KABANATA 34

31 4 0
                                    

"May magbabanta
Natakot sa aking binalita
Sila ay natataranta
Bunga ng masamang hangin ang ipininta"

"Hello?!", asar na sagot ko kay Athasia mula sa kabilang linya. Sinira niya ang tulog ko."Ano?!"

"Wow si prinsesa naman ay nabulabog nanaman namin..", sarkastiko nitong sambit.

"Shut up! I'm sleeping!", pagtataray ko.

"Moni tayo!", sigaw nito.

"Anong moni?", tanong ko.

"Baliktarin mo!", sigaw nito pabalik.

Kumuha ako ng papel at ballpen para baliktarin ang salitang 'moni'. At ang nakuha ko ay 'iuow'.

"Pucha anong sinasabi mo Athasia? iuow? Mayghad alien language ka teh?! Nababaliw ka na ba? Sana balikan ka na ni Kyle para tumino ka na..", sambit ko sa kaniya.

"Stupid Brianna! I thought you're wise...smart..mayghad!", puna nito habang muhing muhi sakin.

"Ano ba kasi?kagigising ko lang tapos pamoni moni ka pang nalalaman! I don't know how to use alien language huh!", irita kong sambit kay Athasia.

"Stupid! Inom kasi! Napaka-slow mo!", naiirita nitong sabi.

"Bahala ka jan!", sambit ko.

"Gaga tara na! Ngayon na nga lang ule makukumpleto! Para naman mabawasan stress mo! Bahala ka magiging witch ka na dyan!", pang-aasar niya.

"Okay lang, atleast hindi hopia sa ex!", natatawang asar ko kay Athasia.

"Di ka sure!", bawi nito.

"Di ka sure your face!", sambit ko sakanya.

"Ilang araw lang na wala ka madami ka agad na namissed na topic! Kaya pumayag ka na. Dadaanan ka namin diyan nila Nathan! Be prepared before 8pm! No buts! No reason! Period! Bye..", sunod sunod na sambit ni Athasia kaya hindi na ako nakapalag.

Tinignan ko ang oras at 7pm na. Matagal tagal na rin pala akong nakatulog. Nagprepare na ako dahil ayokong nalelate kapag nadaan sila dito sa bahay.

Ayoko din munang bahiran muli ng ingay itong bahay. Hindi ko alam, dapat hindi ako nagsasaya ee. Kamamatay lang ng parents ko. Pero anong magagawa ko kung ito lang ang tanging paraan para maitakas ako sa kalungkutan.

Nagshower ako ng mabilis at naghanap sa closet ko ng pwedeng suotin. Kinuha ko ang tube kong red, ang fitted leather skirt, pati ang leather croptop jacket ko, at dr.martens boots.

I blow dry my hair, and fix it into soft curls. I put a light make up, a face powder and liptint. It's better to be simple.

Bumaba agad ako at nakita agad si Athasia.

"Omayghad! You're late!", inis na sambit ni Athasia.

"Athasia you're so overacting!! It's only 8:02PM!", inis ko ding sambit.

Mahalaga kasi kay Athasia ang oras, ayaw niyang nalelate. Akala mo ay matandang may rayuma, na kahit anong oras ang sasakit ang tuhod sa kakahintay. Well, "time is gold". Siguro someday malalaman ko din ang halaga noon.

Sumakay si Athasia sa shotgun seat at si Nathan ang nagdadrive. Medyo tahimik pa dahil kami palang ang laman ng fortuner ni Nathan. Inuna nila akong daanan para daw hindi na ako magmabagal.

"Hey Brianna..kamusta na? Hindi na kita nabisita dahil sabi mo sakin nung last meet natin ayaw mo pa ng kausap. Kaya heto ngayon lang..", kalmadong sambit ni Nathan."Sabi ko nga kay Athasia wag ka munang isama dahil alam naming may pinagdadaanan ka..pero sabi ni Athasia para naman raw mabawasan yung lungkot mo..", dagdag ni Nathan.

WHAT IF [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora