Space Monster ay nagwala si Drago. Hindi nito matanggap na si Alileo na lamang ang nakabalik sa lahat ng kanyang mga alagad.

"Babalik ka doon, Alileo at magdala kapa ng mas maraming mga alagad natin! Kailangan na natin makuha ang mga bato dahil konting panahon nalang at magugunaw na ang ating mundo!"

"Masusunod panginoon..." sagot ni Alileo.

"Wait... may plano ako at sigurado akong magtatagumpay ang plano kong ito bwahahahaha"

"Ano naman iyon panginoon?"

Nanatili lamang sa paghalakhak si Drago dahil excited na ito sa naisip na plano.

~~~

Nagkakatuwaan pa rin ang mga fairies at naghahabulan. Nangunguna si Kianna sa paglipad at nakasunod sa kanya si Reynara habang sakay ang tatlong kaibigan. Kasunod naman nila si Princess Amesha at Yuri pati ang ibang mga white fairies.

"Hi Kianna!" napangiti naman si Kianna ng makita ang nakasabay niya sa paglipad.

"Graziel! Wow! Ang bilis mo din palang lumipad!"

Napahagikhik naman si Graziel. "Paunahan tayong makapunta sa may tuktok ng bundok na yan!" turo ni Graziel sa pinakamataas na bundok.

Ito ang bundok kung saan sila napadpad noon pagkalabas sa current. Naalala naman niya ang mga higanteng Ostrich at iba pang mga hayop.

"Game on!" nakangiting wika niya at lumipad na ng mabilis.

Habang nalipad ay gumagamit sila ng mga tricks sa isa't isa.

Mabilis namang lumipad si Reynara at napapasigaw naman ang tatlo habang nakakapit na mahigpit kay Reynara.

Natatawa naman sina Princess Amesha at Yuri.

Pero sa huli ay si Kianna ang unang nakarating. Napangiti siya ng makita ulit ang mga naglalakihang mga mushrooms at Ostrich. Nagpaikot ikot naman si Graziel, Princess Amesha at Yuri sa mga halaman na walang bulaklak at mayamaya pa nga ay nagkaroon na ito ng bulaklak pagkatapos palibutan ng kanilang mga pixie dust.

Kianna and The Stones (COMPLETED) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu