KABANATA 38

38 4 1
                                    

"Isang papel na punong puno ng damdamin                        
Tinutukoy ang sakit na tatahakin
Isang liham na sumasalamin sa dalangin
Na sana ako'y maligtas at wag na siyang isipin"

Sabrianna Dela Cuesta Contreras,

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang liham na ito. Gusto ko lang sabihin na simula una magpasahanggang ngayon ay mahal na mahal kita.

Nung una kitang makita sa school nakaramdam na ko ng kakaibang feeling. Parang gusto kong lapitan ka, pero pinigilan ko nalang ang sarili ko. Simula dati nakakaramdam na ko ng mga senyales na gusto mo din ako. Pero inisip ko na baka naiinis ka lang kapag napapalapit ako sayo kaya ka nagkakaganon. Pero hindi eh, ramdam ko na may pagtingin ka sakin dahil sa mga kinikilos mo. Nauutal ka kapag kinakausap ako, namumula ka kapag magkaharap tayo. Noong mga araw na nararamdaman kong gusto mo ako, mas lalo akong nakakaramdam ng saya. Ewan ko, pero parang binubuo mo ang araw ko. Hindi pa ako sure noon sa nararamdaman mo, kaya nakipagkaibigan nalang muna ako para mas lalo pa kitang makilala. Sa sobrang gago ni Nico palagi nalang niya akong niloloko sayo hanggang sa na-invest ko na yung pagmamahal ko sayo. Nagpaplano ako na ligawan ka. Hindi ko minadali dahil baka magulat ka at maturn off ka sakin. Hindi ko alam, pero sa tuwing kasama ko sila Nico ikaw na yung bukang bibig ko. Wala na akong ibang babaeng tinignan noon kundi ikaw. Dahil ikaw lang yung babaeng bumihag sa puso ko. Ikaw lang ang babaeng nagpaparamdam sakin ng labis na saya at kakuntentuhan. Ayoko ng maghanap ng iba.

October 5, yan ang napili kong araw para tanungin ka kung pwede ba kitang maging girlfriend. Mahaba na din ang pinagsamahan natin kaya napagdesisyunan ko ng tanungin kung payag ka na ba. Naghanda ako ng mga pakulo. Binilhan kita ng human size mickey mouse dahil alam kong yun ang paborito mo. Binigyan kita ng red roses dahil yun ang sign ng pagmamahal ko sayo. Red symbolizes love. At binigay ko din ang buong sarili ko sayo.

I treasure every moment with you.

Hindi mo alam kung gaano ako nawasak, nung mga panahong naging cold ako sayo. Nagawa ko lang naman yun dahil gusto ko yung pinaparamdam mo sa akin na importante ako sayo. Gusto kong marinig na proud ka to have me. Pero bakit parang ambilis mo magbago? Bakit parang kampante ka na hindi ako aalis. Hindi talaga ako aalis kasi mahal kita. Pero ang sakit na. Hindi ko na maintindihan. Ayokong sabihin sayo ang mga bagay na ganto dahil pakiramdam ko ang babaw ko.

Noong nag-set ako ng dinner tinanggihan mo, pero tinanggap ko na yun. Dahil alam kong may importante kang lakad. Tinanong ko sila Athasia kung may alam sila pero wala daw. Umalis na ako dahil may tiwala ako sayo. Pero noong nagtraffic, hindi ko mapigilang magisip. Kaya bumalik ako para balikan ka. Nakita ko kung paano ka tignan ng lalaking yon. Hindi ako naniniwalang pinsan mo yon. Wala akong ginawa, hindi ako sumugod nung nakita kong niyakap ka niya. Pero durog na durog ako non. Tinawagan ko sila Nico para samahan ako sa bar. Hindi ko na alam ginagawa ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Nakakailang bote na ko para lang magpassed out ako. Pero hindi, napakataas ng alcohol tolerance ko. Gumuguhit sa utak ko ang sakit ng alcohol na iyon, at gumuguhit naman sa puso ko yung sakit na naramdaman ko noong nakita ko kayo.

Noong tumawag ako para ipaalam na hindi kita masusundo ay lubha akong nasaktan. Lalo na nung binato mo ko ng pagdududa. Naramdaman kong napakawalang kwenta ko. Naramdaman kong hindi mo ko deserve. Nasaktan ako kasi kahit anong gawin ko hindi mo na ata ako ulit mamahalin katulad ng dati. Feeling ko failure ako. Feeling ko hindi ako para sa iyo. Sylline? pinsan ni Klyde. Siya yung narinig mo oo. Pinabantayan muna ako ni Klyde sakanya. Dahil ihahatid ni Klyde si Nico sa bahay nila. He almost passed out. Si Klyde lang ang may kaunting nainom kaya siya alng ang may lakas na magdrive. Hindi ko alam ang mga sinasabi ni Sylline. Ang alam ko lang ay kailangan kong sabihin sayo na hindi kita masusundo. Sinamantala ni Sylline ang kalasingan ko, hinalikan niya ang walang kalaban laban kong labi. I'm sorry hindi ko napigilan. Wala akong lakas.

WHAT IF [COMPLETED]Where stories live. Discover now